Arianne's POV
Nang makarating kami dito sa hospital, nagkahiwalay na agad kami sa may entrance pa lang, kahit na pinipilit nya akong ihatid hanggang sa room ni Zach.
Ganito kasi yun.
*flashback*
"andito na po tayo"-Mark
"po ka jan" bumaba sya nh car nya tapos pinagbuksan ako ng pintuan.
Papunta pa lang kami sa loob ng may makasalubong kaming isang nurse. At tinawag nya si Mark.
"Doc Mark, pinapatawag po kayo ng Dad nyo sa office nya, pag nakita ko daw po kayo pumunta daw po agad kayo dun." -nurse .
"sige salamat" umalis na yung nurse tapos kami na lang ang naiwan dun.
"tara hatid na kita, diba dun ka pupunta sa room ni Zach?"-Mark
"ano ka ba, wag mo na akong ihatid, di naman ako maliligaw dito eh, HELLO nurse kaya ako dito"
"akala ko lulusot na eh, baka kasi ma-miss mo agad ako"
"miss ka jan, kapal din nito. Sige na dun ka na hinahanap ka na ng dad mo"
"oo na po, sige ingat kayo ha," (sabay tap sa balikat ko)
"oo na, sige bye" nagsimula na akong maglakad.
"Arianne"
May tumawag ng pangalan ko, lumingon ako, pagtingin ko si Mark nag flying kiss sakin, tapos nag-wink pa ang loko.
Napatawa na lang ako sabay lakad papunta sa room ni Zach.
Pagbukas ko ng pinto, naka-ayos na lahat ng gamit ni Zach. Naka-upo sya sa sofa na malapit sa bed nya.
"andito ka na pala"
"oo, pasensya na natagalan ako"
"ok lang, hintayin na lang natin si ate, nagpapakuha lang sya ng wheelchair"
"ok" umupo ako sa may bed nya. Di rin nagtagal at dumating na si ate Zi na dala dala yung wheelchair, tinulungan kong makaupo si Zach dun at nagsimula na kaming lumabas.
Sumakay kami sa kotse ng ate nya papunta ng bahay nila. Huminto ang kotse ni ate Zi sa isang napakalaking bahay, pumasok kami habang tulak tulak ko pa rin ang wheelchair ni Zach.
Pagpasok namin nakita ko yung pool nila, ang ganda, tapos madaming iba't ibang uri ng bulaklak sa may gilid ng pool, tapos may dalawang malaking puno ng mangga tapos may swing sa gitna.
Dumiretso kami sa loob at sumalubong sa amin yung matandang babae.
"Welcome back po sir Zach"
Tapos napatingin sakin yung matanda. "Salamat po manang, ah heto nga po pala si Arianne yung personal nurse ko na kinuha ni ate, Arianne siya si manang Rosie"
"ah hello po manang Rosie"
"ang ganda mo namang bata" sabi ni manang
"hehehe, salamat po" napatawa na lang ako, ikaw ba naman ang sabihan ng maganda.
"nagbibiro lang yang si manang, palabiro yan eh, diba manang?" sabay harap kay manang.
"ah biro pala ha, sige ikaw bahala pumunta mag-isa sa kwarto mo" sabay layo ko sa kanya, tsssk biro daw.
"oy, ikaw naman. Arianne wag mo akong iwan dito" nahigit nya ako sa kamay ko kaya napatigil ako, napatingin ako sa kanya, mukhang malungkot sya. Hay nako baka naalala yung nang iwan sa kanya. Bumalik ako sa may likod nya at itinulak na papasok pa ng bahay yung wheelchair nya. Napatingin siya sakin kaya nag-smile na lang ako.
"Arianne, dun mo na muna dalhin si Zach sa may guest room, di pa yan makaka-akyat sa taas eh. Mamaya mo na lang samahan sa taas pagkatapos natin kumain" sabi ni ate Zi. Pero nang nag-start ako itulak eh pinigilan niya yung kamay ko.
"Zach, Bakit???"
"Dun na lang muna tayo sa may garden" sabi nya kaya naman lumabas na kami.
........................................................
Hanggang dito lang muna ang update ko. Hahaha, promise po sa susunod mas mahaba na...
Tsaka yung next chapter eh POV na ulit ni Zach Baby...
Sana nag-eenjoy kayo sa story ko.
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
RomanceSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...
