Chapter 15: Ano ba naman ito?

6.5K 118 1
                                    

Arianne's POV

Ano ba naman, naiinis na ako sa sarili ko ah.  

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama. 

Sanay na naman akong tulungan magpalit yung mga pasyente sa hospital ah. Pero nung tinulungan ko si Zach kanina, argggg parang nakuryente ako dun ah. Ang weird talaga kanina, buti na lang di nya nahalata na lumaki mata ko nung makita ko katawan nya. Hay nako Arianne matulog ka na lang, hindi yung kung ano ano iniisip ko eh.

................Kinaumagahan.....

Nagising si Arianne at nakita nya na nasa dining area sina Zach at Zi.

Nakita niyang ready na si Zi para pumasok sa office niya. Kinuha niya ang mga gamot na kailangang inumin ni Zach at saka siya lumapit sa magkapatid na kumakain.

"Sorry po, ngayon lang ako nagising" sabi niya.

"Nako Arianne wala kang dapat ipagsorry jan, maupo ka at kumain ka na lang" itinuro ni Zianne ang upuan sa tabi ni Zach. Nakahanda na rin ang isang plato doon na halata namang para sa kanya kaya naman agad siyang sumunod.

"Good morning Arianne" bati ni Zach sa kanya tapos nag-smile sya.

"good morning din sayo Zach" bati rin niya at nag-smile din siya.

"ehem, ehem, mamaya na yan ha, talaga good na ang morning kaya kumain na lang kayong dalawa" sabi ni Zianne.

Hindi nagtagal ay umalis na rin si Zianne para pumasok sa trabaho niya.

Zianne's POV

Pangiti ngiti ako dito sa kotse ko habang nagdadrive, nakakatawa kasi si Arianne at Zach eh. Kung magbatian ng good morning eh kakaiba. Sana lang pag handa na si Zach magmahal ulit eh si Arianne ang piliin nya. Bukod sa bagay na bagay sila, eh gustong gusto ko si Arianne para sa kanya. Kaya nga lang di ko naman pwedeng diktahan si Zach na ligawan agad si Arianne.

Pagdating ko sa kumpanya ko bumati sa akin ng good morning ang mga empleyado ko, papasok na sana ako sa mismo sa office ko nang tawagin ako ng secretary ko.

"Maam may meeting po kayo with mr. Villanueva mamaya bago mag dinner. Ang sabi nga po niya sa telepono kanina eh date nyo daw yun. Pag-uusapan daw po yung project na gagawin ng mga company nyo"

"Ah ganun ba, saan naman pala yun?" sabi ko.

"Sa Jean's Garden daw po, alam nyo na daw po yun eh, mamayang 8pm daw po".

"ok salamat"

"ah maam" tinawag na naman ako.

"oh bakit na naman?"

"May dumating pong delivery boy kanina dala yung isang boquet ng flowers, nilagay ko na po sa office nyo"

"kanino daw galing?"

"Ayaw po sabihin eh, hindi ko na po kinulit alam ko naman na may card na kasama eh"

"sige salamat"

Pumasok na ako nang tuluyan. Bumungad sa akin ang isang boquet ng mababangong bulaklak. Kinuha ko iyon at inamoy. Ang bango. Tapos nahulog yung card.

'See you later Baby'

-Charles

Hays sabi na eh, siya na naman. Ano naman kaya pag-uusapan namin doon. Kung tungkol naman sa project eh bakit may pa dinner dinner pang nalalaman yun pwede naman dito na lang sa company ko o dun sa kanila.

Lumipas ang maghapon at nandito na ako sa tapat ng Jean's Garden. Sino ba namang hindi makakalimot ng lugar na ito eh dito kami laging nagdedate NOON eh.

Malaki na rin pala ang pinagbago ng lugar na ito. Mas marami na ang kumakain kumpara noon. Pero di pa rin nagbago ang pinaka-paborito naming pwesto yung isang table na malapit sa fountain tapos madaming roses sa paligid.

At gaya ng inaasahan ko nakita ko siya nakaupo at mukhang naiinip na, tiningnan ko yung oras 7:55 pa lang naman ah. Bakit mukhang nalugi na itong Charles na to. Lumapit na ako sa kanya at halata namang nagulat siya.

"Dumating ka" lumapit siya at tinulungan akong umupo.

"oo naman, basta tungkol sa company."

"Pwede bang wag muna natin pag-usapan ang tungkol sa company, pwede bang yung tungkol muna sa atin ang pag-usapan natin?"

Charles POV

"May dapat pa bang pag-usapan tungkol sa atin? Sa pagkakaalam ko matagal na tayong tapos" sagot niya sa akin.

Para naman ako binubuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang sinabi niyang iyon. Tumingin ako sa mga mata niya at nakita kong malapit nang bumagsak ang mga luha niya at nakikita ko din ang lungkot na bumabalot sa mga mata niya.

"Ano pa bang gusto mo ha Charles? Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na naka move on na ako, sa tuwing nakikita kita naaalala ko yung sakit" at tuluyan na ngang nag-unahan ang pagpatak ng mga luha niya. Ang sakit isipin na ang babaeng sobra kong mahal ay umiiyak dahil sa akin. Kung hindi ba naman ako gago eh.

"Alam kong nasaktan kita ng sobra, I'm sorry naging gago ako, I'm sorry Zianne, mahal na mahal kita" sabi ko.

"Mahal? Pagmamahal ba ang tawag mo dun? Iniwan mo ako ng wala man lang pasabi ha, ilang araw at linggo kitang hinintay pero nawala ka na lang ng parang bula. Buti na lang may nakapagsabi sa akin na umalis ka na. Alam mo bang sinundan kita" nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko alam na sinundan niya pala ako. 

"Nahanap kita, sabi ko sa sarili ko siguro may dahilan ka naman. Tatanggapin ko naman yun eh, pero nang makita kita, mukhang ako ang may kailangang tanggapin. Masayang masaya ka sa piling ng babaeng ipinalit mo sa akin, sa piling ni Clarise. Ang babaeng noon pa man ay matagal ka nang gusto. Kaya bumalik na lang ako" paliwanag niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nilapitan ko siya at niyakap, naramdaman ko naman na niyakap niya rin ako. Namiss ko ng sobra ang babaeng ito. Ang babaeng gusto kong makasama habangbuhay.

"I'm so sorry Zianne, I'm sorry" yun na lang nasabi ko.

"Please give me another chance" sabi ko ulit.

"Another chance? Para saan? Hahaha ano to ha lokohan. Takot na akong magmahal, ayoko nang maiwan na naman" yun ang sabi niya.

"Pag-isipan mong mabuti, tatanggapin ko ang magiging desisyon mo. Palagi akong mananatili sa tabi mo."

Tumango siya, tumalikod sa akin, susundan ko sana siya. Sumenyas siya sa akin na ok lang siya. Kahit alam ko namang hindi ay hinayaan ko na lang siya. Kailangan niya munang mag-isip.  

Nang makita kong sumakay siya sa kotse niya, agad akong tumakbo sa kotse ko para sundan siya. Sisiguraduhin kong makakauwi siya ng maayos.

....................................................................................................................................................................................

Wohoo nakapag-update ulit, wahaha last update ko na to this year. Buti naka-abot. Ang drama lang ng update ko.  

Happy New Year po sa inyong lahat. :)

MY PERSONAL NURSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon