Stella
×
Sinubukan kong kausapin si Seven pagkauwi ko sa apartment. Syempre nasabi na pala niya ang pinagdadaanan sa GC nila, samantalang ako na mas interesado sa kan'ya ay walang alam.
Pero katulad ng dati, iwas pa rin siya.
“Huy, Seven.”
Hindi niya 'ko sinasagot at patuloy lang siya kung ano man ang ginagawa sa laptop. Wala siyang suot na headphone.
“Kumusta na pala? Balita ko nasabi mo na sa kanila ‘yung tungkol kay Haru?” saad ko pa.
Hindi siya nagsalita.
“Ang daya mo naman. Ako na palagi mong kasama, karamay, pero hindi mo sa ‘kin kinwento ‘yon. Tungkol daw sa parents mo ‘yung nangyari? Kung tama ako ng pagkakaalala, sabi ni Haru iniwan mo raw siya noong bata pa kayo.”
Akala ko magre-react siya ro'n, pero sinuot lang niya ang headphone.
Naglapat ang labi ko sa inis. Ano bang kailangan kong gawin para kausapin niya ulit ako? Magpapansinan na lang ba kami tuwing mag-aaway?!
“Seven?”
Sinubukan kong humarang sa monitor niya, pero siya ang nag-adjust at inurong ang laptop. Pinapansin niya pa 'ko kanina bago ako umalis, kahit pagalit 'yun. Pero ngayon, tuluyan na niya akong tinatabla.
Tanginang 'yan naman!
“Hindi mo na talaga ‘ko pinapansin ah? Dati sumasagot ka naman kapag tinatawag kita, tapos ngayon---”
Natigil ako nang tumunog ang phone niya. Tumingin siya ro'n saka 'yun dinampot. Binaba niya ang headphone, tumayo siya at lumayo sa 'kin para sagutin 'yun.
Nakakabwiset. 'Yung gusto mo siyang tulungan pero siya rin ang gumagawa ng paraan para mairita ka sa kan'ya.
Napairap ako at papasok na lang sana sa banyo nang madaanan ng mata ko ang isang SD card na may kalakihan. Nasa ibabaw 'yun ng mga folder at may nakasulat ditong pangalan.
'Ezekiel Foster'
So that's his real name? I see.
Dinampot ko 'yun at pinagmasdan, pero wala pang limang segundo 'yun sa kamay ko nang biglang may umagaw no'n sa 'kin.
Salubong ang kilay ni Seven habang nakatingin sa 'kin, nasa kaliwang tenga pa rin ang kan'yang cellphone at nakataas ang isang kamay na may hawak na SD card.
“W-What...?”
“What the F are you doing? Are you really that desperate for attention?” seryosong anas niya habang binababa ang phone mula sa tenga.
“I just got curious, that’s all,” sagot ko.
“You know, Stella, you don’t have to be polite and thoughtful to me. You can ignore me, bother me, get mad at me--- but don’t ever get curious about the things I’ve brought,” mataman niya 'kong tinitigan sa mata, “People who always get curious without knowing anything just thinking it’ll be alright... really makes me tired.”
Dahil do'n, hindi ko maiwasang maikuyom ang kamao ko. 'Yung kaninang inis sa 'kin, nagiging galit na.
“Sabi ko, tinignan ko lang. I don’t plan to go any further. Saka ano bang problema mo? Nagpapansinan na lang tayo kapag ganitong mag-aaway,” sabat ko.
“Just be quiet and don’t get clingy.”
Napasinghal ako, “We used to be so close, Seven! Tapos isang araw, bigla ka na lang nagbago. Sasabihin mo sa ‘kin dahil marami kang iniisip, dahil nagta-trabaho ka. Pero kung okay ka--- okay tayo, siguro naman kahit paano magiging maayos ka magsalita sa ‘kin. Kaso hindi, e! Hindi mo na ‘ko pinapansin. Madalas kang galit sa ‘kin. At kapag sinusubukan kong kausapin ka, napaka ilap mo! Hindi talaga kita maintindihan.”
YOU ARE READING
Tempting Fate (Charity Series #3)
RomanceCHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organization. Because of her infamous character, one of her peers attempted to rape and kill her by their o...