Chapter 28

4.5K 85 1
                                    

Kasalukuyang nasa duty si Arianne at si Zach naman ay nasa kumpanya nila.

Kumakanta kanta si Arianne habang naglalakad sa pasilyo ng hospital nang batiin siya ng kaibigang si Clarisse.

"Aba teh level up ka na talaga, parang nasa music video lang ang peg ah, may pakanta kanta ka na ngayon. Ganyan pala ang epekto ni papa Zach".

"baliw ka talaga Clarisse"

"Eh totoo naman ah, hindi ka naman ganyan dati, chosera ka talaga. Mag-share ka naman. Tagal na natin di nakakapagchikahan, tampo na nga kami sayo, ano ba namang laban namin kay papa Zach". Pakunwari ay humawak pa ito sa dibdib.

"Ikaw ang chosera, halika na punta tayo sa canteen libre na lang kita" sabay hila niya sa kaibigan.

"Iba talaga pag in love, nanlilibre, hay nako ako kaya kelan kaya dadating ang papa Zach ng buhay ko.

"Wag kang mainip nako mas matatagalan yan pag hintay ka ng hintay, enjoy ka muna teh".

"Sabagay teh tama ka jan, kaya nga palandi landi lang muna sa mga crush eh. Yung si Dr. Domingo ang pogi rin nya teh, secret lang ha pero crush ko talaga yun".

"hahaha para kang bata, oo na secret lang natin yun. Ano nga pala order mo?"

"Yung ganun na rin sayo, nakakahiya naman kasi".

"wow tinutubuan ka pala ng kahihiyan".

Masayang kumain ang dalawa at pagkatapos ay bumalik na sa trabaho.

"Arianne" napalingon si Arianne sa tumawag sa kanya at nakita nito ang head nurse nila.

"Hija napag-isipan mo na ba yung inaalok ko sa iyo?".

"Sa totoo lang po nakalimutan ko po ang tungkol sa kontratang iyan, sa ngayon po ay kuntento na ako sa kung anong meron ako, pero pangarap po iyan ng mga magulang ko eh. Kaya kahit papaano ay gusto kong matupad kahit wala na sila, kaso hindi ko naman po inaasahang dadating si Zach sa buhay ko".

"Naiintindihan kita hija, bibigyan pa kita ng panahon para pag-isipan, minsan lang dumating ang oportunidad na ito". Sabay alis ng head nurse.

Maghapong tulala si Arianne dahil sa sinabi ng head nurse.

Kahit nang sunduin siya ni Zach ay parang wala ito sa katinuan.

"Arianne ko, ayos ka lang ba? May problema ka ba?" tanong ni Zach sa kanya.

"Wala naman, pagod lang siguro".

Nanatili nang tahimik ang dalawa hanggang sa makarating sa bahay ni Arianne.

Hindi na bumaba ng kotse si Zach dahil may pupuntahan pa ito, nakadungaw ito sa bintana ng kotse niya.

"Ahm Zach paano kung.........

"Paano kung ano ha Arianne ko??" nagugulihang tanong din ni Zach.

"Wala wala sige na, baka ma-late ka pa sa dinner nyo" sabay kiss ni Arianne sa lips ni Zach pero smack lang. At agad naman itong tumakbo papasok sa bahay niya, habang si Zach ay nauwang nakangiti, sa isip nito ay gagawin pa lamang niya inunahan naman agad siya.

Sorry po kung late na ang update tapos lame pa. Daming ginagawa eh, pero promise babawi ako sa susunod. Sana naman mag-comment kayo para malaman ko kung nagugustuhan nyo ba o ano. 

Enjoy lang po sa pagbabasa.

MY PERSONAL NURSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon