Charles POV
Heto na ang hinihintay kong pagkakataon, ipapaliwanag ko na sa kanya lahat lahat.
"Kagaya ng pagkaka-alam mo pumunta ako sa US. Bibisitahin ko lang sana si Clarise doon may sakit kasi siya nung mga time na yon, kaya pinakiusapan ako ng mama niya na bisitahin naman daw siya. Nang makarating ako dun nalaman ko na may cancer pala si Clarise, stage 3 na masyado nang malala at pag minsan hindi na kinakaya ng katawan niya at bigla na lang siyang nahihimatay. Pauwi na sana ako nung mga time na yun para bumalik sayo pero kinausap ako ng Mommy niya at parents ko na pagbigyan ko na daw si Clarise dahil nga sa may taning na yung buhay niya. Siguro nung time na nakita mo kami ay yun yung last birthday niya kaya ginawa kong memorable iyon para sa kanya.
After that, a month passed and she died. My dad told me that since I'm already there, Bakit hindi ko na daw simulang pag-aralan ang pagpapatakbo ng company namin.
Hindi ako agad umuwi at tinawagan ka dahil sa naging duwag ako, hindi ko alam kung paano sasabihin sayo kung bakit ako umalis nang walang paalam. Dahil ayaw kong isipin mo na ipinagpalit na kita kay Clarise."
"Kung naduwag ka, bakit ka nandito ngayon?" tanong niya.
" Pinagsisisihan ko yung kaduwagan kong iyon kaya sana bigyan mo ulit ako ng second chance, Please Zianne. Let me court you again, magsimula ulit tayo.
Mahal na mahal pa rin kita, at sana mahal mo pa rin ako".
Natahimik siya sandali tapos nagsalita.
"Charles alam mo ba na kahit ilang beses sabihin ng utak ko na wala na tayo at nakamove on na ako, itong puso ko iba ang sinasabi. Ang sabi ng puso hintayin kita. Ang sabi ng puso ko mahal pa rin kita".
"So you mean tayo na ulit??" tanong ko sa kanya.
"YES tayo na ulit" napasigaw ako sa sobrang saya. Binuhat ko siya habang umiikot ikot ako.
(yung tipong i-Dawn Zulueta mo ako).
I kissed and hugged her, and then we went to our tent.
Zianne's POV
Nakahiga na siya habang ako naglalaro muna dito sa Ipad ko.
"Matulog ka na, don't worry bukas mahal pa rin kita". Yun ang sabi ko sa kanya, halata namang kinilig ang mokong na to.
Nagsawa na ako sa paglalaro kaya I decided to sleep na rin. Humiga na ako and then I hugged him and he did the same too.
"Good Night Zianne. I love you so much".
"I love you too".
Hayun na, tinulugan na tayo ng dalawa. Wihihi sana nag-eenjoy yung nagbabasa, masyadong madrama na parang ewan itong update na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/2575241-288-k992580.jpg)
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
Roman d'amourSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...