Arianne's POV
Nang maka-alis si ate Zi ipinagpatuloy lang namin yung pagkain namin.
"Arianne may galit ka ba jan sa itlog? Kanina mo pa mina-murder yan ah. Ayaw mo ba niyan?" nagulat naman ako dun sa sinabi ni Zach, tiningnan ko yung plato ko, hala durog na yung itlog.
"Hindi, ok lang, may iniisip lang ako". sagot ko sa kanya. Okay ba yun? dinurog ko lang naman yung itlog, nakakahiya naman.
Pagkatapos pina-inom ko siya ng mga gamot niya. Nakita ko naman na naigagalaw na ni Zach yung kamay niya, hindi kagaya kahapon na,, Arrrrggg naalala ko na naman. Okay na yun para mabilis siyang gumaling para makalakad na siya ulit.
Pagkatapos nun pumunta kami sa may garden ulit, ang sarap pala talaga dito. Nagbabasa siya ng libro at ako naman inihahanda yung parang bridge na gagamitin namin para makalakad na ulit si Zach.
"Zach tapos na ako dito. Gusto mo ba simulan na natin?"
" Ok pero di ako sure kung maigagalaw ko agad ha" sabi niya.
"Oo naman, first day pa lang naman eh, halika na, tutulungan naman kita eh".
Tinulungan ko siyang makatayo, nung una hindi ko siya kinaya kaya napahawak siya sa balikat ko tapos nadala nya ako kaya ang kinalabasan eh napayakap kami sa isa't isa.
Pesteng puso ito ang lakas ng tibok. Kinabahan ako dun ah.
"Sorry" sabay naming sabi tapos napatawa naman kami.
"Siguro kelangan muna natin mapalakas yung mga braso at kamay mo bago itong paa mo, mahihirapan ka kasing humawak diyan sa gilid kung mahina pa yung braso mo"sabi ko sa kanya. Kinuha ko yung maliit na dumble na sakto lang naman para makapag-exercise siya. Inabot ko ang mga ito sa kanya at nagsimula na siyang gumalaw.
Pagkatapos nun pumasok na kami sa loob, mainit na rin kasi sa labas eh. Niyaya niya akong kumain ng lunch tapos nanood kami ng movie. Hays nakakamiss rin pala yung makukulit na pasyente sa hospital, ito kasing isang to eh kakaiba, sobrang bait.
Gabi na rin nang matapos namin yung movie tapos kumain na rin kami ng dinner. Pagkatapos nun umakyat na sa taas si Zach pero syempre buhat buhat siya ng driver nila. At ako naman ay pumasok sa room ko para magpalit ng pangtulog.
Pagkatapos kong magpalit pumunta ako sa room ni Zach, kumatok ako tapos pinapasok naman niya ako, pagtingin ko nanonood siya ng tv. Volleyball yung pinapanood niya, yung sa UAAP. Lumapit ako sa kanya, Anak ng teteng naman naka sando lang siya tapos pajama. Oh so hot. Baliw Arianne painumin mo na ng gamot yan.
"Zach heto yung gamot mo oh" ibinigay ko tapos binigyan ko siya ng tubig.
Pagkatapos nun bumalik na ako sa room ko. Hays ang boring din pala talaga.
Zianne's POV
Hindi ko alam kung paano ako nakarating ng bahay ng ganito, kasi kahit nakapasok na ako sa roon ko umiiyak pa rin ako. Ang sakit eh, yung sakit na akala ko nawala na andito pa rin pala. Kahit sabihin kong naka move on na ako, nung niyakap niya ako bumalik lahat ng feelings, Mahal ko pa rin talaga siya. Pero yung bigyan siya ng second chance, ayoko nang umasa at masaktan.
...................................................................................................................................................................................
Nag-update ulit ako wihihihi, inspired eh. Ilang araw na napapanaginipan ang Man in my Dreams, wahahaha chosera lang ako. Basa basa lang kayo. Short update lang itey kasi yung susunod mahaba na talaga.
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
RomanceSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...