Arianne's POV
Araw araw kinikilig ako sa mga banat ng boyfriend ko. Tapos araw araw din hinahatid sundo niya ako papuntang hospital. Ok na rin yun para makatipid ako, de joke lang syempre para lagi ko syang kasama.
Sabado ngayon at wala akong duty, nag-overnight kasi ako kagabi kaya sa martes na ulit ang pasok ko.
Papunta ako sa bahay nina Zach, dun ako matutulog kasi miss na daw ako ni ate Zi eh. Pero kahit na, alam kong isa rin lang sa palusot ni Zach para makasama ako.
Wala kaming special na tawagan ni Zach, pag minsan lang tinawatag nya akong "Arianne ko" at kinikilig naman ako dun. Lagi rin akong may kiss galing sa kanya.
Sa ngayon kakarating ko lang sa loob ng bahay, masyado pang maaga kaya baka natutulog pa si Zach. Pinapasok naman nila ako agad kasi nga kilala na nila ako. Pumunta ako sa may garden at nakita ko si ate Zi.
"hi ate Zi"
"Oh Hi Arianne, ano kumusta na? Namiss kita" lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"ok lang naman po ako"
"wag ka nang magpo magiging ate mo na pala talaga ako, kasi kayo na ni Zach, I'm so happy" sabi ni ate Zi habang medyo tumatalon pa sa saya.
"Ah hehehe, ate nasaan po ba si Zach?" nagtanong na ako kahit nakakahiya. Nakita ko namang ngumiti siya.
"Nako natutulog pa yung lalaking yun, sige puntahan mo na. Gawa na rin kayo ng pamangkin ko ha". Biro ni ate. Woah pamangkin daw.
"ate naman, sige po akyat muna ako.
Umakyat ako at pumunta sa room ni Zach. Nang nasa tapat na ako at kumatok ako ng kumatok pero walang sumasagot kaya naman binuksan ko. Hayun ang mahal ko, parang baby kung matulog.
Lumapit ako sa kanya.
"Zach, gising ka na". Kiniss ko siya sa cheek tapos hinaplos haplos ko yung buhok nya habang nakatitig ako sa kanya.
"Matunaw ako niyan" bigla siyang nagsalita kahit nakapikit pa siya.
"Ikaw gising ka na pala, bumangon ka na nga jan" sabay pisil ko sa cheek niya.
"Ayoko pa, dito ka muna" tatayo na sana ako nang higitin niya ako. Kaya naman nahulog ako sa mga bisig na poging nilalang na ito.
"Zach naman" nakaka-ilang kasi.
"Hug mo muna ako Arianne ko, sige na tapos babangon na ako". Hay nako ang lalaking ito talaga oh. Dahil nga nag-request siya heto ako yumakap din sa kanya.
Yung puso ko ang lakas ng tibok. Abnormal talaga ang feeling ko pag kasama ko siya, parang nasa ulap sa sobrang saya.
"I love you Arianne ko".
"I love you too Zach"
Pagkatapos ng mga ka-ekekan namin ay bumaba na kami at kumain ng breaskfast.
"Arianne, say aaaaaaaaahh" sabi ni Zach sa akin habang nakatapat yung tinidor na may hotdog. Ako naman ay nag-aalinlangan kainin iyon kasi nahihiya ako, nasa tapat ko kasi si ate Zi.
"Nako Arianne wag ka nang mahiya sa akin, isipin mo na lang wala ako dito. Sige na isubo mo na baka mangawit yang pangit na katabi mo.
"anong pangit ha ate, palibhasa kasi wala si kuya Charles ngayon eh, wag kang bitter ate" sabi ni Zach sa kanya.
"Tsssk yun ang akala mo, papunta na kaya siya dito, kayo masyado nyo akong iniinggit". Napatawa na lang kami ni Zach, at tinapos na ang aming pagkain. Maya maya naman ay dumating na nga ang boyfriend ni ate Zi.
Sa wakas nakapag-update rin. Ang daming exams kaya naging busy ako, last week naman ay wala akong ganang mag-update kasi walang inspiration, eihihihi, enjoy reading. May kasunod pa yan mamaya.
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
RomanceSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...