Zianne's POV
Ilang araw na ang nakalipas matapos yung incident na sinabi ni Charles na gusto nyang maging kami ulit. Sa halip na sumagot ako nung time na yun eh tumakbo ako palabas ng company at umuwi agad sa bahay.
Nandito ako ngayon sa bahay, sa kwarto ko, as usual nagmumukmok na naman. Mamaya pa ang balik ko sa hospital, tutal naayos ko na naman lahat ng bills namin eh bukas makakalabs na si Zach sa hospital. Laking tuwa ko nang ibalita sa akin ni Arianne na nagsasalita na ulit si Zach, at napatunayan ko naman yun nang dumalaw ako kahapon. Kinumusta ko lang naman sya at tinanong kung may masakit pa ba sa kanya, kahit alam ko namang magaling na lahat ng sugat nya, alam ko na yung sugat sa puso nya matatagalan pa bago gumaling.
****knock****knock****
binuksan ko ang pinto at nakita kong nandun si Manang Belen na may hawak na malaking boquet.
"Maam para sa inyo daw po"
"Huh sa akin? Eh kanino naman kaya galing ito. Sige salamat po manang, makakabalik ka na po sa ginagawa mo" umalis na si manang at isinarado ko ang pinto.
Nakita kong may maliit na card at binasa ko ang nakasulat doon.
'BABY KO SANA NAGUSTUHAN MO'
-CHARLES
Napatunganga naman ako dun. Kahit kelan talaga nakakainis yang Charles na yan. Hindi nya ba ako titigilan. Naka-move on na ako eh. Tsk. Inilapag ko yung boquet sa desk ko at naligo na lang ako, mas mabuti pa kung puntahan ko na lang yung kapatid ko sa hospital.
------HOSPITAL------
Binuksan ko ang pinto nang may narinig akong tumatawa, hindi malaki ang pagkakabukas ng pinto pero kitang kita ko si Zach na hawak yung tiyan niya at namimilipit sa kakatawa habang si Arianne naman ay mukhang uusok na ang ilong sa sobrang galit.
Ngayon ko lang ulit siya nakiang ganyan kasaya, napangiti na lang ako sa nakikita ko, si Arianne lang pala ang makakagawa nito sa kanya. Hay salamat Arianne dahil sayo nakakalimutan nya ang sakit na iniwan sa kanya ni Gianna.
Binuksan ko nang malaki ang pinto para makapasok na ako.
Arianne's POV
"Mukhang masaya kayong dalawa ah"
"Siya lang po ang masaya ate Zi, tingnan mo oh mukhang mahuhulog na sa kakatawa jan sa kama nya" inilapag ni ate yung bag nya sa table na nasa tabi ng kama ni Zach at umupo sya.
"Zach tumigil ka na nga jan, tingnan mo yung nurse mo oh galit na galit na sayo, sige ka turukan ka nyan"
"Tsk ate di ako takot sa turok noh, tsaka nakakatawa talaga si Arianne eh, wahahahahaha"
"Ano ba talagang nangyari at sobrang saya mo?"
"Eh kanina kase nagising ako tapos nakita ko sya nakatulog jan tapos naghihilik sya at tumutulo na yung laway nya, kaya kinuha ko yung phone dito at kinunan ko sya ng video, hahaha tapos nagsasalita pa sabi pa nga nya eh 'Ano ba pagkain ko to, bumuli ka nang sayo' hahaha pati ba naman pagkain napasama sa panaginip mo, pagkatapos nun eh nagising sya at pinakita ko yung video nya hahaha"
"Tsk Ate oh, hoy Zach burahin mo yan"pilit kong inaabot yung phone nya kahit naka-upo sya sa kama nya eh nilalayo pa rin nya yung kamay nya na may jawak ng phone.
"Ayoko nga" tapos nilayo na naman yung phone, at ako naman pilit kong inaabot yun, hanggang sa may natapakan yata akong plastic at nadulas ako, napabagsak na lang ako sa dibdib ni Zach.
Napatingin ako sa kanya tapos sya naman napayuko ng konti sakin at saktong nagtama ang mga mata namin.
DUG DUG DUG DUG DUG..
Yan na naman ang tunog ng pesteng puso ito. Nananatili pa rin kaming magkatitig ni Zach. Yung mga mata nya parang tutunawin ako, tsk ang pogi talaga ng nilalag na ito.
1
2
3
4
5
6
"EHEM" napabalikwas naman kaming dalawa ni Zach at sabay napatingin kay ate Zi na may ngiting nakakaloko.
"AH S-Sorry" yun lang ang sinabi ko at napayuko ako at umupo ng maayos.
"Wag kang mag-sorry, sige buburahin ko na" at kinuha nya yung phone nya at mukang binura na nga nya.
"Yun naman pala eh, buburahin din, gusto pa magkatinginan"- si ate Zi
"Ate naman/Ate" sabay pa kami sa pagsaway kay ate
"Oh bakit totoo naman ah, hahaha," sinamaan sya ng tingin ni Zach "Oh sige na titigil na po ako, hahaha, eto kain muna tayo ng cake.
Tapos binigyan nya kami ng cake, at hayun nagpakabusog na lang kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/2575241-288-k992580.jpg)
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
RomanceSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...