Chapter 2

20.2K 343 108
                                    

MIKAYLA's POV

NAGMULAT ako ng mata at umupo sa kama. Sumandal ako sa headboard at minasahe ang sintido ko. Napaginipan ko na naman ang una namin pagkikita, tsk.

"Mommy!" Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Kerubin. "Reu! Wag kang mag shout sa umaga!" Pumasok naman si Kerubiel at tumabi kay Reu.

Kerubiel and Kerubin. My two pretty angels.

"Come here, my angels" lumapit sila sa akin at umupo sa magkabila ko.

"Did you pray after waking up and kinausap na ang sister niyo?" I ask them.

"Yes, Mommy.." Sabay silang tumango. Niyakap ko silang dalawa at hinalikan sa noo.

I was pertaining to their other sister. Triplets sana sila ngunit hindi man lang nagmulat ng mata ang isa kong anghel na si Kushiel.

Siya ang huli kong ipinanangak pero hindi siya umiyak. I cried and begged for her to wake up, even though I was weak. Hanggang nalaman kong wala na ang anghel ko.

Hindi ko kayang tignan nuon si Reu at Biel. I was hurt and lost! Takot na takot akong hawakan ang dalawa kong anghel thinking they might be a dream. But no, sila pala ang nagbigay sa akin ng lakas.

Kushiel, if you're listening to mommy, i just want to say that Mommy loves you so much, very much.

Everyday I pray and beg na sana dumalaw ka sa panaginip ko.

"Mommy, she's in a better place now" Reu said before softly smiling at me.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Ang mga anghel ko alam na alam talaga kung sino ang iniisip ko.

"Let's have breakfast! Mag bath lang si Mommy, okay?" Tumango naman ang dalawa at tumakbo palabas. Siguradong pupunta ang dalawang iyon sa sala at maglalaro.

Maraming nagsasabing kamukha ko  ang mga anak ko. Ang iba naman ay sinasabing hindi at kamukha raw siguro ng ama nila.

Habang kumukuha ako ng tuwalya ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito na nasa side table at tinignan ang caller, It's Kime.

"What?" Panimula ko ng sagutin ko ito.

"Grabe, Wala man lang goodmorning Kime! Sana nag breakfast ka na ngayon at masaya sana ang araw mo bilang isang Doctora. Wag ka sanang magpapaka-stress" mahabang sabi niya.

Ewan ko rito sa bruhang ito. Magiging Doctor na si Kime. Siya rin ang nag asikaso sa akin nuon nung buntis ako.

"Bakit hindi mo sabihin, ikaw ang nakaisip." Pabarang sabi ko sa kaniya. Alam kong umiirap na yan ngayon!

"Bat di mo na lang kasi balikan baby mong si Ty-"

"Gusto mong saksakin kita ng injection?" Pag putol niya sa pangalan na babanggitin ko.

"Eto naman pikon!" Tumawa ako, narinig ko naman ang daing niya sa kabilang linya.

"Ikaw bakit di ka pa bumalik kay Jay-"

"Subukan mong bigkasin, kakaladkadin kita pauwi sa pinas." Putol ko naman sa sasabihin niya.

"Ay, Pikon? Wala 'to. Anyway, Kelan mo pala balak umuwi? I mean, malaki na ang kambal! I'm sure sooner or later, hahanapin nila ang Daddy nila." Inayos ko ang tiklop ng kumot bago sumagot kay Kime.

Maybe Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon