• Six •

47 5 0
                                    

Stella

×

Unti-unting dumilat ang mata ko. Una kong nakita ay ang bukas na kurtina ng kwarto, madilim na sa labas. Ibig sabihin ay gabi na. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala ako kanina nang dumating ako rito.

Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit na nitong mga nagdaang araw ay nasa puder naman na 'ko ni Haru. Parang sa tinagal-tagal kong kumikilos para sa sarili't mga kapatid ko, ngayon lang ako nakakapagpahinga talaga.

Ugh, parang nagugutom na 'ko.

Umayos ako ng higa at paglingon ko, naestatwa na lang ako at literal na nanlaki ang mata sa gulat.

Nakayuko sa harapan ko ang isang lalaki at matamam na nakatitig ang mata sa 'kin-- sobrang lapit ng mukha niya!

Siguro mga limang segundo kami nagkatitigan bago ako sumigaw at mapabangon.

"Tangina, sino ka--- ahh!" sa taranta ay aksidente pa akong nalaglag sa kama. Shit! Ang sakit sa pwet!

"Uh, hello?"

Tinignan ko siya ng masama kahit halata pa rin sa akin ang sakit, "Hello your face! Sino ka?! Paano ka nakapasok dito?! Hindi ka dapat pumapasok sa kwarto ng iba! Trespasser! Magnanakaw! Manyak---"

"What?! Are you sure I’m the trespasser here? And for your information, don’t accuse me such crimes! I’m not a---"

"Bakit ka nakatingin sa ‘kin?! Ano ha? Balak mo ‘kong hipuan? Gagalawin mo ‘ko? Kukunin mo cellphone ko?" napatingin ako sa cellphone kong halos nasa tabi niya lang sa kama, mabilis kong kinuha 'yun at tinignan siya ng mas masama.

Tumaas ang isang kilay niya sa 'kin sa pagtataka, "Excuse me? I don’t find your Nokia 3210 phone interesting. And like I said, don’t just accuse me. I didn’t do anything!"

Nakagat ko ang gilid ng labi ko at tinago ang phone sa likod ko. A-Ang magnanakaw, kahit ano pang ihain mo diyan, magnanakaw pa rin!

"Who are you---"

Sabay kaming napahinto nang sabay naming itanong 'yan sa isa't-isa. Salubong ang kilay ko at umiwas ng tingin.

Hanggang sa maalala ko kung bakit nga pala ako narito...

"Let’s clear this up, okay? I went here because the system got hacked again and I saw a woman--- which is you, sleeping in this bed. Just so you know, I am the one who manages this room and about me, staring at your sleeping face, is because I was about to wake you up when you suddenly moved, shouted and accused me."

Bumuntong hininga siya at hinilot ang sintido, "The same hacker did this, for sure. I don’t really know his intention. Pangalawang beses n‘ya nang nandadamay ng babae rito."

Pangalawang beses? More importantly, I need to put my mask on. Kailangan ko nang umarte. From the looks of him, siya 'yung kapatid ni Haru. Now I remember his face.

"S-Sorry," saad ko.

"Huh? Why? Do you have any idea of what happened to you? Do you know him?"

Umiling ako, "Hindi ko siya kilala. May nagpapunta lang sa ‘kin dito. Uhm, hindi ko na matandaan ‘yung itsura n‘ya basta pinapunta n‘ya ako rito. Hinahanap ko kasi si..."

Now that I’ve come to this point... ano nga ba ang ipapaliwanag ko para makalusot? May nakatakdang dahilan na ba 'ko at nakalimutan ko lang?

You sucks, Stella.

"Si... si ano, si... R-Rosana Pascua. Sabi n‘ya nandito raw sa apartment na ‘to kaya ako nagpunta. Wala namang lock ‘yung pinto kaya akala ko pwede nang pumasok since magkakilala naman kami ni R-Rosana."

Tempting Fate (Charity Series #3)Where stories live. Discover now