Arianne's POV
Nang marinig namin ni Zach na may nagsalita sa likod namin agad naming tiningnan iyon, isang magandang babae na mukhang model.
"Sabi ko na nga ba eh ikaw yan Zach, hmmm teka sino naman siya? Bago mo? Sabi nung babae na mukhang nang-aasar yata.
"Gianna pwede ba wala akong ginagawang masama sayo, tama na yung pagpapahiya mo sa akin. Tsaka ano naman sayo kung siya ang bago ko?" sagot ni Zach kay Gianna.
"Wow hahaha akala ko hindi ka na makaka-survive sa ginawa ko sayo. Maswerte ka talaga. By the way, heto oh" may inabot siya kay Zach na envelope na colorful tapos may konting decoration. "You're invited on my wedding, isama mo na rin siya para naman hindi ka nag-iisa" yun ang sabi ng Gianna na to. Nako kung marunong lang akong sumuntok kanina pang putok ang nguso ng babaeng ito.
Tinabig ni Zach yung invitation tapos hinila niya ako, ay mali pala. Kinaladkad niya ako palabas ng restaurant. Sumakay kami sa kotse tapos nag-drive na siya. Hindi naman mabilis yung patakbo niya pero halatang ang lalim ng iniisip niya kaya naman hinawakan ko yung isang kamay niya.
Arianne, pwede bang wag muna kitang iuwi sa inyo ngayon, samahan mo muna akong ilabas ang galit ko sa isang malayong lugar" tumango naman ako tapos hinawakan pa niya ng mahigpit yung kamay ko.
Nakarating kami sa isang mataas na lugar na kitang kita yung buong city dito. Di ko nga lang alam kung saan ito. Bumaba kami at umupo sa may damuhan.
"Ang kapal ng mukha niya, hindi pa ba sapat sa kanya na pinahiya niya ako sa araw ng kasal namin. Napakasama talaga niya". Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Zach, kung basagulero lang siguro siya nako tepok ang makakasalubong nito.
"Zach ibuhos mo na lahat ng galit mo, andito lang ako" tapos hinagod ko yung likod niya, umiiyak na kasi siya eh.
"Hmmm ganito na lang, sumigaw ka ng malakas na malakas, walang makakarinig sayo dito. Ibuhos mo na lahat. Wag ka nang magtitira".
"Woooooooooooo ANG KAPAL NG MUKHA MO GIANNA"
"MASAMA KA GIANNA"
Marami pa siyang sinigaw pero may isinigaw siya na naging dahilan kung bakit ako napatingin sa kanya.
"HINDI NA KITA MAHAL GIANNA" pagkasabi niya nun napatingin siya sa akin tapos nag-smile. Umupo ulit siya sa tabi ko." Salamat Arianne ha".
"wala yun Zach, andito lang naman lagi ako eh. Hindi kita iiwan". Tapos nag-smile ako sa kanya.
"Promise mo yan sa akin ha, hindi mo ako iiwan"
"oo naman, pero"
"Pero ano?"
"Pero pag sinabi mong umalis na ako sa buhay mo, yun talaga ang gagawin ko"
"Yun ang hinding hindi mangyayari". Sabi niya sa akin. "tara na, gabi na". Tapos tumayo na kami at umuwi na. Inihatid naman niya ako sa bahay ko.
Zach's POV
Nang makita namin si Gianna kanina sa restaurant nag-init talaga ang ulo ko, pati na rin kamao. Buti na lang kasama ko si Arianne kaya nanatili akong kalmado kung hindi nako baka nasapak ko yang si Gianna. Ipinahiya na nga ako noon tapos ipapamukha pa sa akin na ikakasal na siya. Eh paki ko ba sa kanya. Lahat ng pagmamahal ko noon na para kay Gianna ay nawala na, galit na ang nararamdaman ko sa kanya.
Tsaka nung nakita ko siya kanina, may napatunayan ako.
Yung mahal ko ay ang babaeng kasama ko, si Arianne. Nung hinawakan niya yung kamay ko parang napawi lahat ng galit sa puso ko. Ewan ko ba kung ano yon, basta parang magic pati yung pag-smile niya parang natutunaw ako.
Lagi niyang pinapagaan ang loob ko, inalagaan niya ako kahit hindi naman ako kaano-ano, kahit ba personal nurse lang eh.
Lagi niya akong kino-comfort kahit noon pa, sino ba namang hindi mahuhulog sa kanya. Pag kasama ko siya ang lakas ng heartbeat ko.
Mahal ko na talaga siya, ang balak ko nga eh mag simula nang manligaw sa kanya. Hinding hindi ko pakakawalan si Arianne, sa kanya na ngayon umiikot ang mundo ko. At hindi ako gagawa ng dahilan para iwan niya ako.
Lame lang ng update ko. Nababaliw na kasi talaga ako. Enjoy reading.
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
RomanceSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...