Arianne's POV
Aba talaga nga naman itong nilalang na ito kung makahila wagas. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang staffs ng hospital.
Napunta kami sa parking lot at tumigil sa harap ng isang kotse.
"sakay" sabi nya
"aba teka sino ka ba? At bakit ako sasama sayo ha"
"dahil gusto ko, kaya sakay"
Binuksan niya ang pinto at pinaupo ako sa passenger's seat.
Nagdrive siya ng mga 10 minutes at tumigil kami sa harap ng JOLLIBEE???
Hanep isip bata pala tong isang to.
Pumasok kami at pinaupo nya ako sa isang tabi at pumunta siya sa counter para umorder.
Maya maya may dala na siyang spaghetti, float, burger at fries.
"oh kain na tayo"
"bakit mo ba ako dinala dito?"
"dahil wala akong kasama"
"di naman kita kilala ah, sana nagsama ka na lang ng kaibigan mo, hindi yung basta ka na lang manghihila, baka hanapin ako ng head nurse namin, nako sesermunan ako nun"
"don't worry alam nya na kasama kita"
"alam??? Eh teka sino ka ba??"
"ako si Mark Harrel Lee"
Lee?? Teka pareho sila ng apelyido ni Dr. Lee ah.
"oo tama ang iniisip mo, anak nga ako ni Dr. Lee. Tsk."
"diba ikaw muna ang papalit sa kanya habang wala siya??
Doctor ka rin?"
"aba malamang kaya nga papalitan ko si daddy eh"
"yabang naman nito" pabulong ko.
"narinig ko yun, ano nga pala pangalan mo miss"
"yan kase basta basta na lang nanghihila eh, Arianne ang pangalan ko"
"Ow ganda ng name mo ah...
San mo nga pala gustong pumunta pagkatapos nito"
"gusto kong bumalik sa hospital"
"huh! Babalik na agad eh tapos na ang duty mo ah"
"Oo nga tapos na, pero andun pa mga gamit ko, at isa pa pupuntahan ko pa si ate Zi"
"ate Zi???"
"isa sa mga ate ng pasyente, naging kaibigan ko na rin sya, nasabi ko kasing makikipag-kwentuhan ako sa kanya pagkatapos ng duty ko tutal maaga pa naman."
"ah ang bait mo naman pala, sige pagkatapos mo ihahatid na kita"
Natapos na nga kami at sabay na pumunta sa hospital.
*****************************
Naglalakad ako palabas ng hospital ng makita ko yung head nurse namin at tinawag niya ako.
"Arianne, pwede ba tayong mag-usap?"
Kinabahan ako bigla....
"ano po ba ang paguusapan natin?"
"mabuti pa ay doon na lang tayo sa office ko mag-usap"
Naglakad kami papunta sa office nya at nang makapasok kami at isinara niya ang pinto.
"Alam mo naman sigurong nagpapadala tayo ng mga nurses natin taon taon sa ibang bansa diba" tumango naman ako. "gusto ko sanang sabihin na ikaw ang napili namin na ipadala next year sa California, dahil sa galing mo kahit bata ka pa. At isa pa alam kong hindi ka mahihirapang lisanin ang bansa dahil mag-isa ka na lang sa buhay"
"ah eh pwede ko po bang pag-isipan muna"
"aba oo naman hija, next year pa naman yun eh sa May, eh November pa lang naman eh"
"maraming salamat po, pag-iisipan ko pong mabuti ang alok ninyo"
Tumayo ako at lumabas sa office niya.
Nasa may pinto ako ng biglang....
"BOOOH"
"Ay kabayong bakla"
"wahahaha kabayong bakla, ang bilis mo palang magulat para yun lang eh"
"che! Ano bang ginagawa mo dito?"
"huh! Ginagawa ko? Ahm wala naman pero sa pagkaka-alam ko amin tong hospital kaya pwede kong gawin kahit anong gusto ko"
"bakit ba kase ako ang lagi mong pinagtri-tripan dito ha?"
"Eh sa type kita"
"hay nako ewan ko sayo" at iniwan ko siya at pumunta sa room ni Zach.
*****************************
Sana po may mag-comment naman kung ok lang ba yung story ko.
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
RomanceSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...