Chapter 12

11.8K 267 176
                                    

MIKAYLA's POV

"We're here" Naramdaman kong tumigil ang Kotse ni Vicente. I looked at my house, parang kahapon lang...

"Thank you sa paghatid" Tumango si Vincente sa akin at inalalayan akong bumaba sa Kotse.

"Gusto mong samahan kita?" Nagaalalang tanong sa akin ni Vincente. Umiling ako sa kaniya at ngumiti.

"No need, Vince. I can handle myself" Huminga ako ng malalim at inayos ang bag ko.

"Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka, ah?" Tumango ako sa kaniya. Niyakap naman ako nito. I hugged him back and buried my face into his chest.

Mabait na kaibigan si Vincente, lagi siyang to the rescue sa akin. Sayang at hindi niya maamin kay Tasy dati ang nararamdaman niya. Pero alam kong may iba na siyang gusto ngayon, sana hindi saktan si Vincente ng taong gusto niya.

"Pasok ka na" Humiwalay ako ng yakap sa kaniya.

"Umuwi ka na, papasok ako pag umalis ka na." Aayaw pa sana siya pero tinaasan ko lang siya ng kilay kaya napatango na lang ito.

"Fine, goodnight Liane" Mahina ko siyang hinampas sa braso dahil sa tinawag nito sa akin.

"Yuck, wag mo nga akong tawagin ng ganon!" Tumawa ito at naglakad na papasok sa kotse niya. Kumaway ako rito habang tinatanaw ang kotse niya na paalis.

Tumalikod ako at papasok na sana sa bahay ng marinig ko ang kotse na pumarada sa harapan ng bahay ko.

"Anong kailangan mo na naman, Vince-" Natigil ako sa pagsasalita ng makita si Jayden.

May sugat ang gilid ng labi nito at namumula ang kaliwang bahagi ng kaniyang pisnge.

"B-bakit ka andito? Si Ashtrid?" Lumapit ito sa akin at tumayo sa aking harapan. Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kaniya, walang ekspersyon ang mukha nito.

Magsasalita sana siya pero hinawakan niya ang sugat sa labi, masakit ata tuwing bubuka ang bibig niya.

"T-tara sa loob gagamutin ko" Binuksan ko ang pinto at pinapasok si Jayden. Pumunta ako sa kusina at kinuha at first aid kit. Kumuha rin ako ng yelo para sa namamaga nitong pisnge.

Binalikan ko si Jayden sa sala, nakaupo siya sa sofa at nakatitig lang sa akin. Umupo ako sa harapan niya at nagsimulang gamutin ang sugat nito sa labi.

"Sorry sa mga kaibigan ko, ah? Hindi kasi nila alam na hindi totoo ang relasyon natin." Hindi ito sumagot kaya pinagpatuloy ko ang pag gamot dito.

"Aw" Nilayo niya ang mukha ng lagyan ko ng alcohol ang sugat.

"Hala, sorry! Ikaw kasi eh..." Hinipan ko ang sugat niya habang nilalagyan ng Alcohol. Natigil ako sa paghipan ng maramdaman ang titig ni Jayden.

Nagsalubong ang mata namin at natigil ang aking kamay sa pagdampi ng bulak sa kaniyang sugat.

Iniwas ko ang tingin dito at nilagyan na ng band aid ang sugat. Inabot ko sa kaniya ang yelo at pinalagay sa pisnge niya.

"Sorry talaga, Jayden. Sasabihin ko bukas sa kanila yung totoo-" Bago ko pa matapos ang aking sasabihin nang bigla niya akong hinila kaya napaupo ako sa kaniyang kandungan.

My hands wrapped around his neck and i felt his hands at my back, supporting me from falling.

"J-jayden anong ginagawa mo-" He cut me off using his lips. It was a quick kiss, peck lang.

"Don't tell them that..." His hands wrapped around my waist and i felt his hands on my stomach. Sakop na sakop niya ang aking bewang.

"A-ano? Si Ashtrid, Jayden... kaya na ulit diba? Baka iba ang isipin na naman ng mga kaibigan ko..." Umiiling ako habang sinasabi ko iyon.

Bakit naman hindi ko dapat sabihin na hindi totoo ang relasyon namin? Obviously him and Ashtrid are back together. Ayokong makasira ng relasyon!

"It's just a friendly date, Kali. Request niya yon at huling labas na namin iyon..." Paliwanag nito.

"Friendly? Eh?" Suminghal ako sa kaniya. Mama mo friendly!

"Why?" Nagtataka nitong tanong sa akin.

"May pag hilig at kiss ka pa sa noo eh! Friendly ba yun?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"What about you?" Tumagilid ang kaniyang ulo habang nangiinis ang mukha.

"Anong ako-"

"You and that boy hugged kanina" Eh? Nakita niya yon? Ano naman sa kaniya!

"So? Friendly hug yun! Friends lang kami ni Vince" Inirapan ako ni Jayden.

"Friends? You both looks sweet!" Humigpit ang hawak nito sa aking bewang at umigting ang kaniyang panga.

"Ano tawag mo sa inyo ni Ashtrid?!" Pasigaw kong tanong sa kaniya. Bakit? Kung kami sweet ni Vince, ano tawag niya sa kanila? Friends? Best friends?

"Are you jealous?" Nangingiting tanong nito.

"Hoy hinde! Bakit naman ako magseselos, Loverboy?" Ako? Nagseselos? Norway!

"You are" Inilapit nito ang kaniyang mukha at siniksik sa aking leeg. Naramdaman kong ngumiti siya.

"Hindi nga! Eh ikaw? Selos ka kay Vincente noh?" Humarap siya sa akin and his face looks funny, wala na naman expression!

"Yes" Nagulat ako sa pag amin nito.

"E-eh... ano... bakit ka naman magseselos dun? Kay Levi ka dapat mag selos kasi siya fiancè ni Ash-"

Natigil ako sa pagsasalita nang bigla ako nitong halikan. Hindi katulad kanina na mabilis, ngayon ay matagal na.

"I'm now moving on, Kali... Thanks to you" He said between the kiss.

Bakit naman ako? Wala pa nga kaming ginagawa move on na siya? Balak ko pa naman siyang i set up sa blind dates!

"Kiss me back, love" He said. After a few seconds, i kissed him back.

His grip tightened. Ang pareho kong kamay ay nakasukbit na sa kaniyang leeg.

I followed the rhythm of his lips, him caressing my back gives me a unfamiliar feeling. Para akong kinukuryente sa mga haplos niya.

Kinagat nito ang aking ibabang labi at pinasok ang kaniyang dila sa aking bibig. Para kaming nag eesapadahan ng dila sa ginagawa namin.

Lumipat ang labi nito sa aking panga, pababa sa aking leeg. I tilted my head giving him more access.

"Hmm" I breathed heavily. Bumalik ang kaniyang atensyon sa aking labi.

Binuhat ako ni Jayden habang patuloy lang itong hinahalikan ako.

Bridal style ang buhat nito at nararamdaman kong umaakyat kami sa kwarto ko.

"J-jayden ibaba mo muna ako-"hindi tinitigalan ang labi ko. Tuwing hihiwalay ako ay hahabulin niya ang labi ko at hahalikan ulit.

"Hinga muna!" Tinakpan ko ang bunganga niya gamit ang kamay ko. Our eyes met, i saw this emotion in his eyes pero agad rin iyon nawala.

Buhat niya pa rin ako nang pumasok kami sa kwarto ko. Inilapag niya ako sa kama at tumabi naman ito sa akin.

"Let's cuddle" He wrapped his hands around me. Pinatong ko naman ang akin kamay sa kaniyang bewang.

Nakaharap ako sa bisig niya at ramdam ko ang ulo niya na nakapatong sa aking ulo.

"After ng laplapan, cuddle?" Inosente kong tanong dito.

"Do you want me to continue, hm?" Nakatingala akong nakatingin sa kaniya habang yakap pa rin ako nito.

"Pwede ba?" Nahihiyang tanong ko sa kaniya. Ano ba yan!

He chuckled and gave me a peck on my lips.

"Let's sleep, Kali"

We slept while still hugging eachother. My heart felt contented and happy.

This is getting more dangerous.

-End of chapter 12-
Hala ang wild niyo pi bawal yan😱

Maybe Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon