Chapter 17: Selos selos din

6.1K 117 1
                                    

Third Person's POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas nang simulan ni Arianne ang therapy ni Zach, at ngayon na ang huling araw na ng therapy ni Zach dahil nakakalakad na talaga siya. Labis namang ikinatuwa ni Zianne ang bagay na iyon, kahit na iniisip pa rin niya ang problema niya tungkol kay Charles ay si Zach at Arianne ang nagiging dahilan kung bakit nakakalimutan niya ang mga problema niya.

Samantalang si Zach at Arianne naman ay naging sobrang close na, lagi silang nagkukulitan na parang mga bata, kahit pinagtitinginan sila nga mga katulong ay di nila napapansin. Kahit masaya si Arianne na magaling na si Zach ay may bagay siyang ikinalulungkot, ito ang ang tuluyan na ngang nahulog siya kay Zach. Mahal na talaga niya si Zach, hindi na niya maiwasang mahulog ang loob niya dito dahil sa kabaitang ipinakita nito sa kanya, kahit naiinis siya minsan pag inaasar siya nito ay nangingibabaw ang kilig na nararamdaman niya.

Nag-aalala si Zianne sa mangyayari sa pupuntahan niya, nagda-drive siya ngayon papunta sa conference para sa project ng company nila sa Baguio. Pagkatapos ng conference ay kailangan niyang sumama sa camping ng iba pang kumpanya na kasali, ang camping ay magaganap sa bundok na malayo sa kapatagan. At sa lahat ng iyon ay kasama niya si Charles kaya naman hindi talaga siya mapalagay.

Bumalik sa sarili si Zianne ng mapansin niyang bumagabagal ang takbo ng kotse niya, umuusok na rin ang unahan nito. Bumaba siya ng kotse at tiningnan kung anong nangyari. Nakita niyang flat ang gulong sa unahan ng kotse niya at nang tingnan niya kung anong umuusok ay nakita niya ang sira dito.

"Anak ng teteng naman oh, bakit sa dami ng pwede kong makalimutan bakit ang i-check pa kung may problema tong kotse na to" yun na lang ang nasabi niya.

Mataas ang sikat ng araw kung saan siya tumigil, walang masyadong dumadaan at malayo na siya sa bayan.

Nagulat na lamang sira ng may marinig siyang bumusina sa likod ng kotse niya. Bumaba ang isang lalaki na naka-shades pa. Tinanggal nito ang shades niya, at nakita ni Zianne ang magandang mukha ng lalaki, para itong model.

"Miss anong problema sa kotse mo?" tanong ng lalaki sa kanya.

"Na-flat kasi gulong ko tapos may sira pa yata dito" sabay turo niya sa bandang unahan ng kotse niya.

"Saan ka ba pupunta? I can give you a ride" sabi ng lalaki.

Napatulala naman si Zianne sa sinabi nito, "wag kang mag-alala hindi ako masamang tao, ako nga pala si Christian Domingo, saan ka ba pupunta?" inabot nito ang kamay niya kay Zianne.

"I'm Zianne Williams, malayo ang pupuntahan ko eh, sa Baguio"

"Sa Baguio rin ako eh, teka wag mong sabihing sa conference ka rin pupunta?"

"oo dun nga ang punta ko"

"Kung ganun kunin mo na ang gamit mo at sa akin ka na lang sumabay" napatingin naman si Zianne sa kotse niya "ako na ang bahala diyan sa kotse mo, may tatawagan lang ako".

Kinuha niya lahat ng gamit niya sa kotse niya at inilagay sa kotse ni Christian. Bumalik naman agad si Christian pagkatapos tawagan ang kaibigan niya na kukuha ng kotse ni Zianne para maipa-ayos ito.

"Tinawagan ko na ang kaibigan ko, siya na daw ang bahala, parating na rin siya".

Naghintay sila hanggang sa dumating nga ang kaibigan ni Christian, ibinigay ni Zianne ang susi at umalis na sila papuntang Baguio. Habang nasa daan ay nagkwentuhan lamang sila, nalaman ni Zianne na kaya lang pala pupunta si Christian sa conference ay dahil gusto ng girlfriend niya na nasa US na sumama ito sa mga conference ng kumpanya nila. Nalaman din niyang nagbabakasyon lamang si Christian sa Pilipinas.

Dahil sa tagal ng kwentuhan nila, hindi na nila napansin ang mahabang biyahe. Nagpark si Christian ng kotse at tinulungan si Zianne na dalhin ang iba pa nitong gamit.

Pumasok sila sa hotel at nag check in na. Laking pasasalamat ni Zianne kay Christian dahil inihatid pa siya nito hanggang sa room niya, nalaman nilang nasa kaliwa lang ng room ni Zianne ang room ni Christian at sa kanan naman ay ang room ni Charles. Alam na rin ni Christian ang nangyari sa kanila kaya naman nagpayo ito na pagisipan muna ni Zianne ang lahat.

Lingid sa kaalaman ni Zianne at Christian na kanina pa silang nakikita ni Charles dahil kanina pa itong naghihintay sa pagdating ni Zianne. Selos ang una niyang naramdaman, lalo na ng makita niyang nagtatawanan pa ang dalawa habang nasa lobby ng hotel.

Gusto niyang lapitan at sapakin ang lalaking kasama ni Zianne ngunit alam naman niyang wala siyang karapatan. Madami siyang plano para sa kanila ni Zianne habang nasa Baguio at nasa camping sila pero mukhang mahihirapan siya dahil sa lalaking kasama nito.

Nagpahinga muna si Zianne at inayos ang kanyang gamit bago siya bumaba para mag lunch. Paglabas ni Zianne ay sakto namang palabas rin si Charles.

Lalapit na sana si Charles nang biglang bumukas ang pinto ni Christian, (para makababa mas mauunang madaanan yung room ni Christian kaya dun agad lumingon si Zianne).

"Oh Zi lalabas ka rin pala, tara na gutom na ako" sabi ni Christian kay Zianne.

"sige Chris tara na" humawak si Zianne sa braso ni Christian na parang walang nakakakita sa kanila, napag-usapan na nilang pagselosin si Charles para malaman ni Zianne kung seryoso ito.

May permission naman si Zianne mula sa girlfriend ni Christian na gawin ang bagay na iyon dahil alam naman niya na siya lang ang mahal ni Christian. At tumutulong lang si Christian kay Zianne dahil kaibigan na agad ang turing nito sa kanya.

Nagmula ang idea na pagselosin si Charles sa girlfriend ni Christian.

Sumunod na lamang si Charles sa dalawa, nag-iinit na ang kamao niya. Gustong gusto niyang makasama si Zianne. Simula kasi nang araw na nakita niya itong umiiyak ay hindi na siya nag-abalang kulitin ito, pero araw araw pa rin siyang sumusunod ng palihim at nagpapadala ng mga bulaklak kay Zianne na laging may note na  

I'm sorry. 

MY PERSONAL NURSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon