Zach's POV
Kagaya ng sinabi ko na dalhin nya ako dito sa garden, eh sinunod naman nya ako. Iginilid nya ako at umupo siya sa may bench na malapit sa pool, hindi na gaanong mainit kaya di na kami nasisikatan ng araw, hapon na rin kasi. Namiss ko tong bahay namin ah, ikaw ba naman mag-stay ng halos 1 month sa hospital ewan naman.
"ang ganda naman pala talaga ng bahay nyo, isipin mo kayo lang ng ate mo nakatira dito tsaka yung mga maids nyo"-sabi ni Arianne
"haha masyadong malaki pala talaga itong bahay namin para sayo, eh pano pa kung makita mo yung ibang bahay namin edi mas hanga ka pa" sabi ko
"Edi ikaw na mayaman. Tsk" bumuntong hininga siya "nga pala bakit dito ka pa nagpadala eh dapat nagpapahinga ka na dun ah"
"gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin, sa hospital kasi puro hangin ng aircon nalalanghap ko eh"
"haha oo nga sabagay"
"Arianne, gusto ko talagang magpasalamat sayo, sa pag-aalaga mo sa akin tsaka sa pagligtas nun sa aksidente"
"ano ka ba, wala yun noh. Tungkulin ko yun bilang nurse tsaka binabayaran naman ako eh, haha"
Nakita kong ngumiti siya, maya maya ay dumating si ate at tinawag na kami, kakain na daw kasi kaya tumuloy na kami sa dining area ng bahay namin.
Tinulungan nya muna akong makakuha ng pagkain ko bago siya kumain pagkatapos nun pinainom nya ako ng mga gamot na kailangan kong inumin para maka-recover agad yung katawan ko.
Sana pala may gamot din sa sakit nitong puso ko, pero wala eh.
Pagkatapos namin kumain ipinabuhat ako ni ate sa driver namin papunta sa room ko, susunod na lang si Arianne mamaya andun pa kasi sya sa room nya na katabi lang naman nitong akin, siguro nag-aayos ng gamit napansin ko lang na ilang araw nang balisa si ate, di ko naman sya matanong kung may gumugulo sa isip nya.
Nanonood ako ng tv ngayon ng biglang may kumatok.
"bukas yan" ako
Pumasok si Arianne
"Zach, ah kelangan ko i-iject sayo ito" sabay taas nung hawak nya "tsaka kelangan mo rin uminom nitong vitamins mo"
"Ah ganun ba, sige gawin mo na nang makapag-pahinga ka na"
Tinapos nya yung tinurok nya sakin tapos ininom ko yung vitamins.
"Arianne pakiusap lang, paki-kuha naman ako ng isang shirt jan sa cabinet ko, medyo natapunan kasi kanina ng juice eh"
"ah sige, wait lang"
(para sa kaalaman nyo di ko pa gaanong naigagalaw ang mga kamay ko, pero mas ok na yun kesa sa mga paa ko na kelangan pang may mag control para gumalaw, kaya heto ako pasahero ng wheelchair)
Bumalik si Arianne na may dalang white na t-shirt.
"heto na Zach" lumapit sya.
"Salamat, ah P-pwede mo ba ako tulungan magpalit nahihirapan kasi ako eh"
"Ah s-sige, taas mo muna yung kamay mo" sya
At hayun na nga sa wakas nakapag-palit na din ako, nakakahiya kay Arianne na sya pa ang nagpapalit sa akin. Kahit pa sanay na sya sa trabaho nya nakakahiya pa rin talaga, di bale babawi na lang ako sa kanya.
Kaya pagkatapos eh pinabalik ko na sya sa room nya para makatulog na siya, at ako matutulog na rin ako.
**************************
-Wohooooo sa wakas nakapag-update din. Hays ang tagal ko rin nag-isip ng ilalagay ko, kaloka langs.
Sa mga susunod kong updates gagawin ko nang maganda, lame tong update na to eh. Super dami kong iniisip eh, sasabog na rin utak ko, bwahahaha sana may nagbabasa nito. Pero kahit wala atleast nawawala yung stress ko. Babush.
![](https://img.wattpad.com/cover/2575241-288-k992580.jpg)
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
RomansaSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...