Arianne's POV
Pagkatapos namin kumain ng cake nagpaalam muna ako sa kanila na kukuha ako ng konti kong gamit sa bahay ko, pumayag naman sila, babalik din naman ako kaagad eh.
Palabas na ako ng hospital nang makita ko ang isang taong medyo iniwasan ko ng konti dahil sa sinabi nya noon..... si Mark..
"Uy Arriane andiyan ka pala"
"Hehe opo Doc" habang nakatungo.
"Wag mo na akong tawaging Doc, tayong dalawa lang naman eh tsaka di pa naman ako matanda" tumigil siya saglit " Teka iniiwasan mo ba ako? Kung dahil yan sa nangyari last time, ok lang yun sa akin, tanggap ko naman eh, kaya sana kahit maging friends na lang tayo, ok lang ba?"
"Oo naman"
"Friends?" sabay abot ng kamay nya.
"FRIENDS" nag-smile ako at inabot yung kamay nya.
"Saan ka pala pupunta mukhang nagmamadali ka ah?"
"Ah uuwi ako ng bahay kukuha ako ng konting gamit ko, lalabas na kasi si Zach sa hospital eh, alam mo na ako yung nurse niya kaya baka dun na rin ako matulog sa kanila pag minsan, ok lang naman daw kay ate Zi eh"
"Ah kung ganun ihahatid na lang kita sa inyo tutal wala naman akong magawa eh, bumalik na kasi si Dad, kaya paikot-ikot na lang ako"
"Eh nakakahiya naman" yun na lang nasabi ko pero hinila na lang niya ako, pero di naman masakit yung paghila nya, tiningnan ko kung saan kami pupunta, dun pala sa kotse nya.
Wala na rin akong nagawa kaya pumasok na lang ako sa front seat, ayaw ko naman siyang magmukhang driver, kase doctor na magiging driver pa.. nako bwahahaha
Itinuro ko sa kanya kung saan yung bahay namin. Nang makarating kami niyaya ko siyang pumasok sa loob.
"Heto pala ang bahay mo, ikaw lang ba nakatira dito?" tanong niya habang inaayos ko yung gamit ko.
"Oo ako na lang nakatira dito simula ng iwan ako ng parents ko, namatay sila sa isang car accident eh"
"Oh sorry"
"Ok lang yun, tanggap ko na naman na wala na sila eh, tsaka sanay na rin ako"
"Maupo ka muna jan" Umupo siya at binuksan ko naman ang tv. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng meryenda. Pagbalik ko nakita ko siya binubiklat yung album ko nung nag-18 ako.
"Kain ka muna" medyo nagulat siya nang mapatingin sa akin.
"Sorry pinaki-alaman ko yung album mo na-curious ako kung ano meron eh" pagpapaliwanag niya.
"Ok lang yun, alam mo super saya ko jan kasi buong-buo pa yung family ko, akala ko hanggang sa magka-anak ako makakasama ko pa rin sila pero di rin pala talaga natin masasabi ang buhay ng mga tao eh" Tumulo na yung luha ko, napansin naman niya iyon at agad akong inabutan ng panyo.
"Heto oh,don't cry na alam ko na kung nasaan man sila masaya na sila" tapos nag-smile sya.
"Mabait ka rin naman pala, akala ko ang manggulat lang ang alam mo eh"
"Aba ako pa" sabay pogi sign niya"pogi ako eh"
"Ano naman connect un dun"
"Ay basta pogi ako"
Tapos nagtawanan na lang kami.
Sabay na rin kaming bumalik sa hospital tutal dun rin naman yung pupuntahan namin pareho eh.
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
RomanceSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...