Chapter 8: Ano daw?

6.4K 145 2
                                    

Zianne's POV

Nagmamadali akong sumakay sa elevator nang makarating sa company namin.

Sinalubong naman ako ng secretary ko,

"Maam andun po siya naghihintay sa loob ng office nyo"

"ok paki-dalhan mo na lang ako ng juice"

"ok po"

Pumasok ako sa office at nakita ko siyang nakaupo, naramdaman nya yatang dumating ako kaya napatingin siya sa akin.

Lumapit ako sa kanya.

"Good afternoon Mr. Villanueva" bati ko.

"Di ka pa rin talaga nagbabago Zi"

"Mr. Villanueva wala po akong dapat ipagbago, ano po ba yung ibinalita sa akin ng secretary ko na kukunin nyo ang shares nyo sa company namin pag di ako nagpakita sa inyo"

"Oh Zi pwede mo naman akong tawagin sa pangalan ko, o kung gusto mo yung dati nating tawagan, yung baby ko"

Napataas naman ang kilay ko dun sa huling sinabi nya.

"okay, Mr. Charles Villanueva, sabihin mo na kung ano ang kailangan mo hindi yung kung ano ano pa ang sinasabi mo"

"Bakit ayaw mo na ba sa akin huh, Baby ko" yan ang sinasabi nya habang lumalapit sa akin.

"Kung ano man ang nangyari noon, kinalimutan ko na iyon, tapos na ang lahat".

Hay nako ang kulit din ng lahi nitong ex ko. Oo ex-boyfriend ko yan.

Ok na sana kami eh, kung hindi niya lang sana ako iniwan.

"Hindi mo man lang ba aalamin ang dahilan ko kung bakit kita iniwan?"

"Kung ano man ang dahilan mong iyan wala akong karapatan para malaman pa iyan, tapos na tayo at wala nang dapat pag-usapan pa tungkol sa bagay na iyan".

Sinabi ko ang lahat ng iyon habang nakatingin ng diretso sa mga mata nya, nang matapos akong magsalita nakita kong parang lumungkot ang mga mata niya. Bakit ganun parang ang lungkot ng mga mata niya. Nasaktan ba sya sa sinabi ko? 

Kung nasaktan man siya sa mga sinabi ko, mas higit pa dun ang naramdaman ko nang iwan nya ako, mabuti na lang at naka move on na ako sa kanya.

"Kung ganon, mukhang mahihirapan yata ako''

''Mahihirapan saan?''

''Mahihirapan na mapa-ibig kang muli''

''Kung yan lang ang ipinunta mo, sana hindi ka na nag-abala pa, nasayang lang ang oras. Sana hindi ko na kinailangang iwan pa si Zach sa hospital''

Tumayo na ako at akmang bubuksan ang pinto pero........

may yumakap sa likod ko, niyakap niya ako...

biglang bumilis ang tibok ng puso ko, at nararamdaman ko naman na ganun din ang sa kanya....

dug dug dug dug... nako pesteng puso ito.

'' Namiss ko ito, namiss rin kita... sobra''

''Sana akin ka pa rin. Gusto ko ako pa rin. Please give me another chance''

At dahil doon napatulala ako, at ang pumasok lang sa isip ko ay ang tanong na,,,,,ANO DAW???

MY PERSONAL NURSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon