• Thirty Seven •

38 2 2
                                    

Stella

×

Hindi ako sinabihan agad ni Seven na ngayong araw na pala 'yung schedule para sa chemotherapy ni Hance. Sabi niya noong nasa hot spring house kami, ipapaalam niya sa 'kin. 'Yun pala siya na ang nagdesisyon.

Naiwan si George mag-isa sa apartment. Hindi ko tuloy nabigyan ng pagkakataon ang isa maipakilala siya sa kapatid ko. Paano kasi wala nga sa mood.

Kinakabahan ako para kay Hance, ito ang first time na maipapagamot namin siya sa magandang ospital. Nasa kwarto na kami at pinapanuod si Hance sa isang transparent na bintana habang sinasalang sa isang malaking makina. Sa tingin palang, halatang pribadong ospital ito. Sabi ni Seven, si Claudius daw ang pumili nito dahil may kakilala rin itong duktor dito. Iba talaga pag ma-impluwensya.

“I’m glad your brother will finally get treatment. Don’t worry about the bills, this was all already paid by Claudius.”

Tumabi sa 'kin si Betina. Sino may sabi sa kan'yang kausapin ako? Tss.

“How are your wounds, Stella? We heard you got into some trouble, are you alright now?” baling sa 'kin ni Zen na siyang kasama ni Betina.

Tumango na lang ako, “I’m okay.”

“Isn’t Seven that guy always saying or doing something weird?”

Nagtaka naman ako sa tanong niya.

“You know, all men are wolves. You don’t know when he’ll turn you on. Seven is a man too. So you should be more extra careful.”

Sinuway siya ni Betina, “Babe, what are you saying? You’re thinking something dirty again.”

“I was just kindly warning her of the dangers of being next to a guy. Especially, they’re living in the same roof. You’ll never know what will happen next, what if Seven goes maniac and---”

“Good gracious, stop it,” putol sa kan'ya ng isa.

Nagkibit-balikat naman si Zen.

Hindi ko mapigilang matawa sa mga sinabi ni Zen. Parehas silang napatingin sa 'kin ng girlfriend niya.

“I don’t need that kind of advices, really,” saad ko, “I’ve been with different guys in my life and I know how to defense myself. Pero salamat sa pagpapaalala.”

“That’s a relief then,” tinapik ni Zen ang balikat ko.

Sa totoo lang, mas gusto ko nga na may gawin sa 'kin si Seven. I want him to want me. I want to see all the sides of Seven.

“Wala namang gagawin sa kan‘ya si Seven, kaya kumalma ka diyan, babe. Besides, Seven really did good by going there to save her. If it weren’t for him, Stella would be in more danger. But can you tell us what happened? Bakit ka nadamay sa putukan ng baril?” baling sa 'kin ni Betina.

“Yeah, I was curious too.”

Napabuntong hininga na lang ako sa isip ko. Bakit ba kasi sila ang kasama ko rito? Dapat si Konan or Gavin na lang, e.

“Squatter’s area kasi ‘yun at may raid na nangyari. Napadaan lang ako tapos ayun, nadamay.”

“My God, really?” hindi makapaniwala si Zen, “And Seven was there also?”

“Hindi. Tinulungan ako makaalis ng kaibigan ko tapos doon niya tinawagan si Seven. Binigay ko ‘yung number ni Seven.”

“Well, that is that. I hope nothing will happen to you next time. You’ve been in a lot of trouble already, you should be cautious from now on,” abiso naman ni Betina.

Tempting Fate (Charity Series #3)Where stories live. Discover now