• Twenty Six •

35 1 0
                                    

Stella

×

Tinotoo ni Seven ang mga sinabi niya sa ‘kin nang araw na 'yun. Tangina, nanindigan siyang hindi kami mag-uusap ng matagal. It's been one week since he ghost me-- and he's still ghosting me.

Dati kay Haru lang ako nangungulit sa phone, pero ngayon kay Seven na. Mas malala pa nga ngayon dahil maya't-maya ko talaga siyang tinetext, tinatawagan, nagpapapansin pa ako sa camera pero wala talaga. Hindi ko na naririnig ang boses niya, hindi ko na siya nakikita.

Kapalit no'n ay ang pagkikita muli namin ni Kaloy.

“Stella, tingin ko lasing ka na.”

Binagsak ko ang hawak na bote ng alak at sinamaan siya ng tingin, “Gago ka ba? Anong tingin mo sa ‘kin? Weak?”

“Akala ko ba kakain lang tayo? Bakit napunta sa inuman?”

“Ewan. Masarap uminom, e.”

Napabuga siya sa hangin sabay shot ng alak, “Siguro nagce-celebrate tayo dahil nagkita na ulit tayo? At nabalitaan mong hindi ako nabuko nina Aaron no’ng pinatakas kita?”

Napangisi naman ako. Well, I honestly didn't thought about that.

“Mga hayup ‘yun. Pag ako naging mayaman, ipapahanap ko mga ‘yun at ipapakatay ko. Tangina, tignan mo o! May sugat pa ‘ko! Hindi na makakalimutan ng katawan ko ‘yung pinaggagawa nila sa ‘kin. I will kill all of them! I will kill you all motherfu---” bigla na lang tinakpan ni Kaloy ang bibig ko.

“U-Uy!” suway niya, “Nasa labas tayo, tanga. ‘Wag ka ngang sumigaw ng gan‘yan!”

Marahas ko naman tinanggal ang kamay niya, “O anong pakialam ko kung marinig nila? Tangina! Pakisabi kina Aaron, babalikan ko sila ha? Tatapyasin ko mga ari nila!”

“Stella!” mahinang singhal niya. Mukhang siya na ang nahihiya para sa ‘kin.

Sunod-sunod kong nilagok ang alak sa bote hanggang sa maubos ito. Nagtaas pa ako ng kamay para tawagin 'yung waiter. Nakailan na ba ako? Tatlong bote? Tss. Kulang.

“Hoy! Waiter!” bulalas ko.

Napabuga sa hangin si Kaloy, “Pinagtitinginan na tayo. Ang lakas ng amats mo. Saka ‘di ba sabi ko ‘wag ka nang babalik do’n. Hindi mo kailangan bawian sila Aaron dahil baka mapahamak ka na naman. Hirap-hirap mong itakas, mabuti na lang at dumating si Seven.”

Para akong natigilan nang banggitin niya ang pangalan na 'yun. Muling bumalik sa isip ko 'yung mga katarantaduhang sinabi niya.

Ano ba kasing kaartehan 'yon?! Parehang-pareha sila ng kambal niyang si Haru. Pota!

“Bobo ‘yong Seven na ‘yun! Alam mo, kapag nagkita kami ulit, sasaksakin ko na ‘yun para wala na kaming problema ni Haru! Pagod na pagod na ako, e! Palagi na lang akong naghahabol. Parehas silang magkapatid!” dire-diretso kong sabi.

Nangunot ang noo niya, “Sino naman ‘yung Haru? Saka may kasalanan ba sa ‘yo si Seven?”

“Si Haru! ‘Yung kambal ni Seven! Si Haru--- siya ‘yung gusto ko! Ayoko kay Seven, gusto ko kay Haru dahil mas gwapo si Haru!”

“H-Huh?”

Dumating ang waiter at nagbaba muli ng isang bote sa table, kaagad ko 'yun nilagok.

“So... magkambal sila pero magkaiba sila ng itsura? Gano’n ba?”

“Gago! Kambal nga, e! Malamang magkamukha!”

“Pero mas pogi ‘yung Haru?”

“Mas pogi si Haru! Mabait pa saka matulungin! E, si Seven? Walang ibang inisip ‘yun kundi sarili lang n‘ya! Hah! Hindi na nga n‘ya ako kinakausap, hindi na rin siya nagpapakita, dahil daw ayaw daw n‘ya akong madamay! Gunggong ba ‘yon? Parang sina Aaron din mag-isip, e! Mga utak lamok!”

Tempting Fate (Charity Series #3)Where stories live. Discover now