Epilouge

6.5K 138 9
                                    

Arianne's POV

10 Buwan ang pinalipas namin bago kami nagpakasal ni Zach matapos yung proposal niya sa kasal nina ate Zi. Sobrang worth it naman ng paghihintay, naniniwala kasi kami sa sukob na kasal kaya nagpalipas muna kami ng panahon.

Naging smooth naman ang relasyon namin ni Zach bago yung kasal, ganun pa rin siya.

Sobrang sweet, maalaga at hindi nahihiyang ipakita sa iba na ako lang ang mahal niya. Mukhang imposible pero kahit minsan hindi pa nangyayari sa amin yung malalang away, oo nagkakatampuhan pag minsan pero palaging may isang nagpapalamang at ibinababa ang pride para mabilis maayos ang tampuhan namin.

Sa ngayon pupunta kami sa bahay nina ate Zi, may family dinner daw kasi kami.

Nang makarating kami sa bahay nila nakita ko agad si Claire Zeera, ang anak nina ate Zi at kuya Charles. Napakacute ng batang ito, 1 year old na siya kaya naman medyo madaldal na kaya mas nakakatuwa eh. Minsan nga pag busy si ate Zi ako ang nagvovoluteer na mag-alaga sa baby niya eh.

Tumigil na muna ako sa trabaho simula nang malaman kong magiging nanay na rin ako. Yes I'm pregnant, at baby girl din ang magiging anak namin ni Zach. Noong una nga ay pinagtatalunan namin kung anong magiging baby namin, ang gusto ko kasi lalaki tapos siya babae kaya naman nung nalaman namin yung gender ng baby daig pa ni Zach ang nanalo sa lotto. Ang sabi naman niya wag na daw akong malungkot kasi paglabas ng baby namin ay gagawa na agad kami ng baby boy, Ang loko talaga kahit kelan.

"Hi baby Zee" bati ko sa kanya sabay kiss, si Zach naman dumiretso sa kusina nina ate para dalhin yung ice cream na binili namin.

Binuhat ko si baby at pumunta kami sa kusina, andun si at Zi sobrang busy sa paghahanda ng pagkain namin, tinanong ko kung nasaan si kuya, sabi niya ay parating na rin daw galing sa trabaho.

"Nako Arianne maupo ka na muna doon sa sala at ibaba mo yang bata, baka mamaya mapa-anak ka bigla jan, mabigat na si baby Zee ko". sabi ni ate Zi.

"Nako ate Zi naman hindi naman siya ganun kabigat, diba baby Zee" tumingin ako kay baby Zee pero deadma, hahaha nilalaro yung bagong Barbie na binili namin ni Zach para sa kanya eh.

Bigla namang may sumulpot sa tabi ko, amoy pa lang alam ko na kung sino yun, si Zach.

"Arianne ko, kain ka ng ice cream oh, yung ube flavor yan" aagawin ko sana yung lalagyan kay Zach pero binawi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin, " susubuan na lang kita para hindi ka na mahirapan, aaaaaah".

"Sira, buntis lang ako hindi inbalido, sige na nga" nagpout kasi siya ang cute kaya napilitan na rin hahaha.  Madami dami rin kaming nakaing ice cream habang hinihintay si kuya Charles.

"Saglit Arianne ko may dumi ka sa gilid ng labi mo" pinahid ko "Hindi naman jan eh, ako na nga lang" lumapit siya tapos kiniss ako sa lips tapos nung humiwalay grabe kung makangisi ang loko. "Gusto mo lang pala maka-isa, sira ka talaga".

"Siyempre ako pa pogi ako eh, para-paraan lang" sabay akbay sa akin tapos kiniss na naman ako sa cheeks.

"Hay nako baby Zee halika na dito at baka makagat ka ng langgam sa sobrang sweet ng mga tao dito" sabay buhat ni ate Zi sa baby niya, napatawa na lang kami ni Zach sa sinabi nya.

Maya maya ay dumating na si kuya Charles at kumain na rin kami. Pagkatapos naming kumain ay nakuwentuhan kami at maya maya ay umuwi na rin kami sa bahay. Doon na nga sana kami matutulog ni Zach kung hindi ko lang siya pinilit umuwi, wala kasing tao sa bahay namin. Nasa day-off ang katulong namin eh baka kung ano pa ang mangyari dun kaya naman umuwi na lang kami.

Pagkarating namin ay dumiretso agad ako sa banyo para magpalit at makatulog na agad. Paglaba ko ng banyo ay nakita ko si Zach na nakatayo sa may bintana.

MY PERSONAL NURSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon