Stella
×
Pinagtitinginan ako ng mga tao nang lumabas ako sa apartment building. Gets ko naman na marami pa akong pasa sa mukha at katawan pero hindi naman nila ako kailangan titigan! Matik na 'yan, lahat ng tao mapang-husga, e. Iniisip siguro nila na binugbog ako-- na totoo naman.
Nakapasok ang dalawang kamay ko sa bulsa ng itim kong jacket nang huminto ako sa tatlong babaeng nag-uusap sa gilid.
Kanina pa mula sa malayo, tanaw ko na 'yung pagtsi-tsismisan nila.
“May problema?” tanong ko.
Umiling at nagka-tinginan silang tatlo. Akala ko nga ay walang sasagot pero may makapal ang mukha na nagsalita.
“Anong nangyari sa mukha mo? Binugbog ka ba ng kasama mo sa apartment?” hindi ko alam kung nag-aalala siya pero mukhang tsismis lang ang habol niya.
“Gusto mo ikaw bugbugin ko?”
Nagulat siya ro'n pero agad na nag-react 'yung dalawang kasama niya. Parang sarkastikong natawa sa tanong ko. Hindi ba 'ko mukhang seryoso? Hindi ko sila uurungan. Mukhang mas mabilis pa patumbahin 'tong mga 'to kaysa sa literal na hayop.
“Nagtatanong lang naman siya. Hindi mo naman kailangan itago. Pwede ka namin tulungan magsumbong sa pulis para ipahuli ‘yung gumawa sa ‘yo niyan," sabi ng isa.
“Oo nga naman. Tinatakot ka ba n‘ya?”
Nagsalubong ang kilay ko, “Sino bang tinutukoy n‘yo? Kilala n‘yo ba ako?”
“Hindi, pero nakakaalarma ‘yung gan‘yan. Tutulungan ka naming magsumbong sa mga pulis para mahuli ‘yung---”
Nilagpasan ko sila, “H‘wag kayong nangingialam. Hindi ako binubugbog ng kasama ko kaya magsitigil kayo.”
“Nagta-trabaho kami sa gobyerno pwede---” pinigilan ako ng isang babae sa braso, dahilan para agad ko ‘yon bawiin. Tinignan ko siya ng masama na siyang kinatigil niya.
Gago 'to, hinawakan mo 'yung tapyas na balat ko...
“Hindi n‘yo ako kilala kaya manahimik kayong tatlo diyan. Hindi ko kailangan ng tulong n‘yo, lalo na ng mga pulis n‘yo," pagtatapos ko.
Badtrip.
Sinuot ko 'yung hood ng jacket ko para kahit paano ay tantanan na ako ng mga matang tumitingin sa 'kin. Kahit saan ka talaga magpunta, maraming titingin at manghuhusga sa 'yo. At anong sabi nila? Magsumbong sa pulis?
Hindi nila kaya ang Whyos-- at ayoko sa mga pulis. Like I said, all cops are bastard.
Medyo malayo ‘yung pinag-parkingan ng sasakyan ni Erick kaya naman naglakad pa ako kung saan niya ako dating sinundo. Nakita ko siyang nakatayo at nakasandal sa pinto ng kotse, nagce-cellphone.
Maalala ko lang, na kay Gavin pa kaya 'yung phone ko?
“Hoy.”
Tumingin siya sa 'kin at ngumiti, pero agad din 'yun nawala nang mapagtanto ang itsura ko.
“Ma’am Stella, anong nangyari sa ‘yo?”
“Binugbog. Hindi ba sinabi sa ‘yo ng Madam mo?”
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger’s seat, “Weh? Sinong gumawa sa ‘yo niyan? Hindi nabanggit sa ‘kin ni Ma’am Konan. Sabi lang n‘ya dalhan kita ng mga gamot sa sugat.”
Ngayong araw, pupuntahan namin si Gavin sa ospital. Nagpaalam ako kay Seven at siya dapat ang kasama ko pero hindi na naman siya mahagilap. Busy na naman sa kung anong trabaho niya. Tss.
YOU ARE READING
Tempting Fate (Charity Series #3)
RomanceCHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organization. Because of her infamous character, one of her peers attempted to rape and kill her by their o...