Stella
×
Pinayagan ako ni Seven bumisita ngayong araw kay George. Tiwala naman siya dahil sa suot kong device tracker, isa pa hindi niya ako papayagan kung hindi rin ako susunduin ni Frederick. Galing din ako sa ospital dahil dinalaw ko rin si Hance na sa kabutihang palad, nagiging okay na ang katawan niya.
Dahil wala nang kasama si George sa apartment niya, nagkasundo kami ni Konan na sa bahay muna nila titira si George. Buti na lang talaga at mabait 'tong si Konan kasi feeling ko kung wala siya, hindi papayag si Claudius.
“Kumusta ka naman dito? Ayos ba?” ginulo ko ang buhok ni George na kasalukuyang kumakain ng spaghetti.
“Okay lang naman ako rito, Ate! Ang laki ng bahay tapos ang ganda pa. Kaya lang para kaming nagtatago-taguan kasi sa laki ng bahay, hindi mo alam kung nasa’n sila.”
Natawa ako. Well, it's kind of true though.
“Kapag gumaling na si Hance at pwede na umuwi, babalik na kayo ro’n sa apartment ah? Sayang naman ‘yung binayad ni---”
Natigil ako nang maalala si Haru. Kahit paano, malaki-laki rin talaga ang natulong niya sa 'kin.
“Ate, ate, nasaan na pala si Kuya Haru? Hindi na talaga siya nagpapakita sa ‘min. Miss ko na siya, e!” biglang ani George.
“Nasa malayo na siya, e. Baka hindi n‘yo na talaga ‘yun makita. Pero--- may ipapakilala ako sa inyo sa susunod kapag maluwag na ‘yung trabaho n‘ya. Uhm, future husband ng Ate mo!” sabi ko sabay tawa.
Nanlaki ang mata niya, “Mag-a-asawa ka na?!”
“Matagal pa! Future nga, e. Pero kasi hindi ko pa siya madadala rito para ipakilala kasi busy ‘yun sa trabaho. Pero ipapakilala ko siya sa inyo. Promise ‘yan!”
“Ate, baka saktan ka lang n‘ya...” lumungkot ang boses nito kaya naman muli kong ginulo ang buhok niya.
“Makapagsalita ka parang ang tanda mo na ah!”
“Ayoko lang na saktan ka n‘ya kagaya ng ginagawa sa ‘tin ni Papa dati... ayoko na maulit ‘yun, e.” saka ito malungkot na tumingin sa 'kin.
Parang humagod ang puso ko dahil sa pag-aalala sa 'kin ni George. Kung pwede ko lang burahin sa isip nila ‘yung ka-demonyohan ni Papa, ginawa ko na. Ang kaya ko lang kasi gawin ay burahin si Papa sa mundo-- na siyang nagawa ko na.
Come to think of it, is he already in hell, burning his soul and waiting for me?
Kahit sa kabilang buhay, hindi ko siya mapapatawad.
Inayos ko ang buhok ni George, “Hindi sa ‘kin gagawin ni Elijah ‘yun. Sa kabila ng ugali ko, kung sasaktan n‘ya ako, sana noon n‘ya pa napakita sa ‘kin. Kaso hindi, e. Mahal ako no’n at mahal ko rin siya. Kaya kapag nakilala mo na siya, mahalin mo rin siya na parang Kuya n‘yo na ah?” pagpapaliwanag ko.
“Elijah ang pangalan n‘ya, Ate?”
“Ang ganda ‘no? Saka pogi ‘yun, tapos mayaman din pero mas mayaman pa rin si Kuya Claudius at Ate Konan mo.”
“Wow...”
Pinagpatuloy namin ni George ang pagkain ng spaghetti na pinaluto ni Konan sa kasambahay nila nang biglang dumating si Frederick. May bitbit itong mga pagkain.
“Food delivery!” anunsyo niya.
“Ano ‘yan?”
“Pinabili ni Ma’am Konan para sa inyo. Ice cream, donuts, wings, breads at waffles. Baka raw gutumin kayo ni George,” isa-isa niya 'yun nilabas sa plastik at talagang napanganga kami ng kapatid ko sa nakita.
YOU ARE READING
Tempting Fate (Charity Series #3)
RomanceCHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organization. Because of her infamous character, one of her peers attempted to rape and kill her by their o...