• Fourty Two •

26 2 1
                                    

Stella

×

“Seven.”

Kahit walang suot na headphone, hindi talaga ako pinapansin ni Seven. Ni kahit tignan, hindi niya na ginagawa.

“Seven, aalis ako. Pupuntahan ko lang si George sa apartment n‘ya,” paalam ko pa.

Pero wala akong narinig. Napabuntong hininga ako nang maramdaman kong kumikirot na naman ang puso ko. Tangina nga, e. Mas lalo na siyang naging mailap sa 'kin simula no'ng mag-away sila ni Gavin.

“Okay lang ba na umalis ako?”

Walang sagot. Patuloy lang siya sa pagta-trabaho sa harap ng laptop niya.

“Kasama ko si Erick--- I mean, si Frederick. Saka suot ko ‘tong tracking device. Akala mo kakalimutan ko ‘to? Syempre hindi.”

Wala ulit sagot.

Para akong hangin kay Seven. Kung alam niyo lang kung paano niya ako daanan kahit na kinakausap ko siya, tinatawag ko siya, kahit nagpapapansin ako sa kan'ya, talagang tablado ako.

Ni hindi niya ako matignan sa mata kahit isang segundo. Nararamdaman ko talaga sa kan'ya na seryosong-seryoso na siya na ilayo ako rito kasabay ng pag-alis niya sa CVA. Any moment from now, he can just tell me to pack my things and leave this place. 'Yun ang pinaka ayokong isipin.

Mabilis na namasa ang mata ko. Parang gago. Hindi naman ako naiiyak sa mga ganitong isipin, e. Bakit ang bilis ko nang maiyak?!

“Sige, aalis na ‘ko.”

Pinunasan ko ang mata ko at humakbang na papuntang pinto nang tumigil ulit ako.

Hindi ako magsasawang iparamdam kung gaano ko siya ka-mahal. Hindi ako papayag na lumayo sa kan'ya. Gusto kong sumama sa kan'ya.

Bumalik ako at dumiretso sa gawi niya upang yakapin siya mula sa likod. Halatang nagulat ito dahil nakita kong umawang ang labi niya. Gano'n pa man, hindi siya nag-react.

Ilang segundo akong nanatili sa gano'ng posisyon. Naaamoy ko ang mabango niyang pabango sa leeg.

“I love you, Seven. I love you.”

Dahan-dahan akong lumayo at tumalikod upang tuluyan nang umalis. Sinulyapan ko pa siya, pero hindi siya gumagalaw sa pwesto.

Grabe 'yung sakit. Kung ito 'yung karma ko sa mga pinaggagawa ko noon, ang galing, kasi sobrang damang-damang-dama ko 'yung pagsusugat at hapdi sa puso ko.

' ' '

Gabi na 'ko nakauwi sa apartment. Siguro nasa 6:30 na rin 'yun. Hindi ko namalayan 'yung oras dahil naging abala ako kay George. Saglit na nawala 'yung problema ko kay Seven dahil nagkatuwaan kami nila Erick. Mabuti na lang nga at sinamahan niya 'ko, kung hindi ay baka nagmukmok lang ako sa apartment ni George.

Bago ako pumasok sa apartment namin ni Seven, tinignan ko muna 'yung phone ko. Walang text o missed call ni Seven. Wala.

Usually, pag ganitong ilang oras akong nawawala at walang paramdam, mangungulit na 'yan. Pero talagang nagbago na siya. Sabi niya po-protektahan niya 'ko, pero mukhang wala na siyang pake.

Pagpasok ko sa loob, nakita ko siyang nakatayo at gumagawa ng pagkain niya sa kusina. Alam kong naramdaman niya 'ko, pero hindi siya lumingon para tignan ako.

“Sorry natagalan kami. Hindi ka pa kumakain? Ipaghahanda na kita,” alok ko at lumapit sa tabi niya.

Nakita kong gumagawa siya ng tinapay. Nagkalat ang palaman at mga hiwa ng gulay. Halatang hindi maayos ang mga 'yun.

Tempting Fate (Charity Series #3)Where stories live. Discover now