Hello po! Gusto ko lang muna magpasalamat sa mga nagbasa nito, kahit hindi naman ganun kadami eh sobrang saya ko kasi atleast may nagbabasa nito hihihi. Naisipan kong gumawa ng special chapter at gagawan ko na rin ito ng book two, yung anak nila Zach at Arianne ang bida. Hindi ko nga lang po alam kung kelan ko sisimulan kasi wala may on-going pa rin akong stories. Well, heto na, enjoy :*
Arianne's POV
5 months na ang baby girl ko at 2 months naman itong ipinagbubuntis ko. Ang malaking pagkakaiba ay mas maselan ang pagbubuntis ko. Alam kong mas nagiging demanding ako ngayon kay Zach habang naglilihi ko. Ang dami dami kong ipinabibiling pagkain sa kanya pero pag andiyan na at naamoy ko na eh nawawalan na ako ng ganang kumain.
At dahil nga maselan ang pagbubuntis ko eh todo alaga naman si Zach sa akin. Pumapasok pa rin siya sa office pero maaga naman siyang lumalabas. Habang ako naman ay dito na lang muna sa bahay, nag-aalaga ng baby girl ko at ng baby boys ko tiyan.
Oo tama ang pagkakabasa nyo, baby boys nga kasi kambal na lalaki ang laman nitong tiyan ko kaya rin maselan ang pagbubuntis ko. Pero kahit naman maselan eh naaalagaan ko pa naman si baby Reign.
Sa ngayon ay nandito ako sa bahay at nagluluto ng tanghalian na dadalhin namin ni baby girl sa papa niya. Maaga kasing umalis si Zach kanina at sinabi niya na baka daw gabihin siya ng uwi.
Kaya naman naisipan kong dadalhan namin siya ni baby ng tanghalian para kahit papaano ay mapawi ang pagod niya sa trabaho. Siya na rin kasi ang nagsabi na kami ni baby ang pumapawi ng pagod niya.
Pagkatapos kong magluto ay inilagay ko na sa tupperware ang mga pagkain at pinalitan ko na si baby ng damit at pagkatapos nun ay saka naman ako yung nagbihis.
Nagtaxi na lang kami tapos si baby naman eh nasa stroller. Buti na lang pumayag si manong.
Nang makarating kami sa may ground floor ay agad akong pinapasok ng guard. Kilala naman niya kasi na ako ang asawa ni Zach
"Hi ma'am magandang araw po".
"Hello manong" pabalik na bati ko sa kanya.
Pumasok na kami sa elevator at tulak tulak ko si baby hanggang makarating kami sa 10th floor kung nasaan si Zach.
Halos lahat ng makasalubong namin ay binabati ako at gustong makita ang baby namin. Nakita ko rin ang ibang ninong at ninang ng baby namin kaya medyo natagalan kami.
Nakita kong lumabas ang secretary ni Zach sa office niya na nakayuko at napatigil siya ng makita niya ako.
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
RomanceSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...