Chapter 6: Bakit kelangan mo pang bumalik kung kelan ok na ang lahat

7K 149 2
                                    

Arianne's POV

Pagkatapos kong pagsabihan ang sira-ulong iyon pumunta na agad ako sa room ni Zach dahil alam kong nag-iisa lamang na nagbabantay doon si ate Zi.

Tok tok tok...

Bumukas ang pinto.

"Oh Arianne ikaw pala! Halika sa loob"

"hehe Hello po ate" sabay pasok ko sa loob ng room.

Napatingin ako sa gawi ni Zach na hanggang sa ngayon ay tulala pa rin.

"Katatapos pa lang niyang kumain, di pa rin sya nagsasalita. Kelan kaya babalik yung dating Zach"-ate Zi

"Ah, ah ano po ba siya dati?"

"napakamasiyahing tao ng kapatid ko, ni-minsan hindi yan nagsungit kahit kanino. Ewan ko ba kung bakit iniwan yan ni Gianna. Napaka-walang kwentang tao ni Gianna."

"Nako ate ok na yung nalaman niyo na iiwan ni Gianna si Zach kesa naman sa habang-buhay magdusa si Zach kasama ang taong hindi naman siya ang mahal".

"Alam mo tama ka jan Arianne, teka kumain ka na ba? Halika, maraming pagkain dito. Kagagaling lang ni Mommy dito eh sayang di mo naabutan"

"Sige ate maya na lang ng konti, siguro naman makikita ko pa ulit mommy nyo sa susunod".

"Siguro nga, kaso nasa States na ulit sila ni daddy eh, saka na lang daw sila babalik pag nasa maayos na kondisyon na si Zach, wala rin naman mag-aasikaso ng negosyo namin doon, kaya ako na lang ang naiwan dito".

*ring*ring*

Napatingin ako kay ate Zi, at kinuha nya ang phone nya... 

Sumenyas sya sakin ng 'sandali lang sasagutin ko muna to'.... 

Tumango na lang ako....

Zianne's POV

Nag-uusap kami ni Arianne nang biglang magring ang phone ko, nagpaalam ako sa kanya para sagutin ang tawag.

Lumabas ako sa room ni Zach at tiningnan kung sino ang tumatawag...

*** Anna Calling***

Tumatawag pala ang secretary ko sa office....

"Hello! Anna napatawag ka"

(Maam pasensya na po sa istorbo pero kelangan po namin kayo dito sa office)

"bakit? Anong nangyari"

(Si mr. Villanueva po kase nagbabanta na hindi itutuloy ang pag-invest hanggang hindi kayo nakakausap, sinubukan ko na pong kausapin pero kayo lang daw talaga ang gusto niyang makausap. Hanngang ngayon po hindi pa rin siya umaalis)

"Oh sige hintayin mo ako at pupunta na ako jan, kakausapin ko lang yung nurse ng sir Zach mo"

(opo maam)

Pumasok ako sa room ni Zach.

'Hay nako Villanueva, Bakit kelangan mo pang bumalik kung kelan ok na ang lahat?'

*****************************

Hala sino si Villanueva?

Bakit ganun na lang ang nasabi ni Zianne?

Malalaman nyo sa mga susunod na chapters.

MY PERSONAL NURSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon