Zach's POV
Ilang araw na rin ang lumipas simula ng monthsary namin. Madaming nagbago sa aming dalawa ni Arianne.
Pero di masamang pagbabago ah, mas naging sweet pa nga eh. Hindi ko alam na magbabago pa pala ang nararamdaman ko sa kanya, na mas mamahalin ko pa pala siya ng higit.
Grabe, nang dahil sa kanya nakalimutan ko yung taong nanakit sa akin. Salamat na rin kay Gianna, kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ko makikilala si Arianne.
Ang dami kong plano para sa aming dalawa ni Arianne, gusto ko na nga siyang pakasalan eh kaso alam ko naman na madami pa siyang mga bagay na kailangan gawin. Ayaw ko naman matali siya agad ng hindi niya nagagawa yun.
Sa totoo lang kinausap ako ng head nurse nila eh, sinabi na niya sa aking yung tungkol sa offer para kay Arianne pero tinaggihan daw ni Arianne kasi ayaw nya akong iwanan.
Dahil doon napatunayan ko na mahal talaga niya ako. Papayag naman ako eh kung sakaling gugustuhin niyang tanggapin yung offer.
Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ibibigay ko lahat para lang maging masaya siya.
Sa ngayon nagda-drive ako papunta sa hospital, susunduin ko si Arianne pero maaga pa naman kaya dadaan muna ako sa mall.
Bumili ako ng isang boquet ng roses para kay Arianne tapos napadaan ako sa isang jewelry store.
May nakita akong isang kwintas na gold tapos yung pendant nya ay parang isang maliit na angel kaya naman naisip ko agad bilihin ito para kay Arianne. Sana lang magustuhan niya ito.
Palabas na ako ng store ng mapadaan ako sa bandang gilid tapos mga singsing naman ang nakalagay sa section na yun. Nagtingin tingin muna ako, madaming magaganda kung pwede lang bilihin lahat kaso isa lang naman ang kailangan ko eh. Pero siguro bago ako bumili kakailanganin ko ang advice ni ate para sa singsing na bibilhin ko..
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
RomanceSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...