Stella
×
Alas siyete ng gabi nang maihatid ako ni Konan sa tapat ng building apartment. Hindi ko planong mag-stay kanina ng matagal sa office pero dahil nagkasundo na kami ni Gavin, hindi namin namalayan ang oras sa tagal ng pagku-kwentuhan naming tatlo ro'n.
Masasabi kong tunay 'yung saya ko kanina kasama si Konan at Gavin. Kahit matalas ang dila ko, parang wala na lang sa kanila't sinasakyan na lang.
“Thanks for the ride,” anas ko kay Konan.
Nakangiti siyang tumango, “No problem. Atleast ngayon, maayos na kayo ni Gavin. We had a lot of fun today, I’m so happy.”
Kita naman 'yun sa mukha niya.
Nahawa na rin ako sa ngiti niya, “Oo nga, e. Parang wala kayong past ah?” asar ko.
“Huh?”
“Sabi ko parang hindi kayo naglandian---”
“Oh my God!” napahawak siya sa dalawang pisngi niya, mabilis na rumehistro ang hiya at ilang sa kan'ya, “D-Don’t say that, Stella! We’re friends, we’re okay. Ayokong... bumalik sa awkwardness ang lahat,” umiwas pa siya ng paningin.
Hindi man sa 'kin i-kwento ni Konan ang tungkol sa nakaraan nila ni Gavin, wala na sa 'kin 'yun. After all, na-ikwento na rin naman sa 'kin 'yun ni Gavin. Bilib lang ako dahil nanatili pa rin silang magkaibigan.
Normal ba 'yun sa mag-ex?
Sumingit naman sa usapan si Erick na nasa driver's seat.
“Ma’am Konan, naging kayo ni Sir Gavin?!” gulat niyang tanong sa isa.
“H-H-Hindi! Hindi naging kami!”
“Wow... bihira sa mag-ex ang maging magkaibigan ulit. Saka nasa iisang circle of friends pa kayo. Buti na lang professional si Sir Claudius at hindi nagalit.”
“Hindi nga naging kami!” bulalas niya pa at napailing na lang, “Ikaw kasi, Stella, ayan tuloy iniisip ni Frederick na naging kami ni Gavin.”
Natawa naman ako, “Ah hindi ba? Pero nagkaroon pa rin kayo ng something ‘no? Hahaha!”
“Hindi ko nahalata ‘yun ah! Bagay kayo ni Sir Gavin, pero mas bagay kayo ni Sir Claudius. Anuman ang mangyari, Claunan shipper ako! Claunan shippers tayo, Ma'am Stella! Ahoo!” hiyaw ni Erick.
Sinabayan ko 'yun ng tawa kasi mukha siyang tanga.
“F-Frederick! Stella! Stop embarrasing me, please!” ang liit ng boses ni Konan, ang cute. Para talagang boses ng daga.
“Ayoko na nga, baka pagalitan pa ‘ko ni Sir Claudius pag nalaman ‘to,” bumalik na sa pagkakaayos ng upo si Erick.
Bahagya kong tinapik ang balikat ng nahihiya na si Konan, “Okay lang ‘yan. Past is past.”
“Oo nga pala, tinawagan ako ni Seven kanina no’ng tinext ko siya na kasama kita. Parang hindi yata n‘ya nagustuhan na umalis ka. Paki sabi na lang, sorry.” mababang sabi niya.
Speaking of that asshole, saglit ko siyang nakalimutan kanina pero ngayong binanggit siya ni Konan, nalimutan kong tignan ang phone ko.
Dinukot ko 'to sa maliit na body bag na dala ko at nakitang may 23 missed calls at 12 unread messages ito sa ‘kin?! Tangina?
Nataranta tuloy ako.
“Gagi! Una na ‘ko, ingat kayo!” mabilis akong tumakbo papasok ng building. Habang hindi ako mapakali habang naghihintay na bumukas at makasakay sa elevator, biglang nag-ring ang phone ko.
YOU ARE READING
Tempting Fate (Charity Series #3)
RomanceCHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organization. Because of her infamous character, one of her peers attempted to rape and kill her by their o...