Chapter 33 Plans part 2

4.5K 81 4
                                    

Zach's POV

Dahil nga sa nakakita ako ng mga singsing eh hindi na ako mapakali.

Tinawagan ko si Arianne at sinabi kong hindi ko siya masusundo pero dadaanan ko na lang siya sa bahay niya mamaya.

Tapos ngayon nandito ako sa labas ng jewelry store na yun, hinihintay ko si ate.

-flashback-

Dahil nga hindi ko alam kung magugustuhan ni Arianne ang pipiliin kong singsing eh tinawagan ko si ate.

"Hello, may problema ba Zach?".

"Wala naman ate".

"Wala naman pala eh bakit ka tumawag?".

"Alam kong free ka, samahan mo naman ako, may bibilihin tayo".

"Ikaw baka kalokohan lang yan ha".

"Basta. Hindi ito kalokohan, sunod ka na lang sakin dito sa mall, nandito ako sa tapat ng jewelry store na lagi mong binibilihan".

-end of flashback-

Hayan na natatanaw ko na siya.

"Anong kelangan mo ha?". Ang sungit naman ni ate.

"Basta, sama ka na lang sa akin". Tapos hinila ko siya papasok ng store.

"OH MY GOD Zach ibibili mo ako ng ring??"

"Huh ate we're gonna bur a ring, but it's not for you okay" sabi ko sa kanya.

"Eh bakit mo pa ako pinasunod dito kung hindi naman pala ako yung ibibili mo".

"Saka na lang kita ibibili ng sayo oag naging succesful yung plano ko. Sa ngayon pili na muna tayo ng ring na bagay kay Arianne".

"OMG Zach don't tell me balak mo nang pakasalan si Arianne?" namamanghang tanong ni ate.

"Oo ate eh kaya nga nagpasama ako sayo".

"Wow I'm so proud of you. Tara na pili na tayo ng ring para sa proposal mo".

Sa wakas nakapili at nakabili na rin kami ng ring, proposal at yes na lang ni Arianne ang kulang para maging succesful na talaga ito.

Zianne's POV

Nagda-drive ako ngayon papunta sa condo ni Charles, pagkatapos kasi naming bumili ng engagement ring ni Arianne eh nagpalibre muna ako kay Zach tapos tinawagan naman ako ni Charles na pumunta daw ako dito.

Nagsimula na akong kumatok pero walang nagbubukas kaya pinihit ko na yung pinto tapos bukas naman pala.

Pagpasok ko sobrang dilim, natatakot na ako ah.

"Charles asan ka ba? Bakit ang dilim dito?".

Tapos nun biglang may konting ilaw akong nakita kaya pumunta na ako doon.

Nang makita ko kung anong andun, nagsimula nang bumagsak ang mga luha ko.

-Malapit na pong matapos itong MY PERSONAL NURSE,as in sobrang lapit na. Last chapter na po yung sunod tapos epilouge na. Hihihi minamadali na kasi naman may sinisimulan akong bagong story na sana magustuhan at basahin nyo rin.

MY PERSONAL NURSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon