Zach's POV
Lumabas kami kasama sina ate Zi, kumain kami at nanood ng movie.
Pagkatapos nun humiwalay na sila sa amin kasi daw may pupuntahan pa silang dalawa. Kaya nandito kami ni Arianne sa isang park, actually park na may malaking garden.
Nakaupo kami sa isang mahabang bench tapos pinapanood namin yung mga batang naglalaro.
"Ang cute nila diba Zach"
"oo sobra" tapos tumingin ako sa kanya na nakatingin pa rin dun sa mga bata.
"Pero mas cute ka" pagkasabi ko nun napalingon siya sa akin tapos hinampas ako ng konti sa braso, "At sure ako na mas cute pa jan ang magiging anak natin". Proud kong sabi sa kanya, namula naman yung mukha niya dun.
"Loko ka talaga". Hinampas ulit niya ako.
"Nakakarami ka na ng chansing sa braso ko ah" tapos umakbay ako sa kanya," ganito na lang tayo para naman hindi ka mahirapan".
"Aba talagang ang yabang nitong lalaking ito" namumula na siya sa inis.
"Sus, if I know kinikilig ka lang". Sabi ko sa kanya.
"Oo na kinikilig na, ikaw naman kasi eh".
"Arianne ko, saglit lang may kukunin ako sa kotse ko". Tumayo ako at pumasok sa kotse, kinuha ko yung guitar ko na nandun sa ilalim ng isa sa mga upuan.
Arianne's POV
Dumating si Zach na may dalang gitara.
"Oh wag mong sabihing mamamalimos ka jan". Biro ko sa kanya.
Ipinatong niya yung gitara sa tabi ko tapos inilapit yung mukha niya sa akin, sabay smack sa lips ko.
"Hindi noh, kakantahan lang kita".
"Tsssk magnanakaw ng halik".
Nagsimula nang mag-gitara si Zach tapos nag-hum ng konti saka kumanta ng "Without you ni AJ Rafael.
Pagkatapos niyang kumanta, pumalakpak ako at lumapit ako sa kanya sabay yakap.
"Ang sweet naman" sabi nung mga babaeng dumaan sa may harap namin.
Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya tapos binitawan niya yung gitara at niyakap din ako.
Heto na naman, nararamdaman ko na naman yung malakas na kalabog ng puso ko pag kasama ko siya. Super saya ng feeling.
Sorry sorry kung late na at lame pa update kasi naman may bagong story akong naisip pero one shot lang na medjo mahaba.
Hihihi feel na feel ko.
Salamat sa pagbabasa, sana nag-enjoy kayo.
Click nyo po external link para mabasa yung bago kong story.
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
RomantikSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...