Zach's POV
Hello there! Ako si Zach Romisse Williams 23 years old. Dalawa lang kaming magkapatid, ako at si ate Zianne na mas matanda sakin ng isang taon, ang parents naman namin eh may-ari ng iba't ibang kumpanya sa buong Asya. Pero this week eh uuwi ang parents ko para sa kasal ko.
Ikakasal ako sa babaeng pinakamamahal ko, si Gianna.
1 year ko nang gf si Gianna, nagpropose na agad ako sa kanya kase ayaw ko na syang pakawalan dahil mahal na mahal ko na sya at ganun din naman siya sa akin, laking tuwa ko nang tanggapin nya ang proposal ko.
*****Araw ng kasal*****
Nandito na kami sa simbahan, si Gianna na lang ang hinihintay para simulan na ang kasal.
At hayan na nga naglalakad na sya palapit sakin..
Pero may napansin ako, iba ang itsura nya, mukhang di sya masaya ah.
Hay baka dahil lang sa belo nya kaya ganun.
************************
"Ikaw Zach Romisse Williams tinatanggap mo ba si Gianna Romalduez bilang kabiyak ng iyong buhay sa hirap at ginhawa?"-father
"opo father"-sagot ko
"ikaw naman Gianna Romalduez, tinatanggap mo ba si Zach Romisse Williams bilang kabiyak ng iyong buhay sa hirap at ginhawa?-father
Nanatili lamang tahimik si Gianna. Kaya naman inulit ni father ang tanong.
"Gianna hija tinatanggap mo ba si Zach Romisse Williams bilang kabiyak ng iyong buhay sa hirap at ginhawa?"
Tumingin si Gianna sa akin, sabay sabing" hindi kita mahal, ayokong makasal sa taong hindi ko naman mahal, napilitan lang ako" at tumakbo si Gianna palabas ng simbahan, hinabol ko siya ngunit hindi ko na naabutan dahil sa may naghihintay palang kotse sa kanya sa labas ng simbahan.
Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko.
Nagkagulo ang mga tao, nagsimula ang mga bulungan..
"Kawawa naman"
"Anong klaseng babae yang si Gianna"
"Pera lang yata ang habol nya"
Habang naririnig ko ang lahat ng iyan hinahaplos naman ni ate Zi ang likod ko. At inalalayan ako palabas ng simbahan at pumasok sa kotse para umuwi ng bahay.
Pagkarating sa bahay, tinungga ko agad ang mga alak dun pero di pa rin nababawasan ang sakit kaya naman umalis ako at pumunta sa isang bar.
Pagdating ko humingi agad ako ng pinakamatapang nilang drink, at nilaklak ng sunod sunod...
"Gianna, mahal na mahal kita, bakit mo ako iniwan? Bakit mo ginawa sakin to?"
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
RomanceSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...