MIKAYLA's POV
"Lagay mo na lang diyan" tinuro ko kay Jayden ang lagayan ng mga snacks. Inayos niya naman ito at tinulungan ako sa paglagay ng mga drinks sa ref.
"Ay shuta!" Nalaglag yung isang can ng coke kaya pinulot ko ito. Pero natigil ako ng maramdaman si Jayden sa likod ko, nakatuwad pa ako!
Ang awkward ng position namin, ang puta. "Ehem" i cleared my throat and went away from jayden. Gagi, baka kung sino makakita sa amin ay iba isipin.
"A-ano yung ano pala... yung mga karne nasa kotse pa" Saad ni Jayden, umalis ito para kuhaain yung mga naiwan sa kotse.
Ang init, nakabukas na ba yung aircon? Oo, nakabukas yon. Mainit talaga panahon...
"Yan, tapos na!" Pabagsak akong umupo sa sofa at tinaas ang mga paa ko sa lamesa. Grabe, pag kasama ko si Jayden lagi akong pagod.
"Let's watch a movie?" Tumabi sa akin si Jayden at binuksan ang Netflix account ko.
"Napanood ko na yan eh!" Pumili naman siya ng iba pero hindi naman niya daw gusto.
Ang ending, mas matagal kaming pumili ng movie kesa sa manood.
"Ayan na lang, sikat yan ngayon!" Plinay na ni Jayden ang movie at pinatay ang ilaw sa loob ng bahay.
Nakasarado lahat ng bintana at dim talaga ang loob ng bahay dahil alas kwatro pa lang naman ng hapon.
Nasa gitna na kami ng Movie ng biglang may Erotic scene ang mga characters doon. Awkward akong lumayo kay Jayden. Tumikhim naman siya at nakita ko ang pag sulyap nito sa akin.
Akala ko tapos na pero sunod sunod talaga yung ganoon na scene! Nag focus na lang ako sa movie at hindi inintindi si Jayden.
"Hala? Yun na yon?!" Reklamo ko. Alam ko meron pa tong sequel na kakalabas lang rin eh! Inagaw ko Jayden ang remote at plinay ang sequel ng movie.
"Oh my gosh..." Kinikilig kony hinampas si Jayden sa braso. Nangangalay na ako dahil nasa tabi ni Jayden lahat ng unan.
Siniko ko siya at ngumuso, tinuturo yung unan. Nagtaka ang mukha ni Jayden at nanlalaki pa ang mata. Anong nakakagulat sa pag hingi ng unan?!
Ngumuso ulit ako pero nagulat ako ng bigla itong lumapit sa akin at hinalikan ako. Gago!
His lips didn't moved at first pero agad rin itong gumalaw, i didn't move.
Lalong lumalim ang halik nito. unconsciously i followed the rhythm of his lips. Habang tumatagal, lalong nagiging mapusok ang halik.
He bit my lower lip and he entered his tongue inside my mouth. Naramdaman ko ang kamay nito sa aking bewang. Nagulat ako nang bigla ako nitong binuhat at inupo sa kaniyang kandungan.
Tangina, anong ginagawa ko?!
Humiwalay ako ng halik kay Jayden. mali ito.
"M-may Ashtrid ka, Jayden. Mali toh, mali" Umalis ako sa kaniyang kandungan. Tumayo si Jayden at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Mikayla, Listen to me..." Hinawakan nito ang aking baba at pilit hinaharap sa kaniya. I looked at him but he gave me a pecked on the lips.
"Ayoko ng ipagpilitan ang sarili ko sa kaniya" Naguguluhan ko siyang tinignan.
"Help me, again... Not to make her jealous but to forget her" Anito. Idinikit niya ang noo sa aking noo, our nose touching each other and i can feel his heavy breathing.
"Anong nangyari?" Mahinahon kong tanong dito. I won't lie, i consider Jayden now as my friend. I treasure my friends so much, sila na ang nagiging pamilya ko. Magiisang buwan ko ng kasama si Jayden, malapit ng ang loob ko sa kaniya.
"Yesterday, i asked her kung meron pang chance... The engagement will continue and sure na iyon. Wala na daw siyang magagawa dahil utos iyon ng parents niya." Umupo ito at hinilamos ang kaniyang kamay sa mukha. Tumabi ako sa kaniya at hindi nagsalita.
"Give up ka na?" Tumingin ito sa akin dahil sa tanong ko.
"I can't fight for her anymore" Bakit naman? Naduwag na ba siya? eh ang landi nga nila kahapon tapos ngayon...Hay nako, kaya ayokong mainlove.
"Erase that, I don't want to fight for her anymore" Mas lalo akong naguluhan sa kaniya. Ayaw na niya talaga?
"I want to know something first" Umayos ito ng upo. Tumayo ako at pumunta sa harap niya.
"Sige, tutulungan kita mag move on. Pero sa isang kondisyon" Tumigil ako at nakita ko ang curious na mukha nito.
"Tulungan mo ako para makapasok sa University" Sumingkit ang mata nito sa akin kaya tumaas ang kilay ko. Fair naman, diba? Siya, makakamove on. Ako, makakapasok sa University na gusto ko sa tulong niya.
"Ano? Deal or no deal?" I extended my hands, waiting for him to shake it. Tumayo ito at tinitigan ang kamay ko.
Hinawakan niya ang aking kamay and i was expecting him to shake it,
Pero hinila niya ako dahilan ng pag dikit ng katawan ko sa katawan niya. He was taller than me, so i looked up and i saw him smirk.
Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Tila nawalan ako ng hangin dahil onting galaw na lang ay magtatama na ang mga labi namin.
"Deal" Before i could answer, He kissed me.
-End of chapter 10-
BINABASA MO ANG
Maybe Love
RomanceLover's Series #2 Mikayla Liane Diaz, she didn't believe in love, she was 'bitter', her friends would tell her. But, how can her naive and young heart, got broken by a guy who she met on a park, and asked for her help. With that, broken and in pain...