MIKAYLA's POV
Andito pa rin si Jayden, buong araw ata andito 'to. Cinareer yung tambay mode niya.
"Oh, grocery tayo. Walang stock ng pagkain" Inabot ko sa kaniya ang listahan ng mga bibilhin namin. Syempre, isasama ko siya. Alipin ko siya for today.
"Okay, let's use my car" Lalabas na sana siya ng magsalita ako.
"Teka, bihis lang ako" Suminghal pa siya pero pumayag rin naman. Mabilis lang naman ako kumilos! Akala mo naman gagawa ako ng building kung makasinghal.
I wore a mini dress na hindi abot sa tuhod ko. Fitted ito sa bewang at strapless naman ito.
Nag white sandals lang ako, diba? Kala mo picnic eh. Bakit ba? Ganito ako tuwing lalabas eh.
Bumaba ako at sinalubong si Jayden na nakaupo pa rin sa sofa.
"Let's go" Aya ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako at para siyang tanga dahil nanlalaki pa talaga ang mata niya habang naka tingin sa akin.
"Hoy! Tara na" Hinawakan ko ang kamay niya at hinila na palabas ng bahay. Tulala pa kasi, lalo kaming matatagalan.
"L-let's go" Utal nitong saad bago sumakay sa kotse. Inalalayan pa ako nito at halatang umiiwas siya ng tingin sa akin. Ano ba meron?
"Anong meron? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko dito at tinignan sa salamin ng kotse. Wala naman! Bakit ba iwas toh ng iwas!
I crossed my legs at sumandal sa upuan. May habit talaga ako na tuwing naka dress ako ay magcrcross legs ako. Lahat naman ata?
"Patugtog ako ah?" Tumango lang si Jayden. Binuksan ko ang Bluetooth ng phone ko at nagpatugtog.
Yan, Love talk ng WayV! Favorite ko yan eh! Sumabay ako sa kanta habang nag hehead bang pa.
"Loving the way you wanna talk~ touch me~ tease me~ fill me up~" Sabay ko sa kanta.
Nagulat ako ng pinatay ni Jayden ang Music at tumungin sa akin ng masama, hala? Anong ginagawa ko sa kaniya!
"Anong ginawa ko naman sayo? Kung makatingin" Plinay ko ulit ang kanta pero pinatay niya ulit.
"Play other songs!" Masungit nitong sabi. Inirapan ko lang siya at nagplay ng bago.
Earned it naman ang pinatugtog ko. Eto, si Kime ang nag download nito sa Cellphone ko eh. Favorite niya daw kasi yung Fifty shades.
"Fuck..." Pagmumura ni Jayden. Bakit na naman nagmumura toh.
"Hoy! Nagmura ka kiss mo ako- ay may iba ka pala..." Hinampas ko na lang siya sa braso. Yung kabilang kamay naman niya nakahawak sa manibela eh, di kami mababangga niyan.
"Don't touch me" Ay? Inirapan ko ito at tumahimik na lang sa gilid. Natapos na ang Earned it.
Heaven naman ang tumugtog, syempre sino pa ba ang nag download ulit? Edi si Kime. Tarantado talaga.
"Baliw talaga si Kime" Natatawa kong saad.
Bago ko pa makanta yung Chorus ay nagsalita na si Jayden.
"We're here" Agad itong bumaba at binuksan ang pinto sa akin. Luh, epal naman.
"Dapat pinakanta mo muna sa akin yung Chorus! KJ ka talaga eh noh?" Saad ko.
"Whatever, your playlist is so fucking..." Reklamo nito habang sabay kaming naglalakad.
"Ano? Kaibigan ko nag ayos nito noh!" Bet ko rin naman mga ganitong kanta noh, ako pa.
"Whatever, Let's go" Pumasok kami sa Supermarket at nagsimulang mag grocery. Nasa snacks na kami ng biglang makasabay namin ang isang matandang babae.
"Nako, napaka ganda ninyong mag nobyo" Sabay kaming nagkatinginan ni Jayden dahil sa sinabi ng matanda.
"Hala hindi p-" putol ni Jayden sa sasabihin ko.
"Thank you, po." Hinapit naman ako nito sa bewang at hinalikan sa sentido. Itutulak ko sana siya ng makita ang matanda na nakatingin pa rin sa amin.
"Pwede patingen ng palad mo, ija?" Tumango ako sa matanda at pinakita sa kaniya ang aking palad.
"May tatlong magagandang mangyayari sa buhay mo, pero bago iyon ay malaking pagsubok ang haharapin mo" Saad nito.
"P-po? Tatlong magagandang mangyayari?" Tumango ito sa akin at ngumiti.
"Tatlong magagandang anghel" She smiled at walked away. I was stunned about what she said. Tatlong anghel? Susunduin na ba ako ni Lord?
But, that made my heart ache. I promised myself that I'll enjoy myself for the rest of my life.
Tumabi sa akin si Jayden at tinanong kung ayos lang ba ako. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"I'll wait for them..." Saad ko kay Jayden. Naguguluhan man ay tumango lang ito sa akin.
Kung totoo man ang sinasabi ng matanda, hihintayin ko ang tatlong magagandang mangyayari sa buhay ko.
"Hoy, ikaw may pa thank you ka pa kanina kay lola ah! Di mo naman ako nobya! Tanginang toh" Sinuntok ko siya sa braso at iniwan mag isa doon.
Baka may makakita sa amin at malaman pa ng totoong nagmamayari sa kaniya ang pinag gagawa nitong si Jayden
"Friends na lang tayo ngayon araw, okay?" Paliwanag ko dito habang tumitingin ng drinks. Hindi ito sumagot sa akin kaya tinignan ko lang ito.
Pero sa ibang direksyon siya nakatingin at nakita ko ang mga kalalakihan na nakatingin sa akin, kasing edad ko lang ang mga itsura nila.
Tinitingin tingin ng mga toh? Sungal ngalin ko sila eh!
Inirapan ko lang ang mga ito at tumingin kay Jayden, pero nakatingin pa rin siya sa mga iyon at para siyang makakapatay sa tingin.
"Hoy-" Nagulat ako ng bigla ako nitong hapitin sa bewang at sabay kaming naglakad paalis sa beverages section.
"Bitaw na, syado ka na" Bumitaw sa akin si Jayden. Alam ko naman ginawa lang niya yun para maalis sa akin tingin ng mga lalaki.
Aba, kung hindi nila macontrol mata nila, tanggalin nila.
"Bayad na tayo" Pumunta na kami sa Counter at babayaran ko na sana ng bigla siyang maglabas ng card
"It's on me, kali" Anito
"Wow, bait mo ngayon?" Tumawa lang siya dahil sa sinabi ko.
"Ang ganda at gwapo niyo pong dalawa, Ma'am. Nako, magiging maganda po ang mga anak niyo" Sabi ni ate na nasa counter.
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa huling sinabi nito, hala ka uy! Anong anak! Kay Jayden?! Norway!
"Jusko ka ate! Hindi ako papayag na yan ang kamukha ng anak ko noh!" Inirapan ko naman si Jayden at minock naman nito ang pag irap ko.
"Pero bagay po kayo..." tila kinikilig na sabi ni Ate.
Ganda ko talaga, pangit si Jayden pero dahil maganda ako bumabagay siya sa akin.
"Alam mo kaya ka bagay sakin kasi maganda ako ikaw panget"
"I'm ugly? Let's see if our kids gonna be ugly.." Napanganga ako sa sinabi nito.
"Natutulad ka na doon!" Maktol ko rito.
"May Ashtrid ka, beh. Baka nakakalimutan mo!" Hinampas ko siya sa braso habang nilalagay nito ang pinamili sa compartment.
"Binubulong mo diyan?" Bumubulong bulong pa kasi. Pwede naman sabihin nalang oh, I'm all ears! Emz.
"Let's go"
Aya nito sa akin.
Grabe, hindi na ulit ako magrgrocery kasama si Jayden, baka sa susunod mapagkamalan kaming may anak na.
-End of chapter 9-
BINABASA MO ANG
Maybe Love
RomanceLover's Series #2 Mikayla Liane Diaz, she didn't believe in love, she was 'bitter', her friends would tell her. But, how can her naive and young heart, got broken by a guy who she met on a park, and asked for her help. With that, broken and in pain...