Chapter 5

13.5K 282 47
                                    

MIKAYLA's POV

Nag message sa akin si Janica tungkol sa naririnig niyang kwento doon sa babaeng nasa harapan niya. They fucked ewan-ewan daw.

Maganda daw kasi ang babae at mukhang maamo. Pero ang tono daw ng pananalita ay halatang malanding nilalang. Base na rin daw sa obserbasyon niya. Minessage ko siya na huwag makinig sa usapan ng iba pero nag react siya message ko ng wow.

Baliw!

Biglang nag ring ang phone ko na may tumatawag kaya agad ko itong sinagot at si Jayden lang naman pala. Akala ko naman kung sinong importante!

"Hello?" I answered.

"Mikayla, let's go to the amusement park...andoon si Levi at Ashtrid" he said, straightforward naman!

"Eh? Akala ko ba..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita ito. "Hurry" binaba niya ang tawag. Ay, thank you ah! Thank you for helping me bringing back the love of my life! Walang ganon?! That ungrateful bastard! Umirap na lang ako at bumangon sa kama.

Nagbihis lang ako ng loose high waisted pants, white shoes and white fitted croptop. Simple lang ang outfit ko ngayon dahil sa amusement park lang naman ang punta namin ni Loverboy na masungit na may topak at sira sa ulo dahil maluwag na naman ata ang turnilyo niya dahil nagseselos siya kay Levi.

Mamatay sana siya sa selos! Napatawa ako sa isip ko habang iniisip ang galit na mukha ni Jayden habang naka tingin kay Ahstrid at Levi na sweet sa amusement park.

Laughtrip itong moment na toh! Sigurado ako! Selos jayden ang peg niya ngayon eh. Lumabas ako nang marinig ko ang busina ng sasakyan ni Jayden. Nilock ko ang bahay at pumasok na sa kotse niya.

Nang tapos na akong magseat belt ay agad niyang pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang kami buong byahe dahil nakatulog na rin ako. Nagising ako ng maramdaman ang mahihinang tapik. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakita ang nagsisitaasan rides! Yiee! Exciting!

"Let's go! Let's go!" Maligaya kong sabi kay Jayden at agad na lumabas ng kotse. Sumunod naman siya sa akin at pumasok na kami sa Amusement park. Ang sweet naman ni Levi dahil dinala niya dito si Ashtrid! Malas nga lang dahil iba ang mahal ni Ashtrid... hays! Kung pwede lang jowain si Levi ay ginawa ko na pero hindi pa daw tapos ang misyon ko kay Ashtrid at Jayden sabi ni Kupido.

Tumabi sa akin si Jayden na tila may hinahanap. Sila Ashtrid siguro. "Asan na sila?" Tanong ko sa kaniya at nakihanap na rin. Aba, gusto ko munang pagselosin si Ashtrid para makapag enjoy man lang ako dito sa amusement park noh! At lubayan na silang lahat at ienjoy ang sarili ko.

"There" tinuro niyo sandali si Levi at Ashtrid na nasa isang candy shop at bumibili. They were laughing at each other nang malaglag ang candy ni Levi. Natawa rin ako pero naramdaman ko naman ang mariin na titig ni Jayden sa akin. Tinaasan mo siya ng kilay at nagcross arms ako.

"Problema mo?" Tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya at pumunta na sa direksyon nila Ashtrid. Alam ko na ang plano niya kaya agad akong kumapit sa braso niya. Kunwari'y napadaan kami pero sisiguraduhin namin na makikita agad kami ni Ashtrid at siyempre pag nakita niya kamu ay sweet kami! Mas matamis pa sa candy na kinakain nila!

"Let's get it on, pagselosin si Ashtrid operation!" Mahina kong sabi at humagikgik. Umiling lang sa akin si Jayden. Pangit ang timpla niya ngayon dahil alam kong selos na selos na siya kayla Ashtrid at Levi. Kung ako man nasa posisyon niya at si Levi ang fiancè ko baka pinatapon ko na sa Mars si Ashtrid at itatanan ko si Levi o kaya ibubulsa siya sa pants ko. Hehe!

"Love! Tara duon tayo, please?" Kunwaring inarte ko at tinuro ang roller coaster. Aba siyempre saktong nasa harapan namin sila Ashtrid at Levi na alam kong napapansin na kami. Mapapansin talaga nila kami dahil sa taglay kong ganda!

"But love, baka masuka ka or mapahamak pa tayo" kunwaring concern na sabi ni Jayden. Na cringed ako sa sinabi niya kaya medyo umasim ang mukha pero pilit akong ngumiti nang makita sila Ashtrid at Levi na papalapit na sa amin.

"Hindi love, Promise!" Nag cross heart pa ako kaya natawa siya ng bahagya. Hay nako! Magaling talaga umacting at taong selos katulad nitong si Loverboy.

"Fine, malakas sa akin ang mahal ko eh" weird but i felt butterflies in my stomach. Omaygosh! Eto ba ang sinasabi nila Tasy sa tuwing kasama nila ang mga love of their life nila? No! Hindi pwedeng Kay jayden una kong naramdaman yon!

"I k-know!" Tumawa ako ng pilit at ngumiti kahit ang totoo ay nagwawala na ang mga nerves at organs ko sa katawan. Edi wow, Mikayla. Umiling ako at binaliwala ang nararamdaman. Tuluyan nang nakalapit si Ashtrid at Levi.

Kaharap ko ngayon si Levi na mas matangkad sa akin. He smiled at me kaya ngumiti ako sa kaniya. I smiled at him shyly. Ang landi! Pero okay lang. YOLO nga eh!

"Hey, Jayden and Kali" Levi called me using my Nickname na onting tao lang nakakaalam lalo na yung nagpauso non na katabi ko ngayon. Nag init ang pisngi ko sa kaniya at nag iwas ng tingin. Medyo humigpit yata ang kapit ko kay Jayden. Kapit ka lang Jayden! Kinikilig ako!

"H-hey, lev" Lev kasi minsan tawag sa kaniya. Paano ko nalaman? Aba, madalas ba naman kaming mag kita 'accidentally'! Yumuko ako dahil sa kahihiyan! Mikayla naman! Nasa tabi niyan fiancè oh! Pero okay lang, yung katabi ko naman ang mahal nung fiancè niya. Kwits kwits lang noh.

"Tss" singhal ni Jayden kaya agad ko siyang nilingon. Nagtataka ang mukha ko sa kaniya pero siniko ko siya kaya napatingin siya sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata. Nagpapahiwatig na maging sweet siya sa akin! Nasa harapan namin yung love of his life niya para siyang tangang sumisinghal diyan!

"Love, let's go. Excuse us, Ash and Levi" tumango siya sakanila at hinila ako. Kumaway ako sa kanila at nakita ko ang pagdaan ng irita sa mukha ni Ashtrid. Jayden kasi eh!

Nang makalayo kaming dalawa ay hinigit ko sa kaniya ang kamay ko.

"Huy! Baliw ka ba?! Chance mo na iyon para pagselosin ng todo si Ashtrid oh!" Irita kong bulyaw sa kaniya. Hindi naman siya nag salita at naka tingin lang sa kung saan.

"Hoy! Jayden Roy Hernandez! Are you here?!" I snapped my fingers infront of his frowning jealous face.

"I saw you and Ashtrid kissing, Jayden. Gumagana na ang plano mo...itodo mo na! Natin!" Sabi ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin ng mariin.

"Okay, tara" hinila niya ako kung saan at nakita ko si Ashtrid at Levi na nasa isang bench, magkatabi. Ashtrid saw us and her smile faded away. See? She's jealous already just by seeing me with Jayden.

Anong klaseng sitwasyon ba ang pinasukan ko sa pang batang relasyon na ito? Seriously? Pretending? Ugh.

Para akong natauhan dahil alam kong walang kwenta itong pretend shits na ito sa 'experience' na gusto kong mangyari. Tss, Jayden is always masungit, cold or something. But sometimes he's sweet and flirty. And my dangerous heart keeps beating fast whenever im with him.

This is obviously dangerous! Wala akong experience sa kung ano man ang mararamdaman pag may karelasyon, noh!

Ashtrid and Levi stood up. Facing the both of us again. Ganoon muli ang posisyon namin, katulad ng kanina. Me facing levi while Jayden facing Ashtrid.

"Let's watch the fireworks later? Together? The f-four of us.." Ashtrid said shyly. Now i know why Jayden really can't move on from her!

"Yeah! I'm fine with that!" I said excitedly. I really love fireworks!

Nagbibigay ito nang kakaibang liwanag sa madilim at malungkot na mundo.

If i could describe the person whom im eager to be with. Pag dumating siya sa mundo ko, isa siyang fireworks dahil binigyan niya ng kulay ang madilim na mundo ko.

-end of chapter 5-

Maybe Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon