Sa kabilang banda naman ay nakabalik na si Arianne sa hospital ganun din si Zach na bagong balik din sa kanilang kumpanya.
Arianne's POV
Ganun ba talaga ang effect pag nagmamahal ka, lagi ko na lang siyang iniisip, kung ano ba ginagawa niya, kumain na ba siya. Kung tawagan ko kaya siya. Hay, nako naman Arianne at sino ka naman para tawagan siya, isa ka lang naman hamak na dati niyang personal nurse.
"Uy teh welcome back! Umagang umaga lutang na lutang ka jan. Anong nangyari sayo ha?" kinalabit ako ni Clarisse tapos lumapit siya sa akin.
" kasi naman Clarisse" pasimula ko.
"kasi naman ano? Haller hindi ako si Madam Auring para mahulaan yang nangyayari sayo" sabi nya.
"Mahal ko na siya. Mahal ko na si Zach" sabi ko sa kanya.
"OMG! Yun ba yung poging papable na naging pasyente mo?" tanong niya sa akin na may halong excitement.
"Oo siya na nga yun".
"Hay nako Arianne, alam mo malabo kayong magkita sa panahong ito kasi nga magaling na siya pero pag dumating yung time na nagkita ulit kayo grab the opportunity agad ha. Sabihin mo na agad sa kanya, kung ganun din ang feeling niya edi okay pero kung hindi naman eh tanggapin mo na lang" sabi niya sa akin.
"Ang haba ng payo mo ah, expert ka na yata ngayon sa love" sabi ko sa kanya.
"hahaha ano ka ba, di ko nga maramdaman yang love na yan eh, sige na may pasyente pa ako". Tapos umalis na siya at naiwan akong nag-iisip kung kelan ko ulit makikita ang mahal ko.
Zach's POV
Nandito ako sa office ko ngayon, wala naman akong magawa, walang trabahong naiwan para sa akin dito. Mukhang inayos na yata lahat ni ate bago siya umalis. Hay nako wala akong makausap dito, kung nandito lang sana si Arianne pero malabo yun eh hindi naman kasi hospital ito.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero nitong mga nakaraang araw si Arianne lagi ang laman ng utak ko. Ewan ko, basta laging siya ang gusto kong makita, buti na nga lang hindi ko binura yung pictures niya dito sa phone ko. Oo, lagi ko siyang ninanakawan ng shot.
Nahuhulog na ba ako kay Arianne? Kahit minsan hindi ko naramdaman ang lahat ng ito kay Gianna. Sa bawat oras na magkasama kami ni Arianne para bang unti unti niyang pinawi lahat ng sakit na naramdaman ko. Kahit na wala naman siyang special na ginawa sa akin palagi akong masaya pag kasama ko siya.
Gusto ko na ulit siya makita. Yayain ko na lang siya kumain sa labas mamaya.
Arianne's POV
Nag aayos ako ng gamit ko ngayon, tapos na kasi ang duty ko eh. Maagang dumating yung kapalit ko kaya may time pa ako para mamasyal sa mall.
Biglang nagring ang phone ko at pagtingin ko kung sinong tumatawag halos mapatalon ako sa kaba at tuwa, si Zach tinatawagan niya ako kaya naman sinagot ko agad.
"hello Zach?"
"Arianne, aaaaahh hmmm ano oras matatapos yung duty mo?" tanong niya.
"patapos na, inaayos ko na lang ang gamit ko para makauwi"
"wala ka bang pupuntahan ngayon?"
"Balak ko sana mamasyal ng konti sa mall, bakit ka nga pala napatawag?"
"Kung ganun, hintayin mo na lang ako jan, susunduin kita tapos sasamahan kita sa mall"
"Huh! Pero bakit?"
"Basta hintayin mo lang ako ha, mabilis lang ako, bye" tapos nag-end na yung call.
Kahit na nagtataka ako eh mas nararamdaman ko yung kilig. Hihi makakasama ko na ulit si Zach.
Isang lame na update, wahaha mas hahabaan ko kasi yung next chapter. Babawi na lang ako.
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
RomanceSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...
