Chapter 30- Monthsary

4.5K 95 1
                                    

Arianne's POV

 Monthsary namin ni Zach bukas. Nagpaalam ako na maaga akong lalabas kasi nakipagpalit naman ako ng duty eh. Pupunta kami sa Puerto Galera at dun namin ice-celebrate ang monthsary namin. Pero bago yun may nagpagulo sa utak ko kanina nung magpa-alam ako sa head nurse.

-FLASHBACK-

"Arianne nakipagpalit ka daw ng shift kay Rob?" tanong ng head nurse namin.

"Opo, may emergency po kasi kanina kayna Rob kaya nakipagpalit po ako, sakto naman pong magpapaalam din ako para bukas, monthsary po kasi namin ni Zach at gusto naming magcelebrate sa Puerto Galera".

"Ah ganun ba hija, nga pala napag-isipan mo na ba yung inaalok ko sa iyo".

"Yun na nga po eh, baka di ko na lang po tanggapin".

"Hija hindi ba pangarap ng mga magulang mo na makapagtrabaho ka sa ibang bansa, heto na ang pagkakataon. Dahil ba yan kay Zach". tanong ng head nurse namin.

"Opo dahil na nga po sa kanya, siya na lang po ang meron ako at ayaw ko naman pong mawala siya kapag iniwan ko sya".

"Basta hija kausapin mo muna kaya siya at siguradong maiintindhan ka niya, di ko muna tatanggapin yang desisyon mo hanggang hindi pa final, sige mauuna na ako". Ang head nurse namin di pa ako nakakasagot lagi na lang umaalis, pero hays paano ko kaya sasabihin kay Zach ito, gusto kong tuparin ang mga pangarap sa akin ng parents ko pero ayaw ko namang iwanan si Zach.

END OF FLASHBACK

"Arianne nagugutom ka na ba?"

"Arianne, hey may problema ba?" saka lang ako bumalik sa sarili ko. Nakahinto na kami sa may pier ng batangas, woah ganun katagal na biyahe lumilipad lang ang isip ko.

"Wala Zac, nagugutom lang siguro ako". Che liar, gusto ko nang sabihin sa kanya eh kaso parang umaatras dila ko eh.

Nang makababa kami sa kotse ni Zach ay ibinaba na ni manong yung bagahe namin tapos umalis na rin siya, bumili ng ticket si Zach para sa bangkang sasakyan namin.

Halos 1 hour din ang biyahe papunta sa Puerto Galera pero sulit naman kasi ang ganda dito, parang boracay din. White beach kasi, kumuha kami ng tig-isang room, akala nyo ha, good boy kaya si Zach buti na lang daw at may naabutan pa kaming room kasi last na nila yun. Punuan na rin kasi, halos summer na eh.

Naghapunan kami ni Zach sa isang restaurant, puro seafood ang kinain namin, grabe feeling ko sasabog ang tiyan ko sa dami ng nakain ko. Parang patay gutom ako kanina nung nakita ko yung mga hipon, grabe tulo laway.

Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad kami at nanood ng mga nagsasayaw dito. Nung mapagod na kami ay inihatid na niya ako sa room ko, magkatabi lang room namin.

"Good night Arianne ko, I love you".

"Good night din, I love you too" tapos kiniss niya ako, Ahihihi kilig lang.

KINABUKASAN

Zach's POV

Maaga akong nagising para maghanda para dito sa monthsary namin ng Arianne ko.

Nang maayos ko na lahat ay pinuntahan ko siya sa room niya, kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot kaya naman mas nilakasan ko pa yung katok tapos bumungad sa akin ang maganda kong girlfriend na mukhang inaantok pa, sabog na sabog ang buhok at naninigkit pa yung mga mata.

"GOOD Morning" bati ko sa kanya.

"Hehe good morning din", napayuko sya. 

"Halika na breakfast is ready na".

"Sige Zach, mauna ka na susunod na lang ako, mag-aayos muna ako ng sarili ko".

"Hihintayin na lang kita dito" Hay pag umuna ako edi masisira ang plano ko. 

Pagkalipas ng ilang minutong paghihintay ay lumabas na si Arianne at agad ko siyang nilagyan ng piring sa mga mata.

"Huy Zach bakit may papiring piring ka pang nalalaman, pag ako nadapa".

"Basta".

"Hay nako pag yan kalokohan".

"Di noh sa palagay mo lolokohin kita" habang inaalalayan ko siyang maglakad, palapit na kami eh, mas mahigpit ang hawak niya sa akin.

"Nandito na tayo" I kissed her cheeks " HAPPY MONTHSARY Arianne ko".

"Zach naman eh" nagiging emotional na sya tapos hinampas ako sa braso.

"Ayaw mo ba?"

Arianne's POV

"Siyempre gustong gusto, Happy monthsary din, I love you so much" saka ko siya niyakap.

Kasi naman kaloka lang ang ginawa niya, sobrang effort, may nakahandang breakfast para sa aming dalawa dito sa may cottage tapos may decoration pa, maraming flowers at ang nakakagulat pa ay may isang malaking frame na nakalagay lahat ng pictures ko  kahit nung inaalagaan ko pa lang siya. Akala ko ba binura na niya ito.

Super love ko na talaga ang lalaking ito.

Kumain lang kami tapos kinantahan na naman niya ako.

Nakahiga siya sa lap ko tapos hinahaplos ko ang buhok niya.

"Zach"

"Hmmmm"

"Paano kung umalis ako?"

"Saan ka pupunta, samahan kita."

"Zach naman eh, seryoso kasi".

"Iiwan mo ako?"  biglang lumungkot yung mukha niya.

"Hindi, ano ka ba, nagtatanong lang eh, makapag-emote to wagas".

Hayan na po ang update ko, sana nagustuhan nyo. Libreng mag-comment.

Babawi pa ako sa susunod pag maluwag na ang sched, di pa kasi kami vacation eh.

Wala ho ako sa pinas. Basta enjoy reading po. :*

MY PERSONAL NURSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon