Chapter 34: The last chapter

5.3K 96 2
                                    

Zianne's POV



Tumutulo na yung mga luha lo pati nga yata uhog eh. Kainis kasi itong Charles na ito.


Pagpasok ko kasi sa loob patay lahat ng ilaw tapos nung bumukas na nakita ko siya nakatayo may hawak na boquet tapos napatingin ako dun sa may dingding at nakita ko yung pictures namin nung unang naging kami.







Madami rin akong nakitang stolen shots tapos nakalagay sa caption ay "I'm your #1 stalker".





Yung mga picture ko kasi yung iba eh nung nasa conference kami, yung iba naman habang tulog ako.






Lumapit ako sa kanya at hinampas siya sa dibdib. Oh abs!!





"Ano to ha?" Tanong ko







"Baby wag ka munang magalit halika". Sabay napakamot siya sa ulo niya. So cute.  

Humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, at diretsong tumingin sa mga mata ko, pakiramdam ko parang matutunaw ako.

"Baby alam kong maraming nasayang na panahon na dapat ay sa ating dalawa dahil sa kagaguhan ko noon. Malaki ang naging pagkukulang ko sayo, kaya sana pagbigyan mo akong mapunan ang lahat ng iyon HABANGBUHAY, Zianne alam kong maaga pa, at bagong nagsisimula pa lang ulit tayo" tapos nung speech nya bigla na lang siyang lumuhod tapos may inilabas siyang singsing.

"ZIANNE BABY, WILL YOU MARRY ME?" Tumingin ako sa mga mata niya at parang nangungusap ang mga iyon.

"YES CHRALES, I WILL MARRY YOU" Isinuot niya ang singsing at niyakap niya ako.

"SALAMAT, Pangako hindi man ako perpektong tao magiging mabuting asawa ako at mabuting ama sa mga magiging anak natin".

"Grabe ka anak agad eh hindi pa nga tayo kinakasal eh", sabay hampas ko sa dibdib niya, mag kasamang tsansing na rin noh.

"Joke lang baby, ikaw naman basta mahal na mahal na mahal kita, tara kain muna tayo nawala yung gutom ko kanina dahil sa kaba baka kasi hindi mo tanggapin ang proposal ko".

"I love you too Charles, pinapangako ko rin na magiging mabuti akong asawa sayo".

Pagkatapos nun inihatid niya ako sa bahay, grabe ang kilig at sayang nararamdaman ko.

"Ate ano kumusta ha, makangiti ka jan wagas" sabi ni Zach.

Mas napangiti pa ako tapos ipinakita ko sa kanya yung singsing ko.

"Maganda ah, saan mo naabili ya......awww ate naman" sinapok ko kasi, lokohin ba naman ako.

"Che nagpropose na si Charles noh, Zaaaaaach ikakasal na ako" sabay yakap ko sa kanya.

MY PERSONAL NURSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon