Chapter 10: gusto ko na ba sya?

6.6K 143 1
                                        

Arianne's POV

Since nung araw na nagpasalamat sakin si Zach, eh lagi na syang tumitingin pag kinakausap ko sya, di pa rin sumasagot pero atleast tumitingin sya.

Gumagaling na talaga yung mga sugat nya, kelangan nya na lang talaga ng therapy. Sobrang gaan na ng trabaho ko, at sa oras na umuwi si Zach sa kanila eh dun ko na gagawin ang therapy nya. Ako na ang bahala dun, tsaka kasama sa kontrata ko ang wag umalis hanggang hindi pa fully recovered si Zach.

Sa palagay ko naman super dali na lang talaga nun.

Di ko lang alam kung pati yung puso nyang nadurog eh kailangan ko din pagalingin. Hahaha Chosera ako....

Eh kase naman,,,, di ko alam pero parang gusto ko na sya.

Basta nakikita ko yung gwapo nyang mukha eh parang natutunaw ako, at pag nakikita ko naman na tumutulo yung mga luha nya, agad ko siyang nilalapitan para punasan at hinahawakan ang mga kamay nya, at kasabay ng mga pangyayaring yon palaging tumitibok ng mabilis ang puso ko.

Pero alam ko naman kase na malabo eh, pero gusto ko na talaga sya.

At si Mark, kahit araw araw nya akong kinukulit, hinahatid sundo sa bahay eh hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Di pa sya nagpapaalam para pormal na manligaw, ang parati nya lang sinasabi eh 'GUSTO KITA'...

Habang natutulog si Zach lumabas ako sa kwarto nya, makapaglibot naman muna dito sa loob ng hospital, miss ko na magpaikot-ikot eh, tsaka yung mga makukulit na pasyente.

Natapos ang paglilibot ko, at humantong ako sa garden ng hospital.

Nakaupo ako habang pinapanood ang mga taong dumadaan...

Iniisip ko, posible kaya na magustuhan ni Zach ang kagaya ko?

Gustong-gusto kong makitang masaya si Zach yun bang kagaya ng una naming pagkikita sa mall.

Kaso alam kong malabo na yun eh, kase si Gianna ang dahilan ng mga ngiti nya noon eh.

Pero saan na kayang lupalop napadpad yung Gianna na yun?

Hays kahit imposible nya akong mapansin, sana man lang kahit konti.....

Hay ako na ang feelingera dito...

Malay lang naman...

Nawala ang pag-iisip ko nag may kumalabit sa likod ko....

Tumingin ako pero walang tao.

Kunot noo akong humarap ulit, at....

"BOOOH"

"ay kabayo.... Ano ba naman Mark"

Gagong to papatayin yata ako sa nerbyos eh.

"Nakita kasi kita, mukhang malalim ang iniisip mo kaya lumapit ako"

"tsk, pero bakit kelangan mo pa ako gulatin. Huh!"

"wala naman, trip ko lang"

"tssssk"

"joke lang toh naman oh, may gusto sana akong itanong sayo"

"at ano naman yun huh"

"Pwede ba manligaw??"

"huh. Bakit?"

"anong bakit, diba sinabi ko na sayo noon pa na gusto kita, so ngayon sinasabi kong liligawan na kita"

"Eh bakit ako pa ang dami naman iba jan ah"

"Eh sa gusto nga kita eh, tsaka hindi naman ako nagmamadali eh, willing akong maghintay mapatunayan ko lang na totoo itong sinasabi ko"

And with that natulala na lang ako.....

MY PERSONAL NURSEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon