• Fifty Four •

20 1 1
                                    

Stella

×

"Please cooperate, guys. I need you to cooperate this time. You both."

Pagtukoy ni Seven sa 'min ni Ash. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ngayon at papunta na sa Protegé building para sa isang meeting kasama ang buong CVA.

Si Ash ang nagda-drive, habang nasa likod ako katabi si Seven.

"Dude, don't tell that to me. Say that to your warfreak girlfriend," sagot ni Ash.

"At ako pa talaga ah?"

"Of course. Ikaw lang naman lagi nati-trigger sa 'kin."

"Kung hindi ka bwiset, hindi kita papatulan," banat ko.

"Kung hindi ka bwiset, hindi kita papatulan, nyenye," panggagaya niya. Aba talagang!

Napailing si Seven dahil sa sagutan na naman namin ni Ash kaya humalukipkip na lang ako't tumahimik. Kakainis bakit kasi kasama pa si Ash? Naiwan na lang sana 'to sa bahay tutal mukha namang aso.

"You're starting again," dismayang sabi ni Seven, "Baka kayo na magkatuluyan niyan."

Nahampas ko siya sa braso na agad ko ring pinagsisihan dahil napa-aray siya. Sugat pala niya 'yung tinamaan ko.

"Stella!"

"Anong pinagsasabi mong magkatuluyan?!" singhal ko, "Sana okay ka lang 'no?"

"Ew! So disgusting! I'm not interested, okay?! She's all yours!" at umarte pa ngang parang nasusuka 'tong si Ash. Kapal ng mukha ng animal!

"Fuck you!" sagot ko.

"We're going to have a serious meeting later with the group, so you have to cooperate and stop fighting like that. And I don't intend to stay longer, I need to find my brother."

"Paano mo siya hahanapin? Sa itsura mong 'yan?" kunot noong tanong ko.

Eksaktong isang linggo palang ang nakakalipas simula nang magising siya at nagpahinga. Pero ang mga sugat niya ay nandiyan pa rin, halata pa rin at malamang masakit pa rin. Sa loob ng isang linggong 'yun, walang ibang inisip si Seven kundi si Haru.

Good luck na lang talaga kung magpakita pa 'yun. Pasalamat siya at pinipigilan ako ni Seven sa gusto kong mangyari sa kan'ya.

Tinangal ni Seven ang paningin sa 'kin at nilipat 'yun sa labas ng bintana.

"I don't know. But I'll do everything to find him again. I need my brother, I need to save him."

Alas dos ng hapon nang makarating kami sa building at agad na dumiretso sa opisina. Ang tagal ko na ngang hindi nakatapak dito, wala rin namang pinagbago, except sa ilang mga papeles na nakatambak sa lamesa. Mukhang hindi na masyado nagagalaw ni Konan dahil busy na talaga sa wedding preparation nila.

Naabutan namin si Gavin do'n mag-isa, abala sa nilalaro sa phone.

"Magpush naman kayo! Mga feeder-" napahinto agad siya at napaangat ang tingin nang maramdaman ang presensya namin.

"Seven! Stella!"

"Yo, where are the others?" si Seven.

"Uhm, wait I'll finish this first!" binalik niya ang atensyon sa paglalaro habang naupo na lang kami sa sofa.

I mean, si Seven lang pala. Si Ash sumandal sa likod ng inuupuan niya.

"Iyan na naman?" mabilis kong naagaw ang phone ni Gavin na agad naman niyang kinareklamo. Hmm, ito rin 'yung nilalaro niya dati ah?

"Stella naman! We're about to lose! Give me my phone!"

Sinusubukan niya 'yong kunin pero tumatakilod ako kasi pinagpipindot ko 'yung screen niya, 'yung parang controller. Napangiti pa nga ako kasi nakakapatay ako ng kalaban.

Tempting Fate (Charity Series #3)Where stories live. Discover now