Stella
×
If I know that this would be so boring...
Nakasalumbaba lang ako sa lamesa habang bagot na nakikinig sa mga ekplanasyon ng Betina na 'to sa 'kin. Isa-isa niyang pinapakita sa harapan ko ang mga dokumento ng mga natapos nang party ilang buwan na ang nakakalipas. Sa totoo lang, magaling sana siya magpaliwanag, nakaka-boring lang siyang kasama.
Tsh. Office works sure are boring. Paano nakaka-survive ang mga nagta-trabaho rito?
"Stella? Are you listening? Do you understand this job?"
"Yeah."
"Yeah what?"
"Naintindihan ko. Tapos na ba?"
Sandali siyang hindi nakapag-salita. Seryoso niyang inayos ang mga papel, "I can tell that you don’t understand a thing. May I ask, why did you offer yourself if you knew you’re not even interested?"
Ngumisi ako at sumandal sa kinauupuan ko. Mukhang na-beast mode ko na naman si buntis.
"Ako lang ba ang event coordinator dito? I said, I can give a hand to... what’s her name again?" nangunot ang noo ko.
"Konan," sabat ng jowa ni Betina, si Zen.
"Yeah, that’s right! Konan. Nasaan nga pala siya? Dapat ‘di ba siya ang kasama ko?"
"She’s preparing for her upcoming wedding so she’s a bit busy. If you don’t know, she’s engaged with the Protege’s trust fund kid CEO--- Claudius," pagbibigay impormasyon pa ni Zen.
Tumaas ang dalawang kilay ko sa nalaman, "Oh..." bigatin naman pala. Sarap kaibiganin, mukhang madali utuin si girl, e.
Huminga ng malalim si Betina kaya napunta muli sa kan'ya ang atensyon ko.
"Stella, I’m giving you a guest. Can you handle?"
Ngumiti ako, "Are you underestimating me?"
"Really? Even if you didn’t listen to my explanations a while ago? You’re that skilled?" sarkastikong sagot niya. Syempre, padadaig ba 'ko?
"Hindi ba sinabi ko naintindihan ko? If you want you can repeat from the top. I won’t mind."
Lalo siyang sumeryoso, "You wasted my time. Anong problema mo sa ‘kin?"
Dahil do'n, napatayo tuloy si Zen sa sofa at nilapitan si Betina. Hinaplos niya 'to sa braso para kumalma. Tss, bakit kasi siya ang nagpunta rito at hindi na lang ang iba? Kasalanan din ni Seven, e. Hindi nagpunta rito.
"Babe..."
"No, Zen. I’m not dense. Since yesterday, the way she looked at me, I can tell she’s kind of displeased. If this is about the misunderstanding that you’re a mistress, I’m sorry, okay? Nando’n ako nakita kita sa restaurant na inaaway ng totoong asawa. Natural lang na---"
Dahil mas lalo akong naburyong sa kan'ya, tumayo ako dahilan para lumikha ng ingay ang upuan at matahimik siya.
Blangko ko siyang tinignan. Deep inside of me, gusto ko na talaga siyang sakalin. Hindi ko alam pero hindi ko talaga siya gusto kasama. From the way she look at me, to the way she talk, even her presence, makes me feel irritated.
"Kumalma ka, ako lang ‘to," tinalikuran ko sila at dumiretso sa pintuan, "Restroom lang ako."
Wala na 'kong narinig pa kaya naman hindi ko na rin sila nilingon. Nagtitimpi lang ako dahil napagplanuhan ko na 'to at kailangan kong makuha ang loob nila. Although sometimes, I know it will be difficult to resist.
YOU ARE READING
Tempting Fate (Charity Series #3)
RomanceCHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organization. Because of her infamous character, one of her peers attempted to rape and kill her by their o...