MIKAYLA's POV
"Inaantok ako" Humikab si Tasy at sumandal sa balikat ko. Matatapos na ang klase namin pero talaga naman nakakantok ang subject ngayon, Math.
"Grabe, miss ko na siya" Nakapikit si Tasy habang sinasabi iyon, Si macsimo tinutukoy nito.
"Tangina mo? sa harap ko pa talaga?" Tinaas ko ang balikat ko kaya masama akong tinignan ni Tasy habang nakahawak sa ulo niya. Deserve!
"Bitter ka pa rin? May jowa ka na! pinaglihi ka nga sa ampalaya" Nagasaran kami ni Tasy buong oras na iyon. Buti na lang hindi kami napagalitan ng teacher kundi nasa labas na naman kami ni Tasy.
"Mall tayo!" Hinila ako ni Janica at si Tasy naman ay kasama si Macsimo na nasa likod namin. Sumakay ako sa kotse ni Will dahil hindi ko naman ginagamit yung sasakyan ko.
"Ang sakit niyo sa mata" Reklamo ni Will habang nakatanaw kay Ian at Janica na awkward sa likod, hindi ko alam ano meron sa dalawang toh.
"Ay. ganon?" Natatawa kong sabi habang naka tingin kay Janica na masama ang tingin sa akin. Hay, masarap talaga asarin si Janica dahil may pagka pikon siya.
"Dito na us" Bumaba kaming apat sa kotse at pumasok sa Mall. Pumunta kami sa Movie theater at bumili ng ticket dahil meron bagong palabas ulit. Isang oras pa naman bago kami pumasok kaya napag desisyonan namin na mag arcade na muna. Arcade is life talaga pag kasama ko ang mga ito.
"Pustahan 100 pag nakakuha ako ng 100 ah" Nilabas ni Will yung token niya. Nagpupustahan kasi kaming dalawa dito sa isang laro, May bola na mahuhulog at may mga numbers kung saan mag shoot yung bola yun yung ticket na lalabas.
"Sige! yabang nito" Nag simula ng bumagsak yung bola at parang slow motion ng muntik na itong mashoot sa 100. sa 5 siya na shoot kaya hinampas ko si Will at inagaw sa kaniya ang 100 worth na token
"Maduga! Ayoko na!" Tinuro ko sa kaniya yung token at binelatan. Yabang kasi eh, talo tuloy!
"Arat na" Pumasok kami sa loob ng Cinehan at umupo sa pinaka dulo sa taas, ewan ko trip talaga namin magkakaibigan dito eh.
"Penge" Kumuha si Will ng isang dakot sa popcorn ko at sumunod naman si Macsimo. Nilagay nila yun sa lagayan nila ng sariling popcorn. Bwisit talaga tong mga hampaslupang toh!
"Ayos kayo ah?" Pareho ko silang binatukan pero hindi naman ako pinansin dahil kumakain lang talaga sila ng Popcorn.
"Fvorite ko yan eh" Tukoy ni Macsimo sa isang Commercial.
"Walang nagtatanong" Si Janica at Macsimo naman ang nag asaran kahit nasa magkabilang dulo sila. Ako naiipit sa mga toh!
"Start na pwede tumahimik na kayo?" Nagstart na ang movie at medyo madaming tao ang nasa loob.
Naka focus lang ako sa Movie ng mahagip ko ang pamilyar na bulto ng lalaki at babae. Madilim ang loob ng cinehan kaya matagal ko pa silang tinitigan hanggang nakita ko ng malinaw kung sino ang mga ito.
"Jayden? Ashtrid?" Umupo silang dalawa sa harapan ko, mismong harapan ko. Hindi nila ako nakita o napansin man lang.
Akala ko ba Move on? Scam pala siya eh. Inalis ko ang tingin ko sa kanila ang binaling ang attention sa malaking screen. Pero hindi ko maiwasan makita ang ginagawa nilang dalawa, Ashtrid rested her head sa balikat ni Jayden.
My heart Ache for a moment, seeing them being this sweet, touchy... I sighed and didn't mind them for the entire time. Para akong nang hihina sa tuwing natatanaw ko sila, Jayden even kissed Ashtrid's forehead.
Ang Sweet noh? Sana all.
Natapos ang movie at nauna silang dalawa lumabas, nagmamadali pa nga ata sila. Lumalalim na ang gabi kaya napagdesisyonan namin na umuwi na, baka kasi masaraduhan kami ng Mall sa kabagalan kumilos ng mga Kaibigan ko.
Nasa parking Lot na kaming magkakaibigan ng matanaw ko ulit si Jayden at Ashtrid na papunta sa isang sasakyan, hindi ito yung sasakyan ni Jayden na gamit niya kahapon.
"Dalian niyo nga" Pagmamadali ko sa mga kaibigan ko. Kilala ni Janica si Ashtrid at Jayden, at akala niya nololoko nila akong dalawa. Kinakabahan ako sa magagawa nitong si Janica dahil alam ko talagang may gagawin siyang masama sa dalawa.
"Tara na-" Napatigil si Janica sa pagsasalita ng may makita siya sa likod ko. Napalunok ako dahil pilit niya tinatanaw, hinaharangan ko si Jayden at Ashtrid. Bakit ba kasi kami nagsabay dito?!
"Tangina.." Nagulat ako ng bigla ako nitong tinabig at lakad takbong pumunta kay Jayden at Ashrid. I was stunned when i saw Janica's Angry face, ang puta!
"Hoy tangina niyo!" Nakuha ni Janica ang atensyon ni Jayden at ng mga kaibigan ko, Malakas ang tibok ng puso ko pero patakbo akong pumunta kay Janica at hinawakan ang braso niya.
Pero nagpumiglas siya at nagulat ako ng biglang bumagsak sa lupa si Jayden. Nanlalaking mata kong tinignan kung sino ang sumapak dito. Vincente?!
"Cheater" Taas baba ang dibdib ni Vincente habang masamang nakatingin kay Jayden na nakahandusay sa Lupa. Bago pa ako makalapit kay Jayden ay nilapitan siya ni Ashtrid na nagaalala.
"Ikaw yung nasa Coffee shop na malandi, diba? Yung sabi mo you fuck fuck! Etong lalaki ba na toh tinutukoy mo?" Tinuro ni Janica si Jayden na hawak hawak ang panga niya.
"What?! I don't even know you! And yes i made love with this guy" Masungit na sagot ni Ashtrid kay Janica.
My heart sank after hearing those words, may nangyari sa kanila. Ano bang karapatan kong masaktan? Hindi naman kami ni Jayden, diba?
"Yuck! Ang lalandi niyo" Sinipa ni Janica si Jayden sa tyan kaya namilipit ito, tumingin siya kay Ashtrid at miniiddle finger siya.
"Hindi mo na malalapitan si Mikayla" Mariin na sabi ni Vincente at hinila ako.
Nagkatinginan kami ni Jayden and i know my face says I'm sorry.
"Sorry.." Mahinang saad ko pero alam kong narinig iyon ni Jayden dahil tumingin ito sa akin, walang ekspresyon ang mukha.
Sinakay ako ni Vincente sa kaniyang sasakyan.
Ang inisip ko lang buong byahe ay ang kalagayan ni Jayden dahil mukhang malakas ang suntok sa kaniya ni Vincente.
"Huwag ka ng lumapit doon sa tanginang yon" Hindi ako sumagot ky Vincente at tumingin lang sa bintana.
Hindi ko na alam, naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.
-End of Chapter 11-
BINABASA MO ANG
Maybe Love
RomanceLover's Series #2 Mikayla Liane Diaz, she didn't believe in love, she was 'bitter', her friends would tell her. But, how can her naive and young heart, got broken by a guy who she met on a park, and asked for her help. With that, broken and in pain...