Chapter 1: Ayos sana kaso may girlfriend na

11.7K 217 3
                                    

Arianne's POV

Ako si Arianne Michelle Romero isang nurse sa Arellano Hospital, I'm 22 years old at ulila na. Namatay ang parents ko sa isang car accident nung 20 pa lang ako, may konti naman silang naiwan na ipon at ari-arian para maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Talagang nagsumikap ako kahit mag-isa na lang ako sa buhay.

Nandito ako ngayon sa mall, kumakain ng pizza, mamayang gabi pa ang duty ko eh. Nang makatapos akong kumain ay napagpasyahan kong maglibot muna, wala rin naman akong gagawin sa bahay eh.

Napadaan ako sa isang shop na puro stuff toys ang tinda, at may isang malaking kulay pink na bear ang tumawag ng atensyon ko. Agad ko itong nilapitan at.....

May kumuka kay pink bear..

Nang tingnan ko kung sino...

Isang napaka poging nilalang ang nakita ko. Mukhang di pure filipino to ang pogi talaga kase, ang tangos ng ilong, ang ganda ng mata at ang tangkad pa. Di ko namalayan napatunganga na pala ako sa kanya.

"ah sorry Miss pero sana ipalamang mo na lang sa akin tong bear, pang-surprise ko sana to sa girlfriend ko eh... Ay mali fiancé na pala.."-si pogi

"ah ganun ba, nako ok lang, sayo na yan, siguradong matutuwa sya pag nakita nya yan" -ako, pero deep inside, nakaka-inggit yung gf nya, sana meron din akong ganun.. Hays

"thank you talaga miss" at tuluyan na siyang lumayo para bayaran yung stuff toy.

Umalis na rin ako sa shop na yun, at umuwi sa bahay. Sana makita ko pa ulit yung poging yun, hay nga pala may gf na sya.

MY PERSONAL NURSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon