Starting from this chapter will be the happenings of the past
MIKAYLA's POV
"Thank you sa paghatid" Ngumiti ako kay Jayden at tinanaw si Ashtrid na nasa loob pa rin ng sasakyan."See you tomorrow, Kali" Tumango lang ako sa kaniya at tumalikod na. I heard the car engine starting at umalis na ito.
Maybe tomorrow, or the other day tapos na itong pretend relationship na ito. Me and Jayden can be friends...or not.
"Hello!" Bungad sa akin ni Janica sa kabilang linya. Tignan mo tong gagang toh, kung maka sigaw kala mo walang bukas eh.
"Gago ka, ang lakas mo naman mag hello! Bingi ba ako?" Umupo ako sa sofa at tinanggal ang sapatos ko.
Pagod agad ang naramdaman ko pag upo ko pa lang. Syempre pagod sa katawan.
"Alam mo ba? Nakita ko yung jowa mo kasama yung babaeng narinig ko kahapon sa coffee shop? Yung they fuck daw! Gago ka! Baka yung jayden yung tinutukoy nung babae!" Anito.
Si Ashtrid pala yung babae kahapon, i didn't expect that... baka nga may nangyari sa kanila. Tila lalo akong napagod dahil sa naisip ko, bakit ba ako napapagod bigla bigla? Parang tanga naman!
"Oh?" Pagod na sagot ko rito, narinig ko naman itong suminghal sa akin. Tila hindi makapaniwala na iyon lang ang reaksyon ko.
"A-nong 'oh'? hoy! Niloloko ka na ata nung Jayden na yon!" Umiling ako dahil sa sinabi ni Janica.
Bakit naman ako lolokohin, hindi naman kami.
"B-baka hindi naman siya yun, ano ka ba..." Tumayo ako at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Parang may bumabara kasi sa lalamunan ko dahil sa usapan namin nitong si Janica.
"Mikayla, ako na nagsasabi sayo, kung niloloko ka nung tao, hiwalayan mo agad." Mariin na saad nito.
I sighed, of course i know that.
"Yes, Master!" Mahina naman akong natawa dahil singhal lang ang sagot nito sa akin. Nagpaalam na ako rito dahil gusto ko ng magpahinga, nakakapagod ang araw na ito.
I showered and went to bed. Nakatitig lang ako sa kisame at blanko ang utak.
Ako? Niloloko ni Jayden? Impossible, si Ashtrid pa nga ang niloloko niya eh, dahil si Ashtrid naman ang original.
Paano kung may nangyari nga sa kanila? Paano si Levi? Isn't that cheating? Ah, Fuck! Wala na akong paki roon.
Nasa kanilang tatlo na yun, labas na ako diyan.
I closed my eyes pero bumabagabag pa rin sa akin ang nararamdaman ni Levi. Pero, malay ko ba kung si Jayden ang tinutukoy ni Ashtrid? Baka naman ibang lalaki or si Levi...
Ang puta naman, sabi ko wala na akong paki eh!
Nakatulog ako dahil sa pagtatalo ng utak ko kung may paki ba ako o wala.
I WOKE up because someone is literally shaking my shoulders, waking me up.
"Ang aga pa! 5 more minutes!" Tumalikod ako at yumakap sa unan. I was about to fall asleep again nang ma-alala kong wala pala akong kasama sa bahay.
Gago, sino yung yumugyog sa akin?! Minumulto ba ako?! Pina house blessing ba ito nila mama?! Tangina talaga!
agad ako nagmulat pero gwapong mukha ni Jayden ang tumambad sa harapan ko. He was inches away from me!
"Gago ka!" Sigaw ko sa kaniya at tinulak ito. Tinakpan ko ang bunganga ko ng marealize na hindi pa pala ako nag toothbrush!
Baka naamoy niya hininga ko!
"Bakit ka naman kasi andito?! Paano ka nakapasok?!" Sigaw ko rito habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa bunganga.
"Your door was open, Kali" Nakataas kilay nitong sabi. Ay, nakabukas ba?
"Buti walang pumasok na magnanakaw rito" Umiling ito at pumunta sa harap ng pintuan, Lalabas na ata.
"I can see your uhm... dibdib" Gulat akong napatingin sa dibdib ko! Ang putangina, wala akong bra matulog!
"Labas!" Hinagis ko sa kaniya ang unan ko at tumatawa naman itong lumabas. Pero wala pang ilang minuto ay sumilip ulit ang ulo nito
"Okay lang sa akin kung ganiyan suot mo buong ara-" Sapul siya sa mukha bago niya pa matapos ang sasabihin niya. Manyakis tong putanginang toh!
"I'm kidding, Love! Baka may bigla kasing pumasok sa bahay mo at makita ka naka ganiyan!" Narinig kong sigaw nito sa labas ng pintuan.
"Love love mo mukha mo! Bumaba ka na nga o mas better na umalis ka na! Umagang umaga nang iinis ka!" Narinig ko ang malakas na tawa nito.
Bumaba na ata siya dahil naging tahimik na ulit sa labas, agad naman akong pumuntang banyo at ginawa ang morning routine ko.
Epal talaga si Jayden, hindi lang Lovelife ni Ashtrid kundi sa Buhay ko!
"You're so matagal" Jayden said while pouting, mukhang tanga!
"Atleast i don't do pouting like tanga" Gaya ko sa accent nito.
"Bakit ka ba andito? At sino nagsabing pwede kang pumunta dito kung kailan mo gusto?" Umupo ako sa harap nito at tinaasan ng kilay.
"Secret" kumindat ito sa akin at dumiretso sa kusina ko.
"Hoy, bahay mo?" Sinundan ko ito sa kusina at nakitang kumakalikot siya ng kung ano ano.
"Ako na magluluto" Kinuha ko dito ang bacon na dapat ay lulutuin niya, inirapan lang ako nito at umupo sa counter.
"I always cook for Ashtrid..." Mahinang sabi nito pero narinig ko iyon, Edi sana si Ashtrid pinuntahan mo!
"Bakit ka dito pumunta, mukha ba akong si Ashtrid?" Sarcastic kong tanong dito.
"No, ayokong gawin sayo ang ginagawa ko noon kay Ashtrid"
Natigilan ako sa sinabi nito, para akong sinaksak ng sampung kutsilyo sa narinig ko kay Jayden.
Dahil ba siya yung una at ako ay hamak na pangalawa lang?
"A-ah.." sagot ko dito. I didn't speak the whole time even while eating. Ewan ko, gusto ko na lang maging tahimik.
"Uuwi ka na?" Tanong ko sa kaniya. Umiling naman ito at umupo sa sofa at binuksan ang TV.
"Ayos ah? Andito ka para tumambay? Ano ako tambayan mo?" Tumabi ako sa kaniya at nag cross arms.
"I'm here to spend time with you..." Tumingin ako sa kaniya dahil sa sinabi nito. Aba, bakit naman?
"Why?" Curious kong tanong, tila kinakabahan sa sagot nito.
"K-kayo na ulit ni Ashtrid...?" I swallowed the lump in my throat. Before he looked at me, nag iwas na ako ng tingin.
"No. Her and Levi...will continue the engagement" Anito.
Tumango ako dito at ngumiti.
"Continue pa rin plano?" I managed to keep my smiling face.
This is not happening, I'm fucking hurting for him.
"I don't know" Alinlangan tanong nito.
"Andito lang ako, Jayden..." Tumingin ito sa akin at tinitigan ako.
"Para tulungan ka!"
Tinutulungan ko lang siya, tama.
-End of chapter 8-
BINABASA MO ANG
Maybe Love
RomanceLover's Series #2 Mikayla Liane Diaz, she didn't believe in love, she was 'bitter', her friends would tell her. But, how can her naive and young heart, got broken by a guy who she met on a park, and asked for her help. With that, broken and in pain...