Third Person's Narration
Kinabukasan pumasok si Arianne sa hospital na hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Napansin naman iyon ng mga kasama niya kaya naman napapatawa na lang siya sa mga sinasabi ng mga kasama niya.
"Mukhang ang saya saya mo ah. Birthday mo ba?"
"Uy Doc Mark ikaw pala, hehe masaya lang".
"pwede bang sabay tayong mag dinner mamaya? May sasabihin lang akong importante sayo".
"oo naman". Sagot ni Arianne.
Lumipas ang ilang oras at magkasama silang dalawa ngayon sa isang restaurant.
"ang dami mo naman inorder parang bibitayin na tayo nito ah" manghang sabi ni Arianne kay Mark.
"last time ko na kasi ito para i-libre ka, aalis na ulit ako, tutal naayos na ni daddy lahat".
Mukha namang nagulat si Arianne.
"wag ka nga sumimangot jan, aminin mo na kasi na mamimiss mo ako".
"Wala nang doctor na mang-aasar sa akin".
"kung bakit naman kasi ang konti lang ng oras na nakasama kita, minahal na kita" mukhang nagulat si Arianne sa pag-amin ni Mark.
"Alam ko si Zach yung mahal mo, kaya nga di ko na itutuloy yung pangliligaw ko eh" malungkot na sabi ni Mark kay Arianne.
"Sorry". Yun lang ang nasabi ni Arianne.
"Wag ka nga mag-sorry jan, wala ka naman kasalanan. Ganito na lang di man ako ang magiging boyfriend mo ako naman ang magiging bestfriend mo. Deal??"
"Deal, simula ngayon bestfriends na tayo".
"Basta pag kelangan mo ng kahit anong tulong ha, wag kang mahihiyang tawaga o i-chat ako. Lagi kang mag-online ha para hindi ako malungkot pag-uwi ko".
"oo naman bestfriend" at tinapos na nila yung pagkain nila.
Inihatid ni Mark si Arianne pauwi sa bahay nila. Nang nasa tapat na sila ng gate may dinukot si Mark na isang box sa bulsa ng kanyang pantalon.
"Arianne sana wag mong tanggihan itong regalo ko sayo, kahit para lang sa pagkakaibigan natin" inilabas ni Mark ang isang necklace na gold na may nakaukit na babae sa pendant nito.
Napatango na lang si Arianne at nagpasalamat kay Mark.
"So goodbye na talaga ito, pero kung tatanggapin mo yung offer sayo magkikita pa rin tayo, kasi pag kinuha mo yun dun ka magtratrabaho sa hospital namin sa US."
"Pinag-iisipan ko pa rin talaga yan eh hanggang ngayon"
"basta yung sinabi ko sayo ha, magpakipot ka naman ng konti kay Zach. Pahirapan mo kaya, tsk kung ako na lang sana. Sige na aalis na talaga ako, maaga pa flight ko bukas"
"ikaw din mag-iingat ka ha, alagaan mo sarili mo"
Niyakap ni Arianne si Mark at yumakap din naman ito. Pagkatapos noon ay umalis na din si Mark.
Umuwi si Mark ng may basag na puso. Nakasama niya si Arianne sa maikling panahon pero minahal na agad niya ito. Hindi man naging sila, nagkaroon naman sila ng magandang relasyon bilang magkaibigan.
Puchu puchu ang update ko. Basag na puso, ganyan naramdaman ko nung isang araw eh kaya naman ito na tuloy naging update ko.
Pero promise puro kilig moments ang mga susunod na chapters. Sana nag-eenjoy yung nagbabasa nito.
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL NURSE
RomansaSi Zach ang lalaking tinakbuhan ng babaeng kanyang minamahal sa gitna ng kanilang kasal. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi pilit na limutin ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing na siya namang maglalapit sa landas nila ni Arianne, ang k...
