Arianne's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Napatayo naman ako bigla, day off ko ngayon Kaya hindi ko kailangang magmadali. Pagtayo ko napatingin ako sa kamay ko, ay sa kamay pala namin, hanggang ngayon kasi hawak hawak pa rin ni Zach yung kamay ko.
Napangisi naman ako habang tinitingnan yun. Napatingin ako sa mukha niya, napaka-tangos ng ilong niya, ang haba ng pilik matam at yung lips nya ang pula. Parang ang sarap... hmmm teka... ano bang iniisip ko umagang umaga eh.
Binitawan ko muna yung kamay ni Zach at nagpunta sa banyo para mag ayos ng sarili ko.
Paglabas ko ng banyo, binuksan ko yung ref at kumuha ng pagkain doon, gutom na ako eh, saktong may fresh milk kaya kumuha na rin ako. Kumakain ako nang biglang bumukas yung pinto. Si ate Zi lang pala.
"Arianne" lumapit sya sa akin "I'm so sorry, ngayon lang ako nakabalik, sorry, sorry, sorry talaga"
" nako ate wag ka na po mag-sorry wala kang kasalanan, tsaka trabaho ko naman bantayan mga pasyente namin dito"
"Kahit na, di ka siguro nakatulog ng maayos, babawi na lang ako sayo ha, sorry talaga, heto oh kainin mo itong dala ko, nagluto pa ako eh."
Kumain ako nang dalang pagkain ni ate Zi at nagpaalam na uuwi na ako sa bahay. Nasa labas na ako ng hospital nang may humigit sa braso ko, hindi naman masakit yung pagkakahigit sakin pero nagulat ako.
"Miss hold up to"
"Waaaah kuya heto na po, wag nyo lang akong sasaktan" binibigay ko yung bag ko sa kanya tinatakpan ko yung mga mata ko gamit ang kanan kong kamay.
Tumagal ng ilang seconds hindi pa rin kinukuha ni kuya yung bag ko kaya naman napatingin ako sa kanya.
Laking gula ko ng makita ko sa Mark na nakahawak sa tiyan nya, at parang mamamatay na sya kakatawa.
"PFFFT Bwaahahahahahaha akala mo talaga totoo, hahahaha kung nakita mo lang yung mukha mo"
"Ikaw wala ka ng ibang ginawa kundi pagtripan ako,siraulo ka talagang tao ka"
"Eh sa gusto nga kita, tara hatid na kita kung saan ka man pupunta''
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
RomanceSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...