Chapter 20: DATE???

5.3K 97 2
                                        

Zach's POV

Pagkatapos kong sabihan si Arianne na hintayin ako tumakbo na ako sa parking area para kunin ang kotse ko at nang makarating ako sa hospital nakita ko siyang kausap yung isang bata na nagbebenta ng sampaguita. Binigyan niya ng pera yung bata at napalingon siya sa akin kaya kumaway ako. Bumaba ako sa kotse at pinagbuksan siya ng pinto.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ko sa kanya.

"Bakit manglilibre ka ba? Haha joke lang, sa mall na lang tayo may bibilhin pa ako eh" kaya nagdrive na lang ako papunta sa mall.

"Arianne madami ka bang bibilhin?"

"Hindi naman yung ibang kulang lang sa bahay bakit mo natanong?"

"Kung ganun edi mag-enjoy muna tayo".

Arianne's POV

Pagkasabi nya nun parang tumalon talon yung puso ko, hihi makakasama ko siya ng mas matagal. Tapos hinigit nya yung kamay ko, sa sobrang gulat ko hindi ko na lang siya pinigilan. Naglakad lang kami papuntang.....Sinehan???

"Nood na lang muna tayo ng movie maganda daw yung palabas ngayon eh" sabi nya tapos bumili na siya ng ticket namin, ako naman bumili ng popcorn at softdrinks para sa amin.

Pag pasok namin napahawak ako sa braso nya wala naman akong narinig na kahit anong salita sa kanya.

"May night blindness ako" yun ang sabi ko sa kanya, since 10 years old pa lang ako kaya nga hindi ako nawawalan ng flashlight sa loob ng room o bag ko eh para kahit walang ilaw makakakita pa rin ako.

Tahimik lang kaming nanood tapos kumuha ako ng Popcorn pero iba yata ang nakuha ko, yung kamay nya yung nahawakan ko. Tatanggalin ko na sana pero hinigpitan niya yung paghawak napatingin ako sa kanya tapos nag-smile lang siya sa akin. Ganun lang kami hanggang matapos yung movie tapos paglabas namin hinawakan niya ulit yung kamay ko. Kung nakakatunaw lang ang kilig nako kanina pa akong tunaw dito.

Nag-grocery muna ako, habang kumukuha ako ng gusto ko si Zach nakahawak pa rin sa kamay ko tapos pag tumitingin ako naka-smile lang siya tapos nagwi-wink pa. KILIG TO THE BONES.

Kumain kami tapos pagbaba namin sa may first floor may mini contest yata dun para sa couples kelangan buhatin nung lalaki yung babae tapos patagalan ang pinaka-matagal makakakuha ng libreng kain sa isang Japanese Restaurant.

Hinigit ni Zach yung kamay ko tapos sabi nya "Tara sali tayo". 

Hayun na nga sumali nga kami at nanalo kami at nung isa pang couple. 

Pagkatapos namin mag-enjoy sa contest na yun pumunta na kami dun sa Japanese Reastaurant para dun na talaga kumain, pagdating namin dun may nakahanda na table dinner para sa amin tapos yung isang couple naman andun sa kabila. 

Hayun kumain at kwentuhan lang talaga kami. Busog na busog kami nung lumabas kami. Tapos hinawakan na naman ni Zach yung kamay ko, at kinikilig na naman ako. Naglalakad na kami papunta sa parking lot ng restaurant nang may nagsalita sa likod namin.

"Wow look who's here" boses ng isang babae.

-Sino naman kaya yung babaeng yun??

Wahaha lame ang update ko, puro holding hands lang. Kasi naman eh,, haha wala wala. Baliw lang talaga ako. Sana nag-eenjoy yung nagbabasa nito.

MY PERSONAL NURSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon