Chapter 29 - Charianne

4.5K 88 1
                                        

Kasalukuyang magkasama sina Charles at Zianne, biyernes ngayon at pareho silang maagang nakalabas galing sa trabaho. Kaya naman napag-isipan nilang magdate.

Bago pa man sunduin ni Charles si Zianne ay dumaan na ito sa isang flower shop.

Nagulat pa nga si Zianne nang dumating si Charles sa office niya na may dalang isang boquet ng paborito niyang bulaklak sabay sabi ng katagang.

"Flowers for you baby," sabay kindat nito sa kanya.

Sa isip lamang niya ay, ang lalaki talagang ito hindi napapagod na pakiligin siya.

Nang matapos ang date ng dalawa ay dumaan muna sila sa bahay nina Charles para doon maghapunan.

Nandoon lahat ng kamag-anak ni Charles dahil dumating ang pinsan nito na galing New York.

"bakit hindi mo sinabi na special dinner pala ito? Tingnan mo nga suot ko." sisi niya kay Charles na pawang ikinatuwa naman nito.

"Ano ka ba, kahit anong suot mo maganda ka pa rin. Tsaka alam naman nila na galing tayo sa office". Sabay kindat nito sa kanya.

"Wag mo nga akong daanin sa kindat kindat na yan".

"Hahaha kinikilig ka kasi, halika na baby kumpleto na yata sila doon eh". Sabay hila nito sa kanyang bewang.

Masaya silang kumakain habang nagkukwentuhan, nagulat naman si Zianne nang may naglagay ng kanin sa plato niya.

"Kumain ka pa, ang payat payat mo eh" sabi ni Charles sa kanya.

"Ano ba, busog na kaya ako". Sagot naman niya.

"Hay ang sweet talaga ng Charianne" sabi ng isang pinsan ni Charles.

"Sinong Charianne" tanong ni Charles sa pinsan nito.

"Duh kuya, Charles + Zianne = Charianne, nako ate Zi slow pa rin pala si kuya, turuan mo nga minsan".

At dahil sa sinabi ng pinsan ni Charles ay nagtawanan ang lahat.

"Kumain na nga lang kayo". Saway nito sa kanila.

Nang makatapos silang kumain ay agad ding nagpa-alam si Zianne sa pamilya ni Charles.

Lumapit siya sa mama nito.

"Ahm tita mauna na po ako, medyo pagod po ako eh".

"Ganun ba hija, sige basta pag may time ka bumalik ka dito ha para makapagbonding man lang tayo".

"opo naman, basta free ako dadaan ako dito".

" I really like you hija for my son. Sana naman magpropose na yang lokong Charles na yan sayo para maging anak na talaga kita".

Bigla naman nagblush si Zianne sa sinabi ng mama ni Charles.

"Hehe tita naman, sige po aalis na po kami." nag beso beso ang dalawa at lumapit na siya kay Charles.

Nang makarating sila sa tapat ng gate nila ay humalik ito sa kanya at bumulong ng "Hayaan mo, malapit na" sabay paharurot ng kotse nito. Siya naman ay naiwang nakakunot ang noo sa narinig niya. Anong malapit na???

Pasensya na po lame at late ang update. Pero promise sa susunod gagandahan ko, enjoy reading po.

MY PERSONAL NURSEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon