Chapter 7: Nandito lang ako

7.2K 152 2
                                    

Arianne's POV







Biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ni Zach, at iniluwal niyon ang nagmamadaling si ate Zi.






"ate may problema po ba?"












"parang ganun na nga"










"may maitutulong po ba ako?"










"nakakahiya man pero mukhang kailangan ko nga ng tulong mo"








"ok lang po yun"









"may investor kase na kelangan kong habulin, naghihintay sya sa office, kaso walang maiiwan dito kay Zach, at mukhang matatagalan ako sa office ngayon"










"kung ganun ate pwede naman akong maiwan dito, tutal tapos na naman yung duty ko"









"sigurado ka ba? Mukhang pagod ka na?"










"kawawa naman po si Zach kung walang magbabantay sa kanya diba?"









"nako maraming salamat Arianne, basta tawagan mo agad ako pag may nangyari dito ha"








"opo ate ako na ang bahala dito"







"maraming salamat, sige mauna na ako sayo ha"

At umalis na nga si ate Zi. Nagpalit na muna ako ng damit tutal may dala naman akong pang-palit. 

Kumakain ako ngayon ng chocolate cake habang nanonood ng tv, sabi kase ni ate Zi kunin ko na lang yung pagkain na gusto ko sa may ref....

oo may ref dito, mayaman sila eh.

Ang sarap ng chocolate cake na ito, parang gusto ko pa,, kaso pag kumuha pa ako eh baka naman di na ako makakain ng hapunan nito. 

Kung matatagalan si ate baka dito na rin ako makatulog. Pero ok lang naman, kawawa naman kasi si Zach eh.

Hindi ko alam kung bakit pero pag nakikita ko si Zach para bang nararamdaman kong kelangan nya ako, kahit di naman kami close.

Siguro kung hindi siya iniwan ni Gianna noon eh masaya siya ngayon, pero kabaligtaran ang nangyari eh, heto siya ngayon parang gulay, nakalatay lang sa kama.

Pag nagigising siya kumakain at umiinom lang, pero ni isang salita wala kang maririnig sa kanya, ibang iba sya dun sa Zach na nakita ko noon sa tindahan ng stuff toys sa mall.

Hay nako ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.

Ako kaya kelan magkakaroon nun. Tumatanda na ako, wala pa rin ang Prince Charming ko..

Kasi naman hanggang ngayon naniniwala pa rin ako sa sinabi sakin ng papa ko nung bata pa ako

*FLASHBACK*

"Anak, may lalaking nakatakda para sa iyo, huwag ka sanang padalos dalos ng mga desisyon mo, basta piliin mo ang taong makapag-papasaya sa iyo" napakunot naman ang noo ko... totoo ba ito eh bata pa naman ako ah. 

Nakita ko naman na napatawa na lang si papa...

"Balang araw anak, maiintindihan mo rin lahat".

END OF FLASHBACK

Hay nako nagdrama na naman ako, pero sa totoo lang miss na miss na miss ko na talaga sila.

Bumalik ang diwa ko nang makita ko si Zach na gumalaw, nagising yata.

Pinatay ko yung tv at lumapit ako sa kanya.

"Hello Zach ako si Arianne, nagugutom ka ba?"

Pero wala, tulaley ang lolo mo...

Kaya kumuha ako ng soup na binili ni ate Zi kanina, at nagsimula akong subuan siya.

Pati ako natahimik na rin lang, natutuwa ako na kahit hindi siya sumasagot eh kinakain naman nya yung sinusubo ko sa kanya.

Sa totoo nyan eh naubos niya yung soup, kaya naman kumuha ako ng tubig.

"Zach heto oh, inom ka muna ng gamot mo ha, para gumaling ka kaagad"

Isinubo ko yung gamot sa kanya at pinainom siya.

Tinulungan ko rin siyang humiga. 

Pagkatapos nun, umupo ako sa tabi nya, at humarap sa tv.

Tatayo sana ako para kumuha na naman ng cake kaso, may humawak sa kamay ko, napatingin ako kay Zach ng hanggang ngayon ay hindi pa rin binibitawan ang kaliwang kamay ko.

Nakita kong lumuluha na naman siya, parang kumikirot yung puso ko pag nakikita ko siya ng ganito. Bakit ganun nasasaktan din ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. 

Ano ba itong nararamdaman kong ito? Bakit ganito?

" Wad kang mag-alala, hindi ako aalis sa tabi mo, Nandito lang ako"...

Pagkatapos nun tuluyan na akong  umupo ulit, pinunasan ang mga luha niya at  hinaplos haplos ang ulo niya para makatulog na siya.

Hindi ko namamalayan ako na pala yung unti unting inaantok..

ZZZZZZZzzzzzzzzzz

MY PERSONAL NURSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon