Chapter 24: Kilig Much

5.3K 111 1
                                    

Nakabalik na si Zianne at Charles sa kani-kanilang bahay mula sa camping pero hanggang ngayon ay kinikilig pa rin si Zianne habang naalala niya ang mga ginawa ni Charles simula ng maging sila ulit.

-flashback-

Nagising si Zianne na may dumampi sa noo niya tapos may yumakap sa bewang niya sa sobrang gulat ay agad siyang napabangon. Pero hindi niya naituloy nang makita niyang si Charles ang nakayakap sa bewang niya.

"Good Morning Baby" bati sa kanya ni Charles. Nag good morning din naman si Zianne dito. "Ready na yung breakfast natin. Tara na, gutom na ako, sige ka ikaw ang kakainin ko". Bumangon na nga siya at kumain na sila.

Kinagabihan habang nagpapahinga na ang lahat dahil kinabukasan ay babalik na sila, dinala ni Charles si Zianne sa isang burol na halos kita ang isang magandang tanawin, maraming bituin na nakita nila, mas ikinatuwa niya ng makakita sila ng maraming alitaptap, naramdaman niyang parang bang ang sarap ng laging ganito pero alam niyang imposible dahil kinabukasan ay babalik na nga sila.

Hinawakan ni Charles ang kamay ni Zianne at may naramdaman siyang malamig na bagay sa kamay nito. Ipinakita ni Charles ang isang necklace kay Zianne.

"Matagal ko na itong itinatago. Unang kita ko pa lang dito ikaw na ang una kong naisip na nagsusuot nito"

Nagulat naman si Zianne kaya pagkasuot ay agad niyang niyakap at hinalikan si Charles. Pagkatapos ng kilig moments nila ay bumalik na sila tent dahil maaga pa silang babalik kinabukasan.

-end of flashback-

"Ate para ka nang baliw jan ah, mag isang tumatawa, may maganda yatang nangyari sa conference ah" sabi ni Zach kay Zianne.

"Che tumigil ka nga jan. Oo kami na ulit ng kuya Charles mo. Tinawag mo pa akong baliw eh ikaw ng lagi mong tinitingnan yang picture ni Arianne sa phone mo".  

Halata namang ikinagulat ni Zach ang sinabi ni Zianne.

"Halata na sa mga ngiti mo Zach, I'm very happy for you my little brother". Napatingin naman si Zianne kay Zach. "Saan lakad mo? Bihis na bihis ka ah". Nilapitan ni Zianne si Zach. "Aba at ang bango pa".

"tssk ate naman eh, may date kami ni Arianne kaya ganito ako, sige na aalis na ako".

Umalis na si Zach at nag-drive papunta sa bahay ni Arianne.

Arianne's POV

Kanina pa akong paikot ikot dito, kanina pa akong ready. Kinakabahan ako, first time kong lumabas ng naka-formal kasama ang isang lalaki, at ang lalaking yun ay si Zach.

Di nagtagal dumating na rin naman si Zach.

Sumakay na kami sa car niya at nag-drive na siya.

"Zach saan ba tayo pupunta?".

"Basta malalaman mo rin pag andun na tayo, makinig ka muna ng music o kaya matulog ka muna medyo malayo ang pupuntahan natin eh".

Wala na akong nagawa at nakinig na lang ng music.  

Nagsawa ako kaya pinatay ko na, at nakatulog na ako.

"Arianne nandito na tayo" 

Minulat ko ang mata ko at nandito na kami sa isang garden.

Bumaba kami ng sasakyan at may kinuha si Zach na basket sa likod ng car niya.

Naglakad lakad pa kami at namangha ako sa nakita ko, hindi lang garden ang meron dito, kundi may ilog na napakalinis ng tubig.

"Wow ang ganda naman dito Zach".

"Oo kaya nga ito ang napili kong lugar para sa first date natin eh". Nag blush yata ako dun sa sinabi ni Zach.

Naglagay siya ng blanket at kumain na kami, ang dami palang pagkain dun sa basket na dala niya.

"Arianne since nagdedate na tayo, alam mo naman siguro na nanliligaw na ako sayo". Nagulat ako dun pero totoo nanliligaw na nga si Zach.

"Hindi naman sa nagmamadali ako pero Arianne sana sagutin mo ako, mahal na talaga kita".

Tumingin ako ng ilang seconds sa mga mata niya, hinawakan ko ang kamay niya" Oo Zach sinasagot na kita".

"TALAGA????"

"Oo bakit ayaw mong maniwala?"

"YEEEEES, WOOOOOOH 

Sinagot na niya ako, WOOOOOOOOH".

Niyakap niya ako at binuhat tapos umikot ikot kami, pakiramdam ko sobrang saya naming dalawa. 

Sayang kung andito lang sana sina Mama at Papa makikita nilang may boyfriend na ang anak nila, pero alam kong kung nasaan man sila masaya na sila para sa akin.

"Hinding hindi mo pagsisisihang sinagot mo ako, I love you Arianne".

"I love you too Zach".

Weeeeeeee ito na nga ang update ko, hahaha di ko alam kung kilig much nga. Pero pero pero, ako araw araw kilig much nararamdaman ko.

Comment naman po kayo, di ko kasi alam kung nagugustuuhan nyo mga update ko eh.

Tsaka dun sa gustong magpa-dedicate comment langs din po :)

MY PERSONAL NURSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon