Stella
×
Maghapon abala si Seven sa sala kasama si Ash. Kung anu-ano ang inaatupag nila sa computer, laptop at minsan may kausap din sila sa cellphone. Sinubukan kong lumapit at manuod pero sumasakit ang ulo ko sa nakikita, hindi ko lang maintindihan.
“Yeah, I got that tracker. I’ll send the code link in 15 minutes. Be right back.”
Pagkatapos makipag-usap ni Seven sa cellphone ay nagsuot siya ng salamin sa mata at nagpokus na ulit sa monitor.
“Busy ka?” tanong ko.
Nag-react naman agad si Ash kaya napairap ako ng mata. Sumasabat ba naman.
“Gosh, isn’t this obvious?” ngiwi niya sa ‘kin, “You’re the only one who’s not busy here,” saka niya nilukot ang mga papel sa harap na parang iritado.
“Ikaw ba kausap ko?!”
“Sorry but you’re kinda blind, e? Can’t help to answer your dumb question.”
“Kapag hindi kausap, ‘wag sumabat. Kung wala kang makausap, ‘wag ako,” bulalas ko.
Sasagot pa sana siya pero nag-unat ng kamay si Seven at bahagyang natawa, “I’m pretty sure you guys are going to be good together in a team up. Want me to—”
“Don’t say another word, Seven,” pagputol agad ni Ash, “Don’t trust me when it comes to that girl,” saka niya ako inismiran.
Wow? As if naman gusto ko siya makasama? Bigwasan ko pa siya. Saka ano ba 'yang sinasabi ni Seven? Hibang na naman.
Umiling ako at tinignan na lang si Seven, yumuko ako sa lamesa niya para magkalapit kami ng kaunti. Tinignan naman niya ako pabalik habang nakasandal sa swivel chair niya.
“Anyway, date tayo?” diretsang tanong ko.
“Woah,” react ni Ash.
Habang natulala ng saglit si Seven, “D-Date? You’re so straight forward, huh?”
“Kahapon ka pa kasi busy, nagbabakasakali lang na maluwag na ang ginagawa mo. Saka na-miss kong lumabas ng tayong dalawa lang.”
Hinaplos niya ang kabilang pisngi ko, “As much as I want to date you but... I have clients today.”
“Hindi ba wala ka na sa agency niyo?”
“It’s a different job we’re working. Hindi lang sa agency umiikot ang trabaho ko.”
Hinuli ko ang kamay niya sa pisngi ko, “Akala ko ba hahanapin mo si Haru?”
“Yeah, we’re working on that as well,” maliit na ngiti niya, “Hindi ko ‘yun kakalimutan. Before this month ends, dapat alam ko na kung saan siyang lugar nagtatago.”
“Isama mo ‘ko, ayoko maiwan dito.”
Ilang araw mula nang sabihin niya na aalis siya para hanapin si Haru, binabagabag talaga ako ng loob ko kung isasama ba ako ni Seven. Siya 'yung tipo ng tao na kapag alam niyang pwede mong ikapahamak, hindi ka niya isasama. Ilang beses niya na 'kong iniwan at ayoko nang bumalik sa gano'n.
Mas hindi ko kaya kapag may nangyari kay Seven. Handa kong ibuwis ang buhay ko para sa kan'ya.
Natawa siya ng kaunti, “Sino ba nagsabi na iiwan kita? Unless you want to be with Ash alone?”
“WHAT?!”
Nagsabay pa talaga kami ng reaksyon ni Ash. Tss!
Habang natawa si Seven sa 'min at napailing na lang. Inisnaban ko si Ash.
YOU ARE READING
Tempting Fate (Charity Series #3)
Roman d'amourCHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organization. Because of her infamous character, one of her peers attempted to rape and kill her by their o...