Hello po salamat sa mga patuloy pang nagbabasa, sana naman magcomment kayo. Yun lang hihihi :)
Arianne's POV
Laking pasasalamat ko at natapos na ang period ng paglilihi ko para hindi na nahihirapan si Zach sa amin. Malki na ang tiyan ko at halatang hindi lang isa ang laman nito. Ang taba taba ko na, parang puputok na ang mga kamay at paa ko sa sobrang taba.
Hindi naman ako ganito noon ipinagbubuntis ko si baby girl eh, sabi ng doctora ko normal lang naman daw kasi kambal yung dinadala ko.
Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin dito sa bathroom namin, itinaas ko ang maluwag na shirt na suot ko at hinawakan ang tiyan ko.
Nagulat na lang ako nang may yumakap sa akin mula sa likod ko, si Zach pala.
"Arianne ko, tara na sa baba andun na sina ate". sabay halik nya sa cheeks ko. At ako naman syempre nagblush hahaha, ikaw ba naman ang magkaroon ng ganito kasweet na asawa.
"Ok bababa na ako, papalitan ko lang ang damit ko". Humakbang ako papunta sa closet at kinuha ko yung pamalit kong damit. Lumabas ako sa banyo at nakita kong nakaupo si Zach sa kama, hinhintay pa yata ako nitong lalaking ito.
Habang naglalakad ako palapit sa kanya hindi ko maiwasang mailang kasi naman nakatingin lang siya sa akin at parang natatawa.
"Anong nakakatawa ha?" Lumapit ako sa kanya at hinampas siya.
Umayos siya ng upo at pinilit namagseryoso "Ha wala naman ah" sinabi nya yun pero parang pinipigil pa rin niya yung tawa niya.
"Zach alam kong natatawa ka sa akin kasi parang bola na ako dito" sumimangot ako sa kanya.
Zach's POV
Lumapit ako kay Arianne ko, hindi ko lang kasi mapigilan matawa kasi ang laki talaga nang inilaki ng katawan nya simula nang magbuntis sya sa kambal namin. Pero kahit ganun syempre tuwang tuwa naman ako kasi madadagdagan na ang pamilya namin.
"Si Arianne ko talaga oh, sorry na naalala ko lang naman ang payatot mo kasi dati" lumapit na ako sa kanya at pinaupo siya sa tabi ko.
"So mataba na pala talaga ako, siguro kung makakita ka jan ng ibang babae na sexy baka iwanan mo na kami" nako heto na nakasimangot na sya sa harap ko.
"Arianne, bakit mo naman iniisip yan? Alam mo namang mahal na mahal kita at ang mga anak natin. Kahit ilan pang babaeng sexy at maganda ang dumaan jan wala silang panama sayo. Kasi IKAW ang mahal ko, IKAW ang nanay ng mga anak ko, IKAW ang buhay ko at IKAW lang ang mamahalin ko hanggang sa kabilang buhay" .
Nakita ko namang nagblush sya, hahaha nakakatawa talaga itong asawa ko, ang hilig magblush pag nilalambing ko sya. Mas lumapit pa ako sa kanya at niyakap siya.
"Sabi mo yan ha pag ako pinagpalit mo" sagot niya sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Oo naman sa takot ko na lang jan sa dalawang baby natin jan sa tiyan mo, baka bugbugin nila ako. Kaya wag ka nang magduda ha kasi IKAW lang. Tara na sa baba baka gutom na yung mga yun" tumayo na kami at bumaba.
Nakita ko namang nakikipaglaro si baby Zee kay baby Reign namin tapos sina kuya Charles at ate Zi naman ay binabantayan lang sila.
"Akala namin wala na kayong balak bumaba eh" pambungad sa amin ni ate habang si kuya Charles naman eh napatawa lang.
Lumapit ako sa mga bata at umupo sa tabi nila.
"Ang laki na ng baby girl mo ate bakit di nyo pa sya sundan?" This time ako naman ang mag-aasar sa kanya. Nakita ko namang napangisi si kuya sa sinabi ko.
"Heh bwisit ka Zach, sa ngayon focus na muna kami kay Zee, tsaka ang hirap kaya manganak. Mabuti sana kung si Charles ang magbubuntis, siguro pag nangyari yun papayag ako" bigla namang nanlaki ang mata ni kuya Charles.
"Kung pwede lang sanang ako na lang ang magbutis para kay Zi matagal nang may kasunod yang si baby Zee namin" lumapit si kuya Charles kay ate Zi at hinalikan ito sa cheeks. Hinampas naman ni ate ang asawa niya, napailing na lang ako kahit kelan talaga amazona itong ate ko.
"Baby Zee wag mong mamanahin ang pagiging amazona ng mommy mo ha" Bigla naman nag-giggle si baby Zee.
"Hoy anong amazona ang sinasabi mo jan" sabay bato nya sa akin ng sandok na pinaglalaruan ng mga bata.
"Hahaha tingan mo pati anak mo oh, nag-agree sa akin, tawa ng tawa oh".
"Nako tama na, tara na kain na tayo nakahanda na ang pagkain" dumating si Arianne at binuhat ang baby Reign namin.
Lumapit naman ako sa kanya at kinuha ang baby namin, mabigat na sa baby baka hindi nya kayanin.
Kumain lang kami ng punong puno ng tawanan at kwentuhan.
Pagkatapos naming kumain ay nakaupo kami lahat dito sa sala at nakikipag videochat kina mama. Katabi ko si Arianne at nasa harap namin ang mga bata na sobrang busy sa paglalaro.
Nagulat na lang ako nang biglang hinatak ni Arianne ang shirt ko kaya naman napatingin ako sa kanya.
"ZAAAAACH MANGANGANAK NA AKO" Sigaw niya at nagsimula nang mataranta ang mga tao dito lalo na ako.
Salamat po at may nagbabasa pa pala nito haha. Sana po basahin nyo rin yung ibang stories ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/2575241-288-k992580.jpg)
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
RomanceSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...